Kabanata 1
Home
Naalimpungatan ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa aking cellphone. Kunot-noo kong tiningnan ang orasan na nasa side table at napamura na mapagtantong madaling araw pa lamang.
Pikit matang kinapa ko ang aking cellphone at nilagay sa aking tainga na hindi tinitingnan kong sino ang tumawag.
"What do you want?" naiinis kong tanong sa kung sino man ang tumawag.
Ramdam ko ang sobrang pagkapagod mula pa kagabi dahil sa kakulangan ng tulog matapos mag aral sa natapos na exam. Ngayon lang ako nakatulog nang mahimbing kung 'di lang ako inistorbo ng tawag na ito.
"Did I wake you up, sweetie? I'm sorry" malambing na usal ng tumatawag.
Umikot ang aking mata matapos marinig ang kanyang boses.
"It's a No,Dad" mabilis na sambit ko.
"Pretty please, pagbigyan mo na si Daddy" pangungumbinsi niya sa akin.
"Dad, I've already told you that I don't want to go back in the Philippines"
Rinig ko ang mabibigat niyang hininga na tila iniisip kung paano ako makukumbinsi na umuwi ng Pilipinas.
"I don't have a choice, anak. Please, ikaw lang inaasahan ko since your brother is busy with his career"
Kung kailan masaya na ako dito sa Canada saka naman niya ako balak pauwiin.
"Dad, I don't have any idea how to handle your company! God! I'm just eighteen for petty sake!"
Ilang beses niya na akong pinilit na subukan man lang ang pamamalakad sa kompanya ngunit ni minsan hindi ako pumayag. I'm too young for that! Para akong ibon na pilit na kinukulong. I just want to have my own freedom. Yung walang pumipigil sa gusto ko.
"I just want you to try darling, even just for months, I'm sorry for the inconvenience anak. I just have some important business meeting to attend out of the country and no one can handle it except you" mahabang paliwanag niya.
"Months?!" gulat na tanong ko.
Akala ko mga ilang araw lang hindi ko inaasahan na aabot ng mga buwan.
"Really Dad? Don't tell me jan na rin ako mag-aaral?!"
"Please darling, this is my first and last request. Pagbigyan mo na ako anak."
Napasinghap ako at inis na sinabunutan ang buhok.
"If you have nothing to say, then I'll hang up the call. Goodnight Dad"
Bumuntong hininga siya tila sumuko na sa kakapilit sa akin.
"Alright sweetie, take care" Hindi ko man kita ang kanyang mukha pero halata ang pagkadismaya sa boses niya.
Suminghap ako at hindi na napigilan ang sarili. He's my dad afterall,naalala ko noon na kahit anong suhol ko ay naibibigay niya. Ngayon lang siya humingi ng pabor sa'kin hindi naman siguro masamang pagbigyan siya ngayon.
"Okay Dad, I'll book a ticket tomorrow" pampalubag loob ko sa kanya.
"Really sweetie? I love you" mababakas ang kasayahan sa kanyang boses.
"I love you too, Dad" Kahit labag sa loob ko wala akong magagawa. Hindi ko kayang makitang malungkot siya dahil lang sa simpleng pabor niya.
"Btw anak, No need to book a ticket, Ako na ang bahala roon ipapadala ko na lang jan ki Tita Margarett mo" natatawa niyang saad.
Tiim bagang akong hindi makapaniwala sa sinabi niya. I can't believe this, talagang planado na ang lahat.
Nanghihinang tumango ako kahit hindi niya naman kita.
YOU ARE READING
Tale of Wolverson#1: Prolonging the Agony
RomanceBorn from a wealthy family, Laureign Sollace grew up in a liberated country. She's contented on what she have and couldn't ask for more. Having a supportive family and a comfortable life. But not until the tragedy happen that changes her life. Woul...