HBP 25

73 3 0
                                    

Angel's POV.

"And now we are here at Nami Island in Haneul Park! Damon look oh angganda." Sabi ko kay Damon habang itinuro sa kanya ang paligid dahil napaka-ganda talaga. Sinipa sipa ko ang snow sa paa ko. Walang dahon ang mga puno at puro snow lang ang nasa paligid dahil sa season ngayon dito pero napakaganda parin ng park.

"Damon picture tayo dali." Sabi ko sa kanya at nagpose kaming pareho sa camera.

"Tara doon tayo sa may sea side." Yaya ko sa kanya at sumunod lang naman sya sa akin. Naupo kami sa isa sa mga upuan doon at tinanaw lang ang napaka-gandang dagat dito sa Nami.

"Are you happy Angel?" Seryosong tanong sa akin ni Damon habang mahigpit akong yakap ngayon.

"Of course hindi pa ba halata? This is the best thing that happen to me Damon. You and me, alone together here in my dream place." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I love you so much Angel. I don't know but everytime I'm with it feels like anytime you will leave me." Malungkot na sabi nito sa akin at hinalikan nito ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Don't think about that Damon. I will always be here. Hindi ako mawawala sayo. Hindi kita iiwan."

"Hindi ko alam pero simula noong nangyari kagabi natakot na ako. Alam mo ba ang takot na naramdaman ko noong hindi ka kaagad magising? Akala ko mawawala ka na sakin."

"Wag mo nang isipin yon Damon nakatulog lang ako." Pag-alo ko sa kanya.

"I love you so much Angel. I don't know what will I do if ever you leave me." Sabi nito sa akin at hinila pa ako sa mas mahigpit pang yakap.

Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil kasama ko sya. Akala ko nung malaman ko na may sakit ako iiwan ko na sya. Sobrang takot ang naramdaman ko noon.

I'm not scared for myself but I'm scared of the though that I will leave him. That I could break my promise to him when I'm already gone. But now being with him between his warmth embrace it feels like the pain and sadness didn't exist anymore. I feel so contented because of him. I couldn't wish for anything in my life.

Naglibot pa kami ni Damon sa buong park at madaming videos ulit at pictures ang nakuha namin. Pinapanood ko ito habang nasa sasakyan na kami ngayon. Di ko naman maiwasang matawa sa mga kuha namin dahil puro kami epic. Pero kahit na ganon kitang kita na sobrang saya namin doon kaya di ko maiwasang mapangiti ng sobra dahil doon.

"Oh? Ngiting ngiti ka dyan ah?" Natatawang sabi sa akin ni Damon habang nagddrive.

"Eh kasi po tingnan mo oh? Halos kita na ang utak mo dito sa pagtawa lalo na noong natanggal ang benny mo bilog na bilog ang ulo mo oh." Natatawang sabi ko sa kanya at ipinakita naman sa kanya ang video kaya natawa na lamabg din sya sa sarili nya.

"Hulaan mo kung saan tayo sunod na pupunta." Nakangiting sabi sa akin ni Damon.

"Oh my god! Sa Nonhyeon-dong!" Nakangiting sabi ko sa kanya at excited.

"We are going to Big Hit Entertainment." Masayang sabi nya sa akin.

"Yeyyyy! Big Hit wait for me we're coming!" Masayang sabi ko kaya natawa na lamang sya sa sobra kong excited.

Pagkarating namin doon agad akong nagpapicture sa tapat ng mataas na building na iyon. Halos mangalay sya sa dami ng pictures na hiningi ko sa kanya pero wala akong narinig na kahit na anong reklamo sa kanya.

"Oh ikaw naman bilis. Heart finger ulit!" Masayang sabi ko sa kanya at nagpose naman nga sya. After non nagpicture naman kami ng magkasama. Hindi nga lang kami nakapasok dahil hindi pwede kaya hanggang doon lamang kami sa labas at doon na lang nagpipicture. Pagkatapos ay kumain naman kami sa isang restaurant doon.

Her Broken Promise | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon