5 | Devotion

87 1 0
                                    

"Nak, balik ka na."

2 Peter 2

9 So you see, the Lord knows how to rescue godly people from their trials, even while keeping the wicked under punishment until the day of final judgment.

Na-washed out ang buong earth nung time ni Noah kasi ayun 'yung righteous judgment ng Lord kasi sobra-sobra na 'yung kasamaan na ginagawa ng mga tao kung sa atin 'sagad na sa buto' ang mga kasalanan nila na hindi na nila kinikilala at ginagalang ang Panginoon. (v.5) isa pang nangyari ay yung sa Gomorrah tsaka sa Sodom na naging abo na lang 'yung siyudad sa sobrang makasalanan ng mga tao don. (v.6)

Nakapanlulumo di ba? Pero praise God dahil faithful ang Panginoon. Naligtas sina Noah and his company sa flood na yon. Si Lot nasaved sa pagiging abo. It happened because God protected them for He knows how to rescue godly people from their trials. Kahit pa napakaimposibleng makaligtas sa time na 'yon still safe sila kasi 'yung commitment nila sa Lord hindi nawala.

'WAG NA NATING HINTAYING MANGYARI ULIT ANG NANGYARI NOON. Kapag dumating ang time ng final judgment, dapat lahat tayo saved. Sinabi rin sa verse 9 na may punishment pero I believe walang magaganap na ganon sa final judgment kasi lahat na tayo nagbalik sa Lord, in Jesus' name.

'Nak, balik ka na,' ang gusto lang naman ng LORD, Magbalik tayo, hindi naman nangcocondemn ang Tatay natin e. Kaya please 'wag na nating sayangin 'yung oras para magrepent sa mga kasalanan natin, sa pagsosorry kay Lord kasi nagbabalik tayo pero lumalayo pa rin tayo nang paulit ulit, sa mga hidden faults natin, sa pagiging mapride natin, sa pagdidisobey sa magulang, sa pagtatanim ng galit sa iba, sa pagmamayabang, sa selfishness, s katamaran, sa pagtitiwala sa sarili na lang kakayahan, sa lahat ng pagkakamali natin.  Tanggapin natin si Jesus, ULI.

Sa nangyayari ngayon ang magagawa natin ay magpray. 'wag kang matakot o panghinaan ng loob kasi si Lord ang bahala sa'yo, Magbalik ka lang sa Kanya.

"Call His name, He's been waiting for you..."

Nak, balik ka naaaa...

𝐋𝐞𝐭 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐁𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐞 [youth edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon