Chapter One

33 10 13
                                    

Cali's POV

"Ma,alis na po ako..." Walang gana akong nagpaalam kay mama.

"Sige,nak.Masakit pa ba ulo mo?Uminom ka na ba ng gamot?" May pag-aalalang sabi ni mama.

"Ma, don't worry. I'm okay." Saka ko isinukbit ang bag ko sa kaliwang balikat.

Tumayo si mama mula sa pagkakaupo at hinalikan ako sa noo at inayos ang buhok ko.

"Take care,okay?" She cupped my face.

Umiwas naman ako at tumalikod na.

"I will.Bye." At lumabas na ako ng   bahay.

Everything's new to me.The people,the place. And I don't know why.

Papalabas na ako ng gate nang humabol sa akin si mama.

"Calypso!Calypso!" Sigaw niya at tumigil naman ako sa paglalakad.

"Magpahatid ka na kaya sa kuya Titan mo?" She added.

"'Wag na." At tumalikod na ako.

"Take care,anak." Sabi niya pa pero nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Naglakad lang ako papuntang school.Hindi naman masyadong malayo.

First day of school and I'm already Grade 12.I'm a 19-year old student na bored na bored na sa buhay. I don't know why pero parang wala na akong ganang mabuhay.

Narating ko ang gate ng school at tila nag-aalinlangan ako na pumasok. It feels like first time ko dito.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang malawak na school na puno ng estudyante. Para akong nahihilo sa nakikita ko.Tila hindi ako sanay nang maraming tao.Naglakad na ako at hinanap ang room ng STEM.Ang room ko.

Naglalakad ako sa hallway nang may makabangga sa akin na isang babae.Nahulog ang mga dala niyang notebook at libro.
Yumuko ako at tinulungan siyang pulutin ang mga iyon.

"S-sorry po..." Paumanhin niya na nakatungo parin habang pinupulot ang sariling gamit.

"It's okay." Sabi ko at bigla siyang napatingala nang marinig ang boses ko.

Tila gulat na gulat siya.
"C-Calypso Apollo L-Leuwell?" Bakas ang takot sa kaniyang mukha at tinig habang sinasambit ang aking pangalan.

Weird.

"You know me?" Takang tanong ko sa kaniya.

Hindi na niya ako sinagot at kinuha ang libro niya na nasa kamay ko.

"S-Sala...salam-mat..." At nagmamadali na siyang lumakad.

Nangyari dun?Tss. She's acting weird.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at doon ko napansin na iba ang titig ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. They're acting weird. Parang may sinasabi ang kanilang mga mata pero hindi ko mawari kung ano iyon.

Whatever.

Nagpatuloy parin ako sa paghahanap ng room ko at nabigla ako nang may sumulpot na namang babae sa harapan ko.

"Hi!" Bati niya.

Hindi ko siya pinansin.
"Hi,cutie. I'm Beatrice.Bea for short." At iniabot niya ang kamay niya sakin para makipag-shake hands. Hindi ko naman iyon tinanggap at nagpatuloy sa paglalakad.

"So rude of you.Cutie ka pa naman." Bulong niya pero narinig ko. Medyo naiirita na rin ako sa kaniya.

"Excuse me miss ha? I'm not in the mood para makipag-flirt sa'yo. Hanap ka na lang ng kausap ko kasi wala kang mapapala sa'kin.Tss." At iniwan ko na siya.

First day of school tapos...tss.

"Suplado!Nakikipagkaibigan lang naman eh!Che!" Sigaw niya pa.

Hindi ko siya pinansin pero napansin ko ang mga bulong-bulungan sa tabi-tabi.

"Who's that girl?" Bulong nung isang babae.

"She's a transferee kaya 'di niya kilala si Cali." Sabat nung isa. I heard my name. So they're talking about me.

"Let's warn her..." Sabi nung isa. Warn?Who am I?A criminal?Tss.

"Shh...baka marinig kayo ni Calypso." Sabi na nung isa.

Lumakad na lang ako nang lumakad hanggang sa mahanap ko na ang room namin sa second floor.

Pagkapasok ko,bulong bulungan agad ang sumalubong sa akin.

"Oh! Classmate pala natin si Cali? Shocks!"

"Sayang gwapo pa naman siya."

"May classmate pala tayong cafsghhk..." Hindi ko masyadong naring yung huling sinabi nung isa. Tss. Bahala sila.

Naghanap na ako ng mauupuan at fortunately nakahanap naman ako agad,doon sa may likuran,but unfortunately,katabi ko yung Beatrice. Hayst.

Umupo na ako at nagsaksak ng earphones sa tenga.Nagsasalita si Beatrice sa'kin pero hindi ko na iyon narinig hanggang sa dumating ang teacher namin.

Lunch time na at nagsialisan na mga classmates ko sa room. Nag-aayos pa ako ng gamit nang magsalita na naman si Beatrice.Tss. 'Di niya talaga ako nilulubayan. Hanggang sa ibang subjects,magkatabi parin kami.Tss.

"Hey,cutieboy! Maglunch tayo together?My treat." Medyo maarte niyang aya sa akin.

"No,thanks." At saka lumabas na ako ng room. Nakasunod parin siya sa akin.

Hanggang sa makababa na kami ay nakasunod at nang-iirita parin siya sa akin kaya hinarap ko na siya.

"Pwede ba,Miss Beatrice Fuentes! Huwag mo akong guluhin okay?Feeling close ka masyado. You are too annoying!" Galit kong sabi sa kaniya.

"Woah?Chill,baby. You're so cute pag nagagalit. Mas gusto ko 'yan.Hihi." Malandi pa siyang ngumiti.

May naririnig na naman akong bulong-bulungan.

"Hala! Baliw na iyang babaeng 'yan. Makipag-close ba naman kay Cali."

"Siguro pagsisisihan niya na nakipagkilala pa siya kay Cali..."

Daming tsismosa.

Lumakad na ako at iniwan si Beatrice.

Uwian na at medyo makulimlim ang kalangitan. Hayst. Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong.

Papalabas na ako ng gate nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.Hayst mababasa ako nito.Sana tinanggap ko nalang iyong inalok ni Beatrice na payong. Pero mas okay na'ng mabasa 'wag lang magkautang na loob dun sa babaeng 'yun.

Tumakbo na lang ako sa isang malapit na waiting shed at doon na sumilong.

Tawagan ko kaya si mama?Ay ayoko nang makaabala. Siguradong nasa bakeshop pa 'yun. Si Kuya Titan kaya? Aishh. Sige na nga!

Kinapa ko na ang cellphone ko sa bag ko pero...shit! Wala akong makapa! Siguro naiwan ko 'yun sa kwarto ko. Aish. Malas naman Cali. Maghihintay pa akong tumila itong napakalakas na ulan. Hindi naman ako puwedeng magpakabasa dahil baka mabasa ang bag ko at ang mga laman nito! Malas  talaga!

Tumagal ata ang ulan ng mga 30 minutes kaya medyo may baha na pero salamat na lang at maraming puno sa paligid kaya hindi masyadong mataas ang baha.

Nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay. Lakad-takbo ang ginawa ko sa takot na baka umulan ulit. At sa kasamaang palad,umulan nga ulit pero medyo malapit na ako sa bahay.Aish.

Nakakita ako ng puno ng saging kaya kumuha na lang ako ng isang dahon nito at ginamit na pananggalang sa ulan. Pero habang tumatakbo ako, napadaan na naman ako sa lumang bahay na iyon. Medyo spooky siya. Papalakas na naman  ang ulan.Nagpatuloy ako sa pagtakbo at nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatalikod at nakupo sa isang bench malapit sa lumang bahay.
Tila hindi siya natinag sa ulan.
Lakas din ng trip nitong babaeng 'to ah. Lakas ng resistensiya!Haha.

Lumakas na ang ulan at may kasama nang kulog at kidlat kaya binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makaabot ako ng bahay.



Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon