IX The Magnet

55 8 0
                                    


CHAPTER 9

Nakadama siya ng init sa puso sa pagtatanggol na iyon ni Jeon. It boosted her.

Dumami na ang tao na lahat ay naglabas na ng cellphone at kinunan sila. May mga pumasok na rin sa loob ng coffee shop. Nagtilian nang makita si Jeon.

"Mama, tama na. Dumadami na ang tao. Nakakahiya na." awat ni Melinda.

"Let's go!" nairitang hinila ng mama ni John si Melinda at lumabas na ng coffee shop. Napuno na ng tilian ang loob ng coffee shop at nag uunahan na nakikiusap na magpapicture kay Jeon.

"Okay, mahina kalaban. Isa isa lang." natatawang pakiusap ni Jeon.

Natuwa siyang pinagmasdan ito habang pinauunlakan ang mga tao na kunan ito ng picture. Napakabait sa fans si Jeon. Hindi iyon pakitang tao. Parang personal pa nga niyang kilala ang mga ito kung kausapin niya.

Kahit na umalis na sila ng shop ay marami pa ring nagnais na makakuha ng picture kasama si Jeon na masayang pinaunlakan nito. May humingi pa ng yakap na nangingisay na sa kilig matapos iyon. Tawa nang tawa si Jeon at natawa na rin siya. Pagkabalik nila ng kotse ay hiningal ito sabay inom na ng kape at binigyan sila ni Paul.

"Napatake out na lang ang kape natin. May gumawa kasi ng eksena doon sa coffee shop. Sino nga uli iyon?"

Unandar na ang kotse nang sagutin niya iyon.

"Si Mrs. Aragon. Mother ng namatay kong boyfriend. Ako pa rin ang sinisisi niya sa nangyari sa anak niya."

"Ano bang nangyari sa anak niya?" curious niyang tanong.

"Ayaw kong pag-usapan. I hope you don't mind." ayaw niyang maungkat iyon dahil hanggang ngayon ay minumulto at pinaparalisa siya ng madilim na nakaraan

"Okay." napakibit balikat na lang ito at uminom ng kape.

"Pero salamat. Kung wala ka doon baka tuluyan na akong lumubog sa lupa."

"I wont let that happen. Mabuti nga ganoon lang ang ginawa ko. Kung sa hindi ko tao mabait ako lalo na sa tao ko. Hindi ako papayag na ipahiya ka niya nang ganoon."

Iyon pala tao pala niya ako.

Nagring ang phone ni Jeon. Agad na sinagot iyon ni Jeon at ipinahawak sa kanya ang kape nito.

"Yes Uncle Migo. Oo tapos na kaming pumunta sa anak ni Pietro. O sige, pauwi na kami. Maaga kami ha kaya sure ako na hindi tayo male-late sa pagpunta natin kay Don Alejandro del Cielo. Okay, bye."

"May pinsan akong nag wowork sa Del Cielo Airlines. Secretary ng presidente." aniya.

"Really? Ngayon pa palang ako magiging endorser niyon. Karamihan kasi ng endorser niyon mga artista sa Hollywood. Baka nagko-cost cutting at ako ang kinuha." natawang sabi ni Jeon.

"Cost cutting talaga? Bakit na-iinvite ba sa dinner ang mga sinasabi mong Hollywood endorser?"

"And now you are in me." natawang turo nito sa kanya. Matamang nagkatitigan sila. He became serious and smile like he is the cutest guy in the planet. There is something inside of her that create a thunder chilling inside her heart nang titigan siya nang ganoon ni Jeon.

"Bakit ganyan ka makatingin?" na-concious siya at nakadama ng pag-iinit ng pisngi. Dahan siyang umiwas ng tingin dito.

"Ikaw yata si Magneto hindi ako."

"Bakit ako si Magneto?"

"It seems that I am attracted to you."

Hindi makapaniwalang napatingin uli siya kay Jeon. His eye stare serious. It pierce her from epidermis to her heart.

Men Royale 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon