Chapter Nine

495 26 0
                                    

"ANO? BAGAY ba?" tanong ni Soo Jin kay Jami at Perry.

Hindi agad sumagot ang magkasintahan. Bagkus ay nanatiling nakanganga ang mga ito saka siya tiningnan simula ulo hanggang paa.

"Hoy! Ano ba? Magsalita naman kayo! Pangit ba?" tanong ulit niya sa dalawa.

Biglang kumurap si Jami. "Ano bang pangit? Ang ganda mo kaya! Grabe!" malapad ang ngiti na sagot nito.

"Talaga? Hindi nga?" paniniguro pa niya.

"Yes, you look really great. Siguradong magugulat si Tyrone kapag nakita ka. Kung kami nga napanganga baka malaglag ang panga no'n," segunda naman ni Perry.

Napangiti siya saka muling sinulyapan ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. She's wearing a simple black dress and black stilletoes. Iyon ang gabi kung saan dadalo sila sa birthday party ng CEO ng PhilKor Entertainment na si Mister Park. Maging ang make-up niya ay naaayon sa suot niya. Aaminin niya, nang makita niya kanina ang sarili na suot ang damit na iyon at nakaayos. Maging siya ay halos di nakilala ang sarili.

"Are you ready?" tanong pa ni Jami.

"Oo, kaya lang kinakabahan ako eh," sagot pa niya.

Hinawakan siya sa braso ni Jami. "Huwag kang mag-alala, kasama mo naman kami eh. Saka puro mga taga-PhilKor lang din ang mga bisita ni Boss. Kung meron man iba mga close friends and family n'ya," anito.

"Eh media? I'm sure maraming media," pahabol na tanong niya.

"And so? Hayaan mo. Maganda ka at mabait, walang dahilan para hindi ka ipagmalaki ni Tyrone," ani Jami.

"I agree. Kung ang inaalala mo ay si Peter Seo. Ipanatag mo ang kalooban mo dahil hindi makakapanggulo iyon doon," sabi naman ni Perry.

"Okay," nakangiting usal niya.

"So, let's go. Nagtext na si Tyrone sa akin, naroon na daw siya," anang huli.

Dahil nanggaling ito sa last filming day ng drama nito. Hindi na kinaya pa ng oras nito na daanan siya kaya pinakiusapan nito ang dalawa na isabay siya. Doon na lang daw sila magkikita sa mismong lobby ng hotel.

Habang binabaybay nila ang daan papunta sa hotel sakay ng kotse ni Perry. Hindi maintindihan ni Soo Jin nang biglang umahon ang takot sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim ng tatlong beses saka pinikit ang mga mata.

"Okay ka lang, Soo Jin?" tanong pa ni Jami sa kanya.

Pagdilat niya ay nakita niyang nakatingin pala ito sa kanya. Ngumiti siya dito saka tumango. "Oo, ayos lang ako. Medyo kabado lang," sagot niya.

"Sabi ko naman sa'yo huwag kang kakabahan eh. Kaya siguro ganyan ang nararamdaman mo dahil ito ang first formal event na dadaluhan mo," anito.

"Actually, oo," nahihiyang pag-amin niya.

"Hay naku, okay lang 'yan. Ako rin dumaan sa ganyan, nakaka-stress lalo na at sikat ang boyfriend mo. Naku, kulang na lang batuhin ako ng kamatis ng mga babaeng nagpapapansin kay Perry. But he made me comfortable and he never left me that night. Kaya sigurado akong ganoon din ang gagawin din ni Tyrone mamaya," kuwento nito.

"Salamat, nabawasan ang kaba ko," natatawang wika niya.

"Good."

Pagdating nila sa hotel. Bumalik ang matinding kaba niya nang makita ang maraming media na nag-aabang sa mga sikat na bisita ng celebrant. Hindi pa man din sila bumababa ng kotse ay panay na ang kuha ng litrato sa kanila ng mga ito dahil kay Perry.

Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon