• 029 •

341 21 16
                                    

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang papunta sa venue ng graduation ni Fau. Maluha luha pa ako ng makita ang mga naka-itim na toga.

Wala, proud na proud lang ako sa kaibigan ko. Nang makapagpark ay hindi ko na inantay si Dwayne, kusa na akong bumaba dahil balita ko kay Janine.

Kanina pa nakapagsimula pero hindi pa nakakaakyat ng stage si Fau.

"Careful," agap ni Dwayne nang magmadali ako. Sabay kaming pumasok ng school. Nakakamangha na nakapasok ulit kami sa school namin.

Palingon lingon ako habang nirereminisce ang bawat alaala namin sa school. Kung saang grounds ko umiyak dahil sa mga pinagdaanan ko, kung saang room namin sinorpresa si Fau, kung saan kami nagtatalon ni Dwayne sa saya ng makapasok siya sa Dean's lister.

Grabe, para akong nalutang sa saya. Nang marating ang court ay agad kong natanaw sina Tita, ang parents ni Fau, si Janine at Harold na kanina pa.

"Tita!" tili ko. Nahawakan ko pa ang labi ng may ilang napalingon sa akin, sinenyas niya ang dalawang bakanteng upuan sa tabi niya.

Nagmano kami ni Dwayne bago umupo. Bahagya akong tumayo para hanapin si Fau sa mga nakatoga.

"Babe, ang likot mo." Saway ni Dwayne. Sinamaan ko siya nang tingin kaya tinaas niya ang kamay niya senyales ng pagsuko.

Nasaan ba kase si Fauza?!

Sa kakahanap ko ay ganun na lang ang gulat ko nang magflash ang mukha ni Fau sa malaking projector, kasabay ng pagbigkas ng pangalan niya sa mga speaker.

"Fauza Reese Rivva-Lesmar." Sambit ng tagapagsalita. Nagulat ako ng magstanding ovation ang lahat.

Noong una ay naguluhan ako pero ng magflash ang sunod sunod na awards ni Fau ay nalula ako. Gulantang akong napatingin sa parents ni Fau na gulat din at maluha luha na.

Omygod! Hindi niya sinabi samin 'to!

Gusto kong sumigaw, magwala, nakakaproud. Kaso baka biglang bumaba si Fau sa hiya hehe.

Tumingin siya sa pwesto namin at kumaway, pinakita niya ang hawak niyang mga certificates at medal.

Nagtagpo ang mata namin, kumaway na ako. Napangiti siya at tinaas ulit ang certificate na parang pinapakita sa akin, "This is for you."

Napangiti ako, lalong nilakasan ang palakpak. Inalog ko pa si Dwayne sa saya, "Bestfriend ko 'yun!"

"Babe, I know."

Sinabi ko rin yon sa mga nasa likod at harap ko kahit di ko naman sila kilala.

I'm so proud of Fau huhuhuhu.

Nang matapos ang ceremony ay nagtatalon pa ako para salubungin si Fau, naglambitin pa ako sa leeg niya, kaya halos murahin niya ako nang masakal siya.

"Magulat ka naman! Di ka manlang nagulat! I'm here gurl!" mahabang sabi ko. Inirapan niya ako kaya napanguso ako.

Tinalikuran ko siya at pinagkrus na ang kamay na parang galit. Natawa si Dwayne pero binaliwala ko lang.

"Nagtatampo ako," anunsyo ko. Dwayne even laugh more. Nasaan si Fau?! Bakit di ako inaalo?!

"Fauza nagtatampo ako, Fau alu—" naputol ang sasabihin ko ng makita na kausap niya si Janine. Napakaepal talaga ng babaeng 'to.

Sumingit ako sa gitna nila at ngumiti.

"I'm so proud of you frieeend! Kahit nadisappoint ako, di ka manlang nagulat."

"I knew that you were coming," sabi niya habang natatawa. Nagsalubong na ang kilay ko ay mapanghusgang tinignan si Janine.

Devoted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon