LLAS 3: Cheek Burn

124 10 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=============}•>♥<•{=============

LOVE, LIES AND SY

-----

Sy's Point Of View

Nandito kami ngayon sa canteen pero si Sam nandoon pa sa pila kaya ako lang muna ang naka upo habang nag nagkakalikot ako sa aking cellphone, may biglang lumapit sakin na isang babae.

"Hi! Classmate tayo hindi ba?"

"Ah hindi ko sure eh."

"Hindi ba General Academic Strand ka?" Daming namang tanong nito.

"Ah oo."

"Yeah, classmate talaga kita, hindi mo lang ako nakita kasi nasa dulo ako." Sabi nito

"Ah okay." Tipid kong sagot

"Oo and I'm Sherwin Guerrero." Sabay lahad ng kamay nito.

"Sy, Sy Frantillena."

"Oh nice name and it really suits you, puwede makipag-friends? If okay lang?" Nag-aalangan na tanong nito.

"Oo naman, why not."

Habang busy kami sa kwentuhan ni Sherwin ay sa wakas dumating na rin si Sam.

"Oh? Nawala lang ako may iba na?" Saka ito ngumuso, stop it!

"Anong drama yan ha?" Sabi ko dito.

"Hahaha just kidding." Sabi niya sabay lapag ng mga pagkain.

"Ang sweet naman ng boyfriend mo Sy." Napalingon lang kaming dalawa ni Sam sa dahil sa sinabi niya.

"Luh, anong boyfriend? Kaibigan ko lang yan no, 'di ba Sam?"

"Ah oo, magkaibigan lang kami." Sagot naman nito.

Nag meryenda lang kami at nagkuwentuhan buong break time, thankful to have two friends already.

Mabilis na natapos ang mga klase namin, mabilis talaga kasi puro pakilala lang, pero worth it naman at hindi boring kasi i have two new friends

Nagkatabi na kaming tatlo pero pansin ko hindi ko masyadong nakita si Nixon kanina, saan kaya nagpunta iyon?

Bakit ba iniisip ko yung attitude na iyon? Bahala nga sya tapos itong Justine, natatangahan ako sa kaniya, kanina pa tingin ng tingin sa akin.

Alam ko naman na panget ako so no need to look at me like that baka kasalanan ko pa kung masuka 'yan sa kapangitan ko.

"Sy."

"Ay pisngi ng p*ke! Huy, nagulat ako doon Sherwin, papatayin mo naman ako sa gulat eh." Sa sobrang pago-overthink ko sa Justine na yan, nagulat pa tuloy ako.

Humagalpak naman ito sa tawa dahil sa nasabi ko.

"Laughtrip ka be! Hahaha...eh kasi kanina pa kami nagsasalita dito, hindi ka man lang lumingon." Reklamo nito sa akin.

"Sorry, saka malay ko ba na kinakausap niyo pala ako." Pagtanggol ko sa sarili ko.

"Oh, time to go home, uwian na Sy, Sam let's go na."

Hays, salamat naman at uwian na rin. Na-miss ko agad yung higaan ko, gusto ko matulog...

-----

Nandito kami ngayon sa labas ng gate habang naghihintay masasakyan, ako lang pala kasi itong si Sherwin may sundo, mayaman eh, si Sam naman pumunta sa parking dahil nandoon kotse niya eh.

LOVE, LIES AND SY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon