Kabanata 2
Kiss
Nagising akong nagaagaw kahel na ang kalangitan pahiwatig na mag-gagabi na. Napabalikwas ako at napamura.
Fuck. Nakalimutan ko. Bibili pala ako ng mga kakailanganin para bukas.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Wearing black fitted off shoulder paired with white high waist short and flat shoes.
Bumaba na ako at nag umpisa ng maglakad. Ginala ko ang aking paningin at umaasang makikita sina Mommy at Daddy ngunit mga kasambahay na naglilinis lamang ang aking naabutan.
"Ate Anna alam nyo po ba kung nasaan sila Mommy at Daddy?"
Napabaling ang kanyang atensyon sa akin. Makikita mo ang kagandahan ng mukha niya lalo na kapag ngumingiti na talagang nawawala ang kanyang singkit na mata. Anak siya ng mayordoma ng mansyon ito.
"Kanina pa sila umalis Reign, may aasikasuhin lang daw."
Napatango ako at ngumiti sa kanya.
"Sige po ate. Aalis po ako ngayon, pakisabi na lang po sa kanila. Babalik din ako agad."
Tumango siya at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa.
Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Pumasok na ako sa aking kotse at nagsimula ng magmaneho.
Hindi naman kalayuan ang Mall sa Village namin kung kaya't wala pa sa isang oras ay nakarating na ako.
Pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang bulungan ng iba at hindi nakaligtas sakin ang mga matang sinusuri ako mula ulo ang hanggang paa. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Napahinto ako sa isang Fashion Boutique at nagsimula ng pumili ng mga damit. Patuloy lang ako sa pagtingin nang may mahagip akong isang damit na suot ng manikin.
Agad nagningning ang aking mata pagkakita ko rito.It is a dark silky red dress that is above the knee which really suits my fair skin.
Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong nilapitan ito. Sobra akong namangha sa pagkakagawa. Nang hahawakan ko na ang damit ay nagulat ako dahil may isa ding kamay ang nakahawak rito.
Tumaas ang kanyang kilay matapos makitang nakahawak rin ako.
"Excuse me, Miss. Naunang nakita ko ang dress na 'to" mataray na ani niya.
Ngumiwi ako na mapagtantong mukhang makakaaway ko pa ang panget na 'to.
Maganda siya pero masasabi ko na agad na panget ng ugali niya.
"Nauna mong nakita, pero ako unang nakahawak" panunuya ko sa kanya.
Matalim na tiningnan niya ako.
"Hindi bagay sayo ang dress na 'to" insultong aniya.
Aba hinahamon ako ng panget na 'to.
"Hindi talaga bagay" ani ko.
"Buti naman ala-
"Hindi talaga bagay lalo na kung mapupunta sayo." panunuya ko sa kanya.
Matalim na tumgin siya sakin.
Napasinghap siya sa sinabi ko at padabog na tumingin sa likuran niya.Ngayon ko lang napansin ang isang lalaking nakamasid lamang sa amin. Tumaas ang sulok ng labi niya nang magtama ang aming tingin.
Lumakad papalapit sa kanya ang babae at inangkla ang mga braso.
YOU ARE READING
Tale of Wolverson#1: Prolonging the Agony
RomansaBorn from a wealthy family, Laureign Sollace grew up in a liberated country. She's contented on what she have and couldn't ask for more. Having a supportive family and a comfortable life. But not until the tragedy happen that changes her life. Woul...