Chapter Nine

4 1 1
                                    

Cali's POV

Baka tulog na iyon si Leina.

Natanaw ko kaagad ang malawak na damuhan. Tiningala ko ang langit. Kayganda talagang pagmasdan. Ang daming bituin.

Hihiga na sana ako sa damuhan nang may mapansin ako. May nakahiga sa damuhan malapit sa akin? Tao ba yan o... baka...bangkay na sinalvage?!

Nilapitan ko iyon at laking gulat ko nang makita ko na si Leina  iyon. Si Leina? Bakit dito natutulog si Leina? Hindi ba siya giniginaw? May bahay naman siya ah?

I tried to wake her up pero ang himbing ng pagkakatulog niya. Tumabi ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Napakagandang tanawin. Kahit gabi na ay maliwanag parin ang paligid dahil sa ilaw na naggagaling sa buwan.

Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa magandang mukha niya. Para siyang anghel na mahimbing na natutulog. Humihilik siya ng mahina. Napangiti ako.

Ano kayang madalas napapaginipan nito? Isa ba ako sa mga panaginip niya? Aish. Nag-aassume ka na naman Cali.

Hinawakan ko ang pisngi ni Leina. Ang lamig ng malambot niyang pisngi. Bakit ba kasi dito pa siya natulog sa labas?

I caressed her hair. Kahit ang kaniyang buhok ay malamig na. May biglang magandang ideya ang pumasok sa aking isipan. Napangiti ako sa aking naiisip. Tulog naman siya eh.

"Oh Florida, please be still tonight
Don't disturb this love of mine
Look how she's so serene
You've gotta help me out~"

I caressed her hair habang kinakanta ko ang mga linyang iyon.

"And count the stars to form in lines
And find the words we'll sing in time
I want to keep her dreaming
It's my one wish, I won't forget this~"

Napatingala ako sa kalangitan.

"I'm outdated, overrated
Morning seems so far away~"

Napatingin ulit ako kay Leina habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"So I'll sing a melody
And hope to God she's listening
Sleeping softly while I sing
And I'll be your memories
Your lullaby for all the times
Hoping that my voice could get it right~"

Napangiti ako. Pero nabigla ako nang sumilay ang ngiti sa kaniyang matatamis na labi at unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata.

" Kay ganda pala ng iyong tinig..."

Tinigil ko ang paghaplos sa kaniyang buhok at nakaramdam ng hiya.

" G-gising ka pala...Pasensiya n-na...Nagising pa k-kita." Nahihiya kong sambit.

Tumawa siya ng mahinhin.

" Okay lang 'yun ano ka ba. Ang ganda nga ng boses mo eh."

Naramdaman kong uminit ang aking mukha dahil sa sinabi niya,kahit napakaginaw dito sa labas.

" Ah...H-hindi naman..." Napakamot ako sa aking ulo.

" Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Leina.

" A-ahh... Hindi kasi ako makatulog kaya pumunta ako dito. Ikaw? Bakit dito ka natutulog sa labas? Ang ginaw dito 'tsaka baka may masasamang loob...b-baka mapano ka pa..."

" Mas gusto ko dito matulog. Payapang-payapa. At napakaganda ng tanawin, ang kalangitan at ang mga nagniningningang mga bituin...at ang napakagandang buwan." Kay gandang pakinggan ng pagkakasabi niya sa mga katagang iyon.

Napatitig ako sa kaniya. Nakatingala siya sa kalangitan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Hindi ko iyon maipaliwanag. Parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan tuwing magkasama kami ni Leina. Hindi ko makalimutan ang kaniyang halakhak,ang kaniyang ngiti,ang kaniyang boses. Ang lahat lahat  sa kaniya ay parang...ay ewan ko ba!

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon