Devoted 05

387 23 8
                                    

Ayesha Rodriguez:
Sorry kung jinudge kita.

Pero Fau, kasi nagdikit dikit lahat.

Gusto kitang intindihin pero wala rin akong maintindihan.

Please, make me understand. Ayoko na rin nang ganito. Ikaw lang kakampi ko.

Pakikinggan kita. Please, tulungan mo akong umintindi.

Nakakaiyak na.

Fauza Lesmar:
That 5:00 pm issue.

Dinaanan ni Dwayne ang bahay namin dahil nandon si Dane, her little sister. Remember, girlfriend siya ni Franz...

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
'Yong sabay kaming lumiban ng klase, after lunch...

You're going to be very disappointed in me after this. I can feel it.

Ayesha Rodriguez:
Bakit?

Fauza Lesmar:
That afternoon, I found out kung sino si Kargene. Bigla akong sumugod sa school niya, without plan. Galit lang ang dala.

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
Nalaman ko rin kasing dalawang tao ang may hawak ng Kargene account. Isang taga school natin na nakamatiyag sa 'yo. Isang taga kabila na kilala ka matagal na.

Ayesha Rodriguez:
Sino?

Fauza Lesmar:
Audrey Halili, taga-Comsci, 'yung tinalo mo nung pageant, girlfriend ni Mateo.

Ayesha Rodriguez:
Wala akong maintindihan.

Fauza Lesmar:
Mateo, remember, Mateo?

Ayesha Rodriguez:
Uh, no?

Fauza Lesmar:
Ganda mo.

Ayesha Rodriguez:
Compliment ba 'yan?

Fauza Lesmar:
Punyeta.

Ayesha Rodriguez:
Sorry, huhuhu. Oo na kilala ko na ex ko, anong meron kay Mateo?

Fauza Lesmar:
Akala ko matalino ka sa ganito?

Ayesha Rodriguez:
Saan?

Fauza Lesmar:
Sa love thingy, I'm completely dumb here.

Ayesha Rodriguez:
Are you numb?

Fauza Lesmar:
Nakakatawa 'yon?

Ayesha Rodriguez:
Naaalala ko lang naman si Damon!

Fauza Lesmar:
Seen

Ayesha Rodriguez:
Eto na huhu, pinapagaan ko lang eh. Nakakaiyak eh, namiss kita. Ngayon lang ulit kita nakausap!

Fauza Lesmar:
Mateo, your ex, hindi pa nakakamove on sa 'yo.

Ayesha Rodriguez:
5 days ko lang naging bf yon!

Tsaka sobrang tagal na no'n!

Fauza Lesmar:
Well, kung ikaw hindi mo sineryoso baka siya seryoso ka niya. And maybe bumalik yung feelings niya sa 'yo noong pageant.

Ayesha Rodriguez:
Oooh! I get it! Pinagseselosan ako no'ng Audrey!

Fauza Lesmar:
Yes! Ikaw kasi! Pinaglalaruan mo ang mga tao! Ngayon may nabangga kang maling tao!

Aside from that, tinalo mo pa si Audrey sa pageant na ilang buwan niyang pinaghirapan. Galit na galit siya sayo. Kasi ikaw, for fun lang para sa'yo 'yong pageant habang siya, siyang seryosong seryoso natalo.

And then, nagbreak pa sila ni Mateo. Can you see? Nagpatong patong lahat.

Ayesha Rodriguez:
Omygod.

Fauza Lesmar:
Seen

Ayesha Rodriguez:
Sino yung taga kabilang school?

Fauza Lesmar:
Chloe.

Ayesha Rodriguez:
Chloe Santos?!

Bakit nasali si Chloe?!


Fauza Lesmar:
Childhood friends sila, malayong magpinsan din.

Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ni Chloe na hanggang ngayon kayo pa rin ni Dwayne. Kaya noong nalaman niyang may galit si Audrey sa 'yo, ginatungan niya kaya lalong nagkalakas loob si Audrey.

Ayesha Rodriguez:
Bakit naman ganun ang galit ni Chloe sa akin? Hindi ba siya maalam magmove on?

Fauza Lesmar:
Magkakabalikan na ata sana sila noonng G10 tayo kung hindi ka biglang sumingit sa kanila.

Ayesha Rodriguez:
Pero ikaw ang nililigawan ni Dwayne.

Fauza Lesmar:
Seen

Ayesha Rodriguez:
Ngayon ko nakikita kung gaano kababaero si Dwayne.

Fauza Lesmar:
Well...

Dwayne just used me.

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
He used me for two things.

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
First, to make Chloe jealous, para lubayan na siya.

And second, para makalapit sa 'yo.

Ayesha Rodriguez:
Lol. Sino may sabi n'an? Si Dwayne?

Fauza Lesmar:
No, I just know it. Halata naman.

Tama ba 'yon? Nanliligaw sa 'kin pero sayo nakatingin? Noon ha? Noong grade 10 tayo, hindi ngayon! Nanliligaw sa 'kin pero ikaw ang araw-araw kachat at kasama?

Ayesha Rodriguez:
Omygod Fau.

I'm so sorry...

Sorry...

Fauza Lesmar:
Did I finally clear my name?

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
Kakampi mo ako Aye... Kakampi... bago magkaroon ng Dwayne, may Fau. Bago magka-Kargene, may Fau na.

Ayesha Rodriguez:
Sorry Fauzaaaa!!

Nakakaiyak, bakit ko naisip yon. Sorry!

Devoted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon