HBP 18

71 3 0
                                    

Angel's POV.

"Nasa baba sina Rosian." Bungad agad sa akin ni Damon pagkalabas ko ng kwarto. Ang aga naman nila? Hindi ba sila pumasok? Dumeretso na agad ako sa sala namin at nakita ko ngang nandun si Rosian kasama si Easton.

"Good morning. Flowers?" Bati agad sakin ni Easton at iniabot sakin ang ang isang boquet ng tulips naman. Nung huli nyang punta dito Rosas tapos ngayon tulips?

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Agad naman akong nilapitan ni Rosian sa mismong kinauupuan ko at niyakap ako. Natawa naman ako ng bahagya dahil sa ginawa nya.

"Hey, what's wrong?" Tanong ko kaagad sa kanya dahil sobrang higpit ng yakap nya sakin.

"Pinag-alala mo ako." Sabi nito at nanatiling nakayakap parin sakin.

"Sorry. But don't worry I'm already fine."

"Yeah mabuti na lang. Akala ko kung ano na ang mangyayari sayo." Sabi parin nito saka kumalas mula sa pagkakayakap sakin.

"Anything you want Angel?" Sabi ni Easton at lumapit na rin ito sa akin. Napatingin naman ako kay Damon na ngayon ay masama ang tingin kay Easton saka ito umalis ng walang pasabi at dumeretso sa garden. Bakit ba ang init ng dugo nya kay Easton?

"Nothing. Hindi ba kayo pupuntang school? Masaya ngayon dun." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hindi na dito na lang kami maghapon tatambay sa bahay nyo. Diba Easton?" Sabi ni Rosian kay Easton.

"Well if that's okay with you?" Tanong naman sakin ni Easton.

"Of course. But are you sure you two don't want to go to school?" Pagsisigurado ko sa kanila at tumango lang sila.

"Kumain na ba kayo? I'll cook for lunch?" Pagpiprisinta ko sa kanila.

"Awww I want your chiken adobo. But are you sure you can cook? Masakit pa ba ang ulo mo?" Nag-aalala paring tanong sakin ni Rosian. Ito talagang babaeng 'to napaka-kulit rin talaga minsan.

"Marunong ka mag-luto?" Tanong naman sakin ni Easton.

"Hoy Easton wag ka na nga magtagalog dyan masyado kang trying hard eh. Lalo ka lang naming hindi maintindihan." Pang-aasar ni Rosian kay Easton kaya napasimangot naman ito.

"Pero diba I'm here sa Pilipinas so I should be speaking in Tagalog?" Sabi nito sa slang na pagsasalita kaya lalo kaming natawa.

"Where's Damon? Kanina lang nandito sya ah? Ano nag-ivaporate ba sya?" Tanong naman sakin ni Rosian. Hmpp attitude talaga 'to.

"Nagpunta sya sa garden namin siguro nagdidilig na yun. May sarili kasi syang spot dito sa garden namin. Sya nga ang nagtanim ng mga bulaklak dito samin."

"Talaga? Hindi ko alam na may green thumb pala 'yang si Damon." Natatawang sabi ni Rosian sa akin kaya napatawa na rin ako sa kanya.

"Anong gusto nyong gawin ngayon dito sa bahay?"

"Let's watch a movie? Movie marathon tayo?" Masayang yaya agad samin ni Rosian. So we decided to watch a movie. Dumeretso agad kami sa Audio Visual Room ng bahay namin.

"Ang astig talaga ng bahay nyo Angel parang may sariling sinehan. Dapat magpagawa na rin kami ng ganito." Sabi ni Rosian na akala mo unang beses nyang nakapasok dito kaya natawa lang ako sa kanya.

"Who did this designs? He or she is a great architect." Namamangha namang sabi ni Easton. This room is design like the galaxy. Ang ceiling nito ay purong itim na may hologram na galaxy. This is my favourite spot of this house. I suggested this kind of design dahil inlove na inlove ako sa kalawakan.

Her Broken Promise | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon