HBP 19

75 3 0
                                    


Angel's POV.


"Rosian kinakabahan ako." Sabi ko kay Rosian. Nandito kasi kami ngayon sa ospital namin para magpacheck-up sa doctor ko.

"Don't be kasama mo ako." Sabi nito sa akin at nginitian ako. Pilit na pinapalakas ang loob ko. Napatingin kami sa pintuan ng biglang pumasok na si Doctor Reyes.

"I'll be honest with you ija. You need to take a serious medication bago ka pa lumala. This is not just a simple desease. We are talking Brain Tumor ija stage 2. Kapag hindi agad ito naagapan maari kang lumala at mauwi sa kalagayan na wala nang lunas." Deretsahang sabi sa akin ng Doctor.

"Ano po ba ang pwede nating gawin para gumaling si Angel? Handa po naming gawin lahat ng treatment para sa kanya." Sabi ni Rosian sa doctor.

"Ija hindi natin sya pwedeng gamutin ng walang consent ng magulang nya. I need to talk to Mr. and Mrs. Cruz Angel." Deretsong sabi nito sa akin. Agad namang dinalaw ng kaba ang dibdib ko.

"No. Hindi ito pwedeng malaman ng parents ko Doc." Hinawakan naman agad ni Rosian ang kamay ko dahil sa pag-papanic ko.

"We can't do anything ija. Walang ospital ang tatanggap sayo kung walang alam ang mga magulang mo. Kilala kayong pamilya at hindi rin naman pwedeng hindi makarating ito kina Mr. Cruz."

"Don't worry Doc. Sasabihin na namin agad ito sa kanila." Sabi naman agad ni Rosian sa Doctor.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"If that's the case just let me know if everything is settle. Pero kung maari ay bilisan nyo na ang lahat para masimulan na natin paggamot sayo Angel. Ako na ang nagsasabi, seryosong bagay ito ija." Seryosong sabi sakin ng Doctor.

"Yes Doc we will. Thank you." Sabi ni Rosian at hinila na ako palabas ng kwartong iyon hanggang sa makarating na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse nya.

"Rosian ano ba? Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at binitawan nya naman ako.

"Sasabihin na natin ito kina Tito, Angel. Sa ayaw at sa gusto mo kailangan na nating sabihin ito sa kanila." Determinado ang boses nya sa sinabi nya.

"No please Rosian. Don't tell them." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Do you want to die huh? Angel? Ilang buwan na kaming pinagbibigyan. Nung huling check up natin ang sabi ng doctor blood clut pa lang yan. And now what Angel? It's already a Tumor! Tumor ang tumubo dyan sa utak mo Angel!" Nangagalaiti na sigaw nya sakin.

"Masasaktan sila kapag nalaman nilang may sakit ako. Paano si Lola?" Naiiyak ko nang sabi sa kanya.

"Mas masasaktan sila, kami!!! Mas masasaktan kami kapag nawala ka. Kaya please Angel, kaylangan mo nang magpagamot."

"My decision is final Rosian. I won't tell them."

"Well, my decision is final too. I will tell them the truth." Seryosong sabi nya sakin kaya pinigilan ko sa sya ng akmang tatawagan nya na sina Mommy. Tumilapon naman agad ang phone nya sa pagkakahila ko ng kamay nya.

"Ano ba Angel?! Nag-iisip ka pa ba? Gusto mo na talaga mamatay? Halika dito ipapabunggo na kita." Sabi nito ng umiiyak na at hinila ako.

"Sorry Rosian." Umiiyak ko na ring sabi sa kanya.

"Sorry? Sorry for what? Dahil mamatay ka na lang ng ayaw magpagamot? No Angel. I won't let that happen." Nagagalit na rin nyang sabi sakin.

"Please just n-not now."

"So kelan mo pa sasabihin sa kanila ang totoo? Kapag stage 4 ka na?"

"No it's not like that."

"I'm sorry Angel. But i will tell them right away." Seryosong sabi nya sakin at wala na akong nagawa sa kanya. Agad nyang pinulot ang tumalsik nyang phone at pilit na pinasakay ako ng kotse.

Her Broken Promise | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon