Prolouge

15 4 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places,events and incidents are  either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person,living or dead,or actual events  are purely coincidental.

———————————

Hindi ko akalain na ang araw na ito'y darating. Ang araw na hinding-hindi ko gugustuhing mangyari. Pero huli...huli na ang lahat. Nangyari na nga.

" Kumusta ka na, aking bituin? "

Lumuhod ako sa harapan niya.

" Nandito na ako sa harapan mo. Wala ka bang sasabihin sa akin,mahal ko?"

Napatawa na lang ako ng mapakla.

" Alam mo... dati ko pa sana 'tong sinabi sa'yo eh. Dati ko pa sana 'tong ginawa. Pero... huli na pala ang lahat."

Napatingala ako sa kalangitan.

Ang daming bituin na kumukutikutitap.

Tumingin akong muli sa kaniya.

" Mahal na mahal kita,aking bituin. Pasensiya ka na. Pasensiya ka na kasi...kasi nang dahil sa akin... nang dahil sa akin---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mainit na likido na unti-unting pumapatak galing sa aking mga mata.

Dinukot ko ang isang bagay na dapat ay ibibigay ko sa'yo pagdating ng tamang panahon.

Nanginginig ang aking kamay nang inilagay ko ang singsing sa harapan niya.

Tumayo ako at tumingala sa kalangitan.

" Siguro isa ka na sa mga bituin sa kalangitan..."

At muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata.

----
Author's Note

Sana po ay magustuhan niyo ito.

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon