Chapter Three

18 7 13
                                    

Cali's POV

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at...

"Boo!"

Napatayo na lang ako bigla.
"Suskomaryosep!" Naiusal ko.

"Hehehe...Peace?" Sabi ng babaeng nakaharap sa akin ngayon habang naka-peace sign.

"Papatayin mo ba ako sa bigla?!Ha?!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Hoy!Kalma lang...kalma...Inhale,exhale..." Sabi niya habang nagi-enhale exhale.

"Kalma ka diyan...Pano kung inatake ako sa puso?!'Tas namatay?!" Sigaw ko.

"Ang OA mo naman. Patay agad? Bakit? May sakit ka ba sa puso?" She asked dumbly.

"Wala..." bulong ko "Pero pa'no kung meron?Ha?!" Sigaw ko na naman.

"Shh...shh...Sigaw ka nang sigaw. Pa'no kung marinig ka ng mga mumu dito?" Tanong niya.

"Mumu? You mean...ghost?" Tanong ko din.

"Ay hindi! Mumu...mumu sa punso." Sarkastikong sagot niya.

"Tss..."

" Sungit mo naman... Ano nga palang pangalan mo?" She asked.

" I don't give my name to strangers." Suplado kong sagot sa kaniya.

"Wow... Kaya nga tinatanong ko kung anong pangalan mo kasi "strangers" pa tayo." May pagkamaldita niyang sabi.

"Tss..." Iyan lang ang nasabi ko.

" Okay,ako na lang unang magpapakilala. Ehem...ehem..." tumikhim pa siya " Ako nga pala si Leina,ikaw? Anong pangalan mo?" Sabay lahad ng kaniyang kamay sa harapan ko para makipag-shake hands.

Tinitigan ko siya. Ngayon ko lang napansin, naka uniform pa din pala siya. Tiga kabilang school ata 'to. Ang tuwid ng itim na itim niyang buhok na naka-pambatang kulay pink na clip.Tinignan ko ang kaniyang mukha. Nakangiti siya. Ang ganda ng mga mata niya.Para itong nagniningning sa sikat ng araw ng dapit-hapon.Maputi siya. Matangos ang ilong. Maninipis ang kulay pink niyang labi. Shit. Para siyang anghel.

Bumalik lang ako sa huwesiyo nang magsalita siya. Naibaba na niya pala ang kamay niya.

"Hoy! Matutunaw na ako niyan ha. Baka 'di mo ako makalimutan niyan at mapanaginipan mo pa ako gabi-gabi.Hahaha." Panunukso niya at tumawa pa siya.

Pati ang tawa niya, ang gandang pakinggan. Shit. Nababaliw na ako. Umiling-iling ako. Ano ba itong iniisip ko. Kaya ko nga lang nakilala itong babaeng 'to eh.

"Hoy! Ano ngang pangalan mo?" Tanong niya.

" Paano kung ayaw kong ibigay?" Panghahamon ko sa kaniya.

"Okay lang... 'Di ko naman ata iyan ikamamatay eh..." Sabi niya at tumalikod at nagsimulang maglakad paalis.

Ay? Nagtampo?

Tumakbo ako at inunahan siya. At nang nasa unahan na ako...

" Apollo!" Isinigaw ko ang aking pangalawang pangalan.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang ngumiti.

Her smile...It' so...familiar.

"Parang iba ang ngiti natin ngayon ah?" Tanong sa akin ni Kuya Titan habang nagdidinner kami.

Hindi ko namalayang nakangiti pala ako.

"Huh? Hindi naman ako nakangiti ah?" Pagpapalusot ko.

"Asus! Sino ba 'yan? Kwento ka naman oh... Si Dorothy ba?" Sinundot pa ni kuya ang tagiliran ko.

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon