Devoted 07

376 15 11
                                    

Ayesha Rodriguez:
'Yong araw na yon, totoong magkasama kayo?

Fauza Lesmar:
Yep, 'yon ang totoong araw na magkasama kami. 

And the one that Kargene sent you. That picture?

Naniwala ka roon?

Ayesha Rodriguez:
Sobrang gulo na kasi, sorry.

Fauza Lesmar:
Yes kami 'yon. Pero hindi kami magkaholding hands, for Pete's sake. Nakahawak siya sa braso ko, inaawat ako.

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
'Yon 'yong araw na hinarang ako ng mga tropa nina Chloe at Audrey.

Noong nakita ko si Chloe, kahit na may dalang mga kahoy mga kasama niya, ang sarap niyang sabunutan kaya sumugod agad ako.

Kinalimutan ko ang pagiging edukada ko, laman lang ng isip ko 'yong pinagsasabi niya sa 'yo.

No one can bash you, okay? Except me.

Ayesha Rodriguez:
Wow, Fau.

Fauza Lesmar:
Si Audrey na duwag habang dinisistract kami ni Chloe, kung ano-ano na ang sinabi sayo. 

Dumagdag pa 'yong pic, na may storya agad na kasama.


Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
Nakita ako ni Dwayne along the way. Bumaba siya ng jeep noon kaya hindi kami nakapasok.

Ayesha Rodriguez:
Bakit ka nila hinarang?

Fauza Lesmar:
Let's say may ginawa lang akong maliit na bagay na kinagalit nila?

Ayesha Rodriguez:
Hindi ako naniniwalang maliit na bagay 'yon.

Fauza Lesmar:
Huwag na nating pag-usapan!

Ayesha Rodriguez:
Ano muna?!

Fauza Lesmar:
Alam mo ba.

That day, may mga pulis na dumating. Pinagdadampot sila isa-isa.

Ayesha Rodriguez:
Nagpaback up ka sa pulis?

Fauza Lesmar:
No. Why would I do that?! Napakaextra non!

Ayesha Rodriguez:
Eh bakit may mga pulis?!

Fauza Lesmar:
Remember Ky?

Ayesha Rodriguez:
Dami namang involve.

Fauza Lesmar:
Nevermind, naaalala mo siya. Siya nagdala sa 'yo sa ospital at nag-inform sayo ng kabobohan ni Kargene.

Ayesha Rodriguez:
Oh anong meron sa kanya? Bakit niya naman gagawin yon?

Fauza Lesmar:
Her name is Keila Ylena Creed Gonzalo.

Ayesha Rodriguez:
Omygod.

Fauza Lesmar:
Pinsan siya ni Damon na matagal na akong pinoprotektahan at nakasunod satin.

Ayesha Rodriguez:
Omygod!!!!

Fauza Lesmar:
I don't know if it's true pero matagal niya na akong pinoprotektahan, pati ang mga taong nakapaligid sakin. Lalo ka na.

Isa sila sa tumulong para itake down ang account ni Kargene, ang mga post niya at ang mga kaabnormalan niya.

Ayesha Rodriguez:
Omygod, sabi ko na!

Fauza Lesmar:
Ano?

Ayesha Rodriguez:
DAMON FOR THE WIN!

HUHUHUHUHUHUHU

Mapanakit pero grabe magmahal!

Fauza Lesmar:
Seen

Ayesha Rodriguez:
Sana all huhuhu

Fauza Lesmar:
How about Dwayne?

Ayesha Rodriguez:
Aww si Dwayne pa pala...

Fauza Lesmar:
Seen

Ayesha Rodriguez:
Paano kung di niya na ako kausapin?

Fauza Lesmar:
Ulol, para namang 'di ka niyang binobomba sa messenger.

Ayesha Rodriguez:
Huhuhuhuhu natatakot ako.

Fauza Lesmar:
I'll help you. You have me, remember?

Atsaka napakadevoted ni Dwayne sa'yo no. Patay na patay pa sa 'yo yon.

Ayesha Rodriguez:
Alam ko huhuhu

Fauza Lesmar:
Kapal mo.

Ayesha Rodriguez:
Seen

Fauza Lesmar:
Matulog ka na, maayos din ang lahat...

We'll face this together, okay? Nandito lang ako.

Devoted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon