XVII Between the Fight

46 5 0
                                    


CHAPTER 17

NAABUTAN ni Leia na sinisigawan ni Jeon si Migo. Napahinto siya at napatago sa likod ng puno nang marinig niya ang pangalan niya na binanggit ni Jeon.

"Nag massive hiring ka pala ng mga bodyguard na hindi mo man lang sinabi sa akin. Sabi ko naman sa iyo na kayang kaya ako bantayan ni Leia. Hindi pa ba sapat ang ginawa niya kagabi?"

"Sinisiguro ko lang ang kaligtasan mo. At tutal nakita mo na ang mga bantay mo it's about time na malaman mo na hindi muna magiging bodyguard si Leia. Alam mo ang kondisyon ni Leia. Paano kung mapahamak siya at dumanak ng dugo ang pagprotekta niya sa iyo? Hindi lang ikaw ang puwedeng mapahamak, pati siya."

"Nagdesisyon ka na naman. Alam ba ni Leia ang balak mo? Tiwala ako kay Leia at kahit na may takot siya sa dugo nagawa niya ang protektahan. Hindi pa napag-usapan na natin ito. Paulit-ulit ka na naman!" napikang sigaw na ni Jeon. Naha-highblood na ito at namumula na ang mukha.

" She is unstable. Ilayo na natin siya Jeon sa panganib na ito. I am sure na kaya ka na protektahan ng mga bagong bodyguards natin."

"Gustong-gusto mo talagang ilayo sa akin si Leia, ano? Magkalinawan nga tayo uli, Uncle. Gusto mo ba si Leia?" napikang tanong ni Jeon kay Migo.

Bakit ako na naman?

Hindi makatingin ng diretso si Migo kay Jeon hanggang sa napatalikod na ito.

"The last time I asked you, you deny it. Kanina narinig kita na kausap mo siya. You felt so guilty dahil na dragged ko siya sa danger na mayroon ako ngayon. Sounds very concern. Ako ba hindi? Tingin mo ba gusto ko siyang mapahamak just to protect me? I am safe with her at gusto ko siya makasama dahil mahal ko siya. Ilalayo mo ba siya para maligtas siya o dahil mahal mo siya!" prangkang tanong ni Jeon.

You're nuts, Jeon. Bakit ganyan ang tanungan mo sa uncle mo?

Matapang na humarap si Migo.

"Yes, Jeon. I want to protect her because I love her."

Nagulat siya sa sinagot na iyon ni Migo kay Jeon.

"Sabi ko na nga ba. The way to talk and embrace her. Halata ka. Hindi lang tayo basta magkadugo, parehas tayong lalake. I discerned what you feel base sa mga kilos at sinasabi mo.Ang totoo gusto mo alisin bilang bodyguard ko si Leia para masolo mo siya!"

"It's not true. I am protecting both of you. Protection laban sa mga killer mo at protection sa iyo dahil alam ko na pinaglalaruan mo lang siya!"

"Hindi totoo iyan!" nangigil si Jeon na sinugod si Migo at sinapak ito sa pisngi. Lumaban si Migo at buong lakas na sinipa ito sa sikmura at napahandusay si Jeon.

"Tama na!" napika na siya at inawat na ang mga ito. Gigil na gigil na sumugod na si Jeon pero buong lakas ito na hinarangan ni Leia.

"Buong buhay ko binigay ko sa iyo. Kinalimutan ko ang sarili ko dahil sa iyo! Ano, nagkakaganito ka dahil sa kanya. Dahil gusto mo siya paglaruan. Alam ko ang lahat ng ginagawa mo sa kanya. Iyon ba ang pagmamahal sa iyo? Ang dalhin siya sa mga bagay na hindi siya komportable. Kahit kailan selfish ka!" nanggagalaiting duro sa kanya ni Migo na naiiyak na.

"Lumabas din ang totoo na napapagod ka na sa akin. Bakit hindi mo pa ako binigay noon sa lolo ko para hindi ka nahirapan sa akin!" naiiyak na ring sabi ni Jeon.

"Jeon, tama na. Uncle mo pa rin siya. Show some respect!" marring niyang saway.

"Ako na walang respeto! Pero Leia, alam ng Diyos na hindi kita pinaglaruan. Hindi lang kita pinagkatiwalaan ng buhay ko pati ng puso ko. Alam mo sa lahat uncle na hindi pa ako nagkakaganito nang dahil sa babae. Mahal ko si Leia, Uncle at kahit sa iyo ipaglalaban ko siya!"

Men Royale 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon