VII. Trust Me

62 8 2
                                    


CHAPTER 7

AGAD na pinakita ni Leia kay Migo ang box. Tumawag na ito ng pulis at kausap na nito sa phone.

"What's going on?" tanong ni Jeon na mukhang kagigising lang.

Ipinakita niya ang box na nakuha niya. Tiningnan iyon ni Jeon at nang makita nito ang picture sa loob ng box ay inis na binalik iyon at galit na binato .

"Jeon, ipapakita pa natin pa iyan sa mga pulis." biglang natigilan sa pakikipag-usap sa phone si Migo. Agad niyang kinuha ang box at inayos.

"What are they fucking want? Duwag lang ang gumagawa niyan!" galit na galit na sigaw ni Jeon.

Tinapos na ni Migo ang pakikipag-usap sa phone at hinarap ang galit na galit na pamangkin.

"Just relax, Jeon. Believe me, hindi magtatagumpay kung sino man iyan." nangangalmang sabi ni Migo.

"Tama si Sir Migo, Jeon. Not in my watch." may garantiya niyang sabi.

Napatango si Jeon.

"Papahingi ko kay Rafe ang copy ng CCTV footage ng Village. We have a lead, ang taong nagdala ng box na ito. I am sure na nakunan siya ng mga CCTV dito."

"Do that, Leia. Magpapatulong na rin tayo kina PO1 Nietos at Inspector Rosales. I will do all possible things mahuli lang ang kung sino mang nagtatangka sa buhay ni Jeon." ani Migo at muling may kinausap sa phone.

NAGING maigting ang pagbabantay ni Leia matapos nilang makatanggap ng threat. Kinausap niya ang mga security guard ng mansion at pinagsabihan na maging mahigpit sa pagbabantay. Dumating na rin ang driver slash bodyguard na agad namang kinausap nila ni Migo. Si Paul Herrera. Ipinakilala na rin ito ni Migo kay Jeon.

"Papalitan mo na si Neon? Akala ko papasok na siya?" nagtakang reaksyon ni Jeon.

"Hindi. Papasok pa rin si Neon pero hindi pa siya puwede at hindi makapag-full time si Keannu as your driver. That's why I hired Paul."
"Okay then." agree ni Jeon.

Pumasok na si Jeon na agad niyang sinundan. Papunta uli ito sa garden at naupo sa bench.

"Ito na yata ang favorite place mo dito, tama ba?" tanong niya.

"Yes, isasama ko na ba ito sa playlist?"

Natawa siya.

"Mukhang masasanay na ako na okrayin mo lagi."

Ngumisi lang si Jeon at marahas na huminga.

"My new driver. Ano'ng tingin mo sa kanya?"

"Mukhang okay naman siya. Why?"

"Iba ang pakiramdam ko sa kanya. O sanay lang ako kina Neon at Keannu."

"Masusubukan naman natin. At least hindi lang ako ang magbabantay sa inyo nang madalas. Lalo na loaded ang schedule mo at malalayo ang lugar."

"Oo nga. Nasa timing nga si Paul pero honestly iba ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko parang may something. I cant explain."

"Huwag kang mag-alala. I am here. I am your main bodyguard. Dadaanan muna sa akin ang sinuman magbalak sa iyo ng hindi maganda."

"Wow, ang sarap naman." naantig na reaksyon ni Jeon.

Biglang nag ring ang phone niya.

"Excuse me. I have to take this call, sir." paalam niya.

"Go on."

Dumistansya siya para masagot ang phone at nakatingin pa rin siya kay Jeon na nilabas ang phone at may sinuksok na earphone sa tenga nito.

Men Royale 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon