Chapter Two

18 7 5
                                    

Cali's POV

Hingal na hingal ako nang umabot ako sa gate ng bahay. Bukas ito.Bakit kaya?May bisita ata si Mama.

Mabilis akong pumasok dahil patuloy parin ang pagbuhos ng ulan. Basa na rin ako at yakap yakap ko ang aking bag.Bahala na't mabasa basta hindi lang ang bag.Dumiretso akong pumasok sa loob.

"Anak!" Narinig ko ang tinig ni Mama. Hayst. Sisermunan na naman ata ako nito.

"Calypso-baby!Why are you wet? Did you walk on the rain?My gosh!What if something happened to you?!You worried me!" Mas OA pa to manermun kesa kay mama.

Si Dorothy iyon,girlfriend ko. Hindi ko rin alam kung ba't ko naging girlfriend 'yan.

Lumapit sa akin si mama at kinuha ang aking bag.
"Sige,sige,Cali,anak.Uminom ka na ng maraming tubig tsaka ka magshower." Sabi ni mama.

Hindi na ako sumagot at pumunta na ako sa kwarto ko at nagshower. Pagkatapos ay nagbihis na ng pambahay. Hindi ako bumaba para harapin si Dorothy. Ewan ko lang pero...parang wala na akong maramdaman sa kaniya. Kinuha ko na lang ang sketch pad ko at nilibang ang sarili sa pagguguhit.

Maya-maya lang ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko.

"Cali...bro..." Tinig iyon ni Kuya Titan.

Apat kaming magkakapatid. Si Ate Tethys ang panganay ,na nasa Spain ngayon. Pangalawa si Kuya Titan then,ako,at ang bunso ay si Phoebe na kasama ni Ate Tethys sa Spain.

"Bro, hindi mo ba haharapin ang girlfriend mo? Nag-effort siyang pumunta dito to see you." He said.

Hayst. Wala akong laban kay Kuya eh. Sa kaniya lang ako sumusunod. Mas close pa nga ata kami ni kuya kesa kay mama.

So I opened the door then I saw him standing infront of my room.

"There you are," ngumisi siya tsaka tinapik ang aking balikat," go,your girlfriend is waiting for you." Then he smiled again.

Bumaba na ako ng hagdanan at sinalubong agad ako ng yakap ni Dorothy.

"I missed you so much! You know when I was in US for vacation,I really wanted to go back here in the Philippines but my dad forced me to go with him. Did you missed me,baby?" She pouted. Tss.

"Yeah." Maikli kong sagot.

"Hey! I prepared something for the two of you." Mama said excitedly.

"Para sa kanilang dalawa lang,honey?" Tinig iyon ni Papa na kagagaling lang sa trabaho. By the way, he's an engineer.

Pumunta kaagad kaming dalawa ni Kuya Titan para magmano.
"Oo nga,ma. Para kay Cali at Dorothy lang? Pano naman kami ni Papa?'Di mo na ba kami love?" Kuya acted like his hurt.

"Hahahaha. Kayo naman!Syempre para sa ating lahat 'to." Sabi ni mama.

"Eh ano ba 'yan,honey?" Papa asked.

May kinuha si mama na box sa lamesa.
"Ta-da!" She said surprisingly.
"Chocolate moist cake! Cali's favorite!Hahaha." Mama said.

"Huh?Favorite?Hindi ako mahilig sa sweets." Nagtatakang saad ko.

"Favorite mo 'to---anyway," mabilis na binawi ni Dorothy ang dapat niyang sabihin," let's just eat! It looks delicious." She added.

Pagkatapos, ay kumain na kami.Kaunti lamang ang kinain ko.

Kinagabihan ay umuwi na din si Dorothy.Hindi ko siya masyadong inentertain.Hinatid na siya ni Kuya Titan.

Kinabukasan ay muntik na akong malate. Hindi na ako kumain at nagdire-diretso ako papuntang eskwelahan. Maaga namang umalis si mama,papa,at kuya papuntang trabaho eh.

Iyon parin ang sumalubong sa akin,mga bulong-bulungan. Sa tuwing dumadaan ako ay tumatabi sila at saka bubulong. Tsk weirdos.

Pagkapasok ko ng classroom ang sumalubong kaagad sa akin si flirty girl---este Beatrice na akala mo sinampal ng pagkalakas-lakas dahil sa pula ng pisnge at pulang pula pa ang labi. Tsk.

"Good morning,cutie-boy! How's your gising? Maganda ba tulog mo?Napanaginipan mo ba ako?" Kinurap-kurap pa niya ang kaniya mga mata na may artificial lashes.

Hindi ko papangaraping mapanaginipan ka kasi baka bangungutin pa ako. Tsk.

Nilagpasan ko lang siya tsaka dumiretso na sa upuan ko.
Nagsisimula na naman si Bea na guluhin ako.

Recess time,lunch time, sinusundan sundan parin niya ko. She's so annoying.Tsk.

Hanggang sa mag-uwian na nakabuntot parin siya sa'kin.
She's talking pero 'di ko naman siya kinakausap at wala akong balak na pakinggan siya.She's talking about her personal life,etc.Mas nakakarindi pa siya kesa kay mama at kay Dorothy.

Kaya tinakasan ko na siya.Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang pamilyar na lugar. Medyo malapit lang iyon sa amin. Ang lumang bahay na palagi kong nadadaraanan.

May mga kwento tungkol sa bahay na ito.'Di ko alam kung ano 'yung totoo. Sabi ng iba may multo daw dito,ang iba naman ay mangkukulam daw ang may-ari ng bahay na ito.Ewan ko.Iba-iba eh.

Kaya para malaman kung ano 'yung totoo,papasukin ko na lang.Mukha namang walang nakatira kaya walang sisita sa'kin dito.

Mababa lang ang gate nung bahay na gawa sa kahoy.Gawa din sa kahoy ang bahay. Pagpasok ko sa garden ay medyo matataas na ang mga damo doon.Halatang napabayaan na.

Pang-horror films ang dating ng bahay na ito hahaha.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinasok ko na ang looban ng bahay. Hindi naman nakalock ang pinto eh.

Pagpasok ko ay napanganga ako sa aking nakita.Wow! Kay ganda pala ng loob nitong mansion na ito.Spanish-styled.May mga chandelier,may mga paintings,at ang daming mga makalumang gamit. Bakit kaya parang kampante ang may-ari ng bahay na ito at hindi nila nilock gayong kayrami palang mamahaling bagay dito na pwedeng manakaw.Ah,siguro matatakot ang mga magnanakaw na looban ang bahay na ito kasi nakakatakot ang panlabas na itsura nito.Totoo pala iyong kasabihan na,'Don't judge the book by it's cover'.

Nilibot ko ang aking paningin. Kahit maraming cob webs ay bakas parin ang ganda ng mansion. Maituturing nga itong mansion dahil sa laki at ganda nito.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko ang isang aparador na kaydaming mga kubyertos sa loob.

Bumalik ako sa sala at may nakita akong pintuan papuntang likuran ng bahay. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ko iyon.Lumangitngit ang lumang pintuan at...napanganga na naman ako sa nakita ko. Kay ganda ng tanawin mula dito.

Ang lawak ng field.Pwede kang maglaro ng soccer o baseball dito. The view is so relaxing. Puro puno at clear sky. Kay sarap humiga sa damuhan.

Tumakbo-takbo ako na parang baliw. Nakaramdam ako ng kakaibang saya at feeling ko malaya ako.

At kahit medyo basa ang damuhan dahil sa ulan kahapon ay humiga ako doon at nagpagulong-gulong.
"Wooh!" Sigaw ko. Napatigil ako nang makaramdam ako ng pagkahilo at unti-unting pagsakit ng aking ulo.Shit!Sana dinala ko 'yung gamot ko.Aish.Nakatihaya ako ang dahil sa sakit ng ulo at ng sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko ay napapikit ako.

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay unti-unti kkng dinilat ang mga mata ko at...

"Boo!"

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon