12 | Devotion

52 3 0
                                    

What truly contaminates a person is not what he puts into his mouth but what comes out of his mouth. That’s what makes people defiled.
Matthew 15:11 TPT

What defile a person are the words come out from him. Though how many times you've read this verse, lagi ka pa ring mareremind at macocorrect e.

Hindi ang maling sinasabi ng ibang tao ang nagpapamali sa'yo kung hindi kung anong maling sinasabi ng sarili mo. 'Wag mong hahayaang maging contaminated ka sa bagay na 'yan. Siguro 'yung iba sasabihin hindi sila ang tipo ng ganito pero the moment pa lang na nag-isip ka ng mali sa iba na kahit di mo pa sabihin, it's already a sin.

(v.8) These people honor me only with their words, for their hearts are so very distant from me.
(v.9) They pretend to worship me, but their worship is nothing more than the empty traditions of men.”
Pakinggan mo 'yan na si Lord ang magsasabi sa'yo, baka naman puro tayo show off sa iba na hinohonor natin si Lord pero ang totoo, anlayo-layo na ng puso mo kay Lord. Pero ang totoo, bibig mo na lang ang mag-isang nagsasalita wala ng puso.

Hindi na 'yan worship, 'ingay' na lang 'yan. Baka nagpepretend ka na lang dahil ayaw mong masira ka sa ibang tao/ leader mo pero 'yung totoo kay Lord, empty na lang 'yang ginagawa mo.

Tandaan na si Lord ang itinataas natin dito hindi 'yang pride mo.

𝐋𝐞𝐭 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐁𝐞 𝐃𝐨𝐧𝐞 [youth edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon