Kabanata 3
Start
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Nanatili akong nakatingin sa bintana ng sasakyan.
I can smell the fragrance of his manly scent inside in his car that is really soothing.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bumuntong hininga ako.
Rinig ko ang pagtikhim niya bilang pagbasak ng katahimikan.
"Hey, am I making you uncomfortable?"
Napasinghap ako at bumaling sa kanya.
"Tanga ka ba?"
Matalim na tiningnan ko siya.
Sino ba ang hindi maiilang sa mga pinagsasabi niya.Natawa siya sa sinabi ko.
"Hindi pa naman siguro"
Ngumisi siya sabay sulyap sa'kin.
"Baka magalit pa yung girlfriend mo sa'kin dahil humahatid ka ng ibang babae"
Totoo naman diba? Kanina nga lang parang iiyak na dahil lang sa isang dress.
"Hindi naman" Natawa siya sa sinabi ko at bumaling ang kanyang atensyon sa akin.
"Sus, kung ako siguro yun makikipag-break na lang ako sa'yo" wala sa sariling sambit ko.
"Ah so you want to be my girlfriend?" panunukso niya sa akin.
Uminit ang aking pisngi at iniwas ang tingin.
"What? Hell no!"
Wala naman na ibig sabihin yun ah. Bakit ko nga ba nasabi 'yon?
"Really?" panunuya niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo" At binaling muli ang tingin sa labas.
Nahagip ng aking paningin ang isang maliit na teddy bear sa dashboard at nakaukit ang isang pangalan.
'Danger Lincon Wolverson'
Bagay na bagay sa kanya pangalan. Kung 'di mo siya kilala mapapansin mo talaga ang lamig ng kanyang mga titig na magpapakaba. And something about his aura that you don't want to messed up.
"Hey" malamig na ani niya.
"What?"
"Where do you live?"
"At bakit?"
Tumaas ang aking kilay.
Bakit gusto niyang malaman? May girlfriend na siya aba. Hindot din 'to eh."Should I take you to my condo then?" nakanguso niyang ani.
Uminit ang aking mukha.
Nanlaki ang aking mata at sinuntok ang braso niya.Ngumisi siya sakin at inilag ang braso niya habang patuloy sa pagmamaneho.
"What? I'm just asking you so I can take you home." natatawang ani niya.
I suddenly felt my cheeks are burning red.Iniwas ko ang aking paningin sa kanya dahil sa pagkapahiya.
Mygad Reign, are you out of your mind? Nagmamagandang-loob lang yung tao kung ano-ano na iniisip mo.
Muntik ko ng makalimutan na hindi ko pala nasasabi kung saan ako ihahatid.
"Hollowcross Village, yung nasa dulo"
"Alright"
Nang huminto ang sasakyan ay mabilis akong bumaba at sinarado ang pintuan ng sasakyan.
Bumaling ako sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin.
"Uh thank you" at iniwas ang aking paningin.
Tumango siya.
"Alright, pumasok kana"
"Okay,take care" pahabol kong sinabi at tumalikod na para makapasok kasabay ng pag andar ng kanyang sasakyan.
Hindi pa rin umuuwi sila Mommy, siguro maraming inaasikaso sa negosyo. Dumiretso na ako taas at pumasok na sa aking kwarto.
Hinubad ko ang aking damit at nagsimula ng maglinis ng katawan. Pagkalabas ko sa banyo ay sumampa agad ako sa kama at napatulala sa kisame.
Narinig ko ang yabag papunta sa aking kwarto at kumatok sa aking pinto.
"Reign bilin ng Mommy mo na hindi daw sila makakauwi ngayong gabi" sabi ni Ate Anna.
Hindi na ako magtataka na wala akong naabutan kanina pagpasok ko.
Binuksan ko ang pinto para maharap siya.
"Sige po Ate Anna,salamat"
"Bumaba kana at may inihanda kami para saiyo."
"Ayos lang po Ate, kumain na po ako"
Tumango siya at tumalikod na para umalis.
Biglang sumagi sa aking isipan na hindi ko pa pala alam kung saan ako mag-aaral.
"Ate, nasabi po ba sainyo kung saan ako mag-aaral?"
Huminto siya sa paglalakad at muling binalingan ako.
Umiling siya,"Hindi eh, tawagan mo kaya yung Daddy mo?"
Tumango ako at sinarado na ang pinto.
I reached my phone on the side table and started dialing my Daddy's phone number.
Hindi pa man nakakatatlong ring ay agad niya naman na sinagot.
"Hey,Dad" panimula ko.
"Yes, anak? Nakauwi kana ba?" bungad na ani niya.
"Yes,Dad. By the way,saan po ako mag-aaral?"
"Syempre sa paaralan 'nak." sarkastikong ani niya.
Umikot ang mata ko at bumuntong hininga. Daddy is in the mood uh.
"Seriously,Dad?" tila hindi makapaniwalang ani ko.
"Kidding" natatawang sagot niya.
"I already enrolled you in Adamson University" dagdag na sagot niya.
"I'm sorry anak if we can't go home right now. Madami pa kasi kaming inaasikaso ng Mommy mo. Hindi kita maihahatid bukas sa pagpasok mo."
"It's alright Dad. I understand po."
"Alright, I'll hang up the call sweetie. Please take good care of yourself habang wala kami ng Mommy mo." bilin niya sa akin.
Napatango na lang ako kahit hindi niya man kita.
"I will Dad"
At pinutol na ang tawag.
Napabuntong hininga ako at nahiga na sa kama.
Napatulala ako sa kisame, iniisip kung paano magsisimula dito sa Pilipinas.
I close my eyes, with every fiber of my being trying to recall those memories I had back in Canada. I fought the urge to sleep. I knew that if I open my eyes again, it will be the new beginning of my life.
YOU ARE READING
Tale of Wolverson#1: Prolonging the Agony
RomanceBorn from a wealthy family, Laureign Sollace grew up in a liberated country. She's contented on what she have and couldn't ask for more. Having a supportive family and a comfortable life. But not until the tragedy happen that changes her life. Woul...