Kahit na kinapos ako sa tulog, hindi magkanda mayaw ang saya na nararamdaman ko.
Nalinis na rin ang pangalan ko at ni isa, walang sumubok na banggitin ang mga bagay na nangyari sa akin.
Nang makapasok ako ng school ay gusto kong maiyak. Lahat ng stress na naramdaman ko biglang lumipad. Wala na akong naramdamang tensyon o takot na baka pinag-uusapan ako ng mga tao.
Everything goes back to normal. Nakakalakad na ako ng walang pag-aalala. Nakabalik na ako sa dati kong buhay. Not alone, literal na dalawa na ang buhay na hawak ko, but I'm happy.
Isa kina Fau at Dwayne ang umayos ng mga ito alam ko, or both.
Sinalubong ako ni Ina na nakaway kaway pa. Pinakita niya rin ang tarpaulin na gawa namin kahapon.
Kakaunti parin ang mga estudyante dahil sa pumasok kami nang advance ng isang oras.
Ngayon, ako naman ang aayos sa kanya-kanya naming relasyon, sa amin ni Fau. Sunod, bukas, o sa makalawa... kay Dwayne at akin.
"Ano bang ginawa mo kay Fau? Bakit grabe ka magsorry?" Hinihipan ni Kean ang lobo habang nakatingin sa akin. Kumuha ako ng marker at nagsimulang magsulat sa board ng Sorry na.
"Basta," bulong ko. Umiling siya't nagpatuloy sa pagpapalobo. Sa katunayan, wala kaming klase ngayon dahil sa umalis ang karamihan ng prof namin para sa college quiz bee competition.
Syempre, kasama 'yong boyfriend ko. Bigla akong napangiti nang mapait nang maalala ang lahat.
Kung boyfriend ko pa...
Nang dumating na ang tamang oras, kung kailan papasok si Fau. Kinabahan na ako. Simula no'ng pagduduhan ko siya, ngayon lang ulit kami makakapag-usap nang maayos.
Nagtakbuhan na mga kablockmates ko at nagsigawan na nandito na si Fau. Lalo tuloy akong nataranta, hindi magkanda mayaw ang pagkabog ng dibdib ko.
Wala namang espesiyal sa gagawin ko. Normal lang ang lahat. Bumili lang ako ng cake na may sorry at iilang lobo.
To make her feel better, to show her that I was really sorry for what happened. I can't imagine how painful it was for her na sarili niyang kaibigan pinagdudahan siya sa ganoong bagay.
Fauza only had me and yet... I judged her.
Nakatago lang ako sa likod ng mga upuan. May mga nakaupo na rin doon kaya lalo akong natakpan. Maya maya'y narinig ko ang pagpasok ni Fau, dahil na rin sa pagtahimik ng buong klase.
"Si Aye?" unang tanong niya. Bigla akong natigilan. Parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. Did she normally ask this?
"Akala ko sabay kayo?" tanong din ni Kean.
Nakarinig ako ng paglapag ng bag. "Nauna na raw sabi ni tita kanina," maliit na boses niyang sabi. Akala ko ay lalabas siya pero naramdaman ko ang pagvibrate at pagtunog ng phone ko.
Fau is calling...
Bigla pa atang naghard touch ang phone ko dahil ayaw mapindot! Kumabog ang dibdib ko lalo na noong may pares ng puting sapatos ang tumigil sa harap ko.
And there she is. I saw Fau. Nakatapat ang phone sa tenga niya habang nakataas na ang kilay sa akin. I'm still holding the cake kaya ngumiti na lang ako.
"Surprise!" awkward kong sabi. Hindi man lang natinag ang emosyon niya, instead tinaasan pa niya ako ng kilay.
"What are you doing?" mataray niyang tanong.
After so many days, ngayon lang kami nagkausap! Ako 'yong kausap! Para sa akin yung tanong! Huhu nakakaiyak.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan biglang nanubig ang mata ko.