PROLOGUE
2017
NANGINGINIG at matindi ang kaba ang yumayanig sa buong katawan ni Leia. Kasama siya nang ihatid sa hospital ang duguang niyang nobyo na si John. Nanlulumo siya at parang baha na ang iniiyak niya habang nakahawak sa kay John na tila isang malaking sugat na naging tao. Nang marating na nila ang Emergency Room ng Hospital ay sumama pa siya nang ilapag na ito at mabilis na hinila papasok sa loob ng Hospital.
"Kami na po ang bahala Ma'am" pigil ng doktor sa kanya nang papasok na siya. Agad naman siyang sumunod na nananatiling nanginginig at lumuluha. Ngayon lang uli sa buhay niya na natakot siya nang ganoon sa kabila ng maraming death defying acts ang nangyari sa kanya bilang pulis.
"Buhay niyo siya Doc, please." halos nagmamakaawa na niyang sabi.
"Just wait here and pray."
Basang basa ng dugo ni John ang kanyang uniform at mga kamay. Sa engkuwentro nila kanina sa mga holdaper ng bangko nang tawagin sila para mag-back up. Isang malaking Bank Robbery Gang ang nakasagupa nila kaya napalaban sila nang husto. Halos napatay nila ni John ang mga holdaper ngunit ang isa sa mga ito ay nakatakda na siyang paulanan ng bala sa katawan ngunit sinalo iyon lahat ni John na naging dahilan para maging duguan itong humandusay sa kanya. Nakatakas pa ang holdaper na iyon.
Iyak pa rin siya nang iyak habang hindi mapakali na naghihintay sa labas. Sumasakit na ang ulo niya na tila ba tatakasan na siya ng bait.
Diyos ko, buhayin niyo siya. Buhayin niyo po siya, please!
Sumisigaw na ang isip niya sa pagdadasal na bihira niyang gawin. Tinataboy niya sa isip niya ang posibilidad na mawala si John. He is her life. She can't live without him. Sabay nilang binuo ang kanilang pangarap na maging alagad ng batas tulad ng kanilang mga ama. Ipinaglaban nila ito pati na ang kanilang pag-ibig. They were engage at inaayos na nila ang kanilang kasal.
Dumating ang ina at kapatid na babae ni John na si Melinda. Tinawagan niya ito bago pa isakay sa ambulansiya si John. Labis din na nag-aalala ito. Nang makalapit na sa kanila ang mga ito ay galit na galit ito.
"Nasaan na ang anak ko!"pasigaw nitong tanong na halos mayanig na ang buong hospital.
"Nasa loob na po ng E.R. ginagamot na po ng doktor." hindi siya makatingin dito.
Lumabas na ang doktor. Siya ang kinausap pero mabilis siyang hinawi ng ina ni John at ito na ang humarap sa doktor.
"Ako po ang ina nang pasyente na dinala dito. Si PO1 Aragon. Ano na ang nangyari sa anak ko?"
Umasa siya sa positibong sagot ng doctor ngunit napansin niya na seryoso ang anyo nito.
"I am sorry Ma'am. We do all the things to revive him. Patay na po siya."
Na-shock siya. Nanigas siya at parang na-blangko ang utak niya sa nangyari. Ayaw tanggapin ng kanyang utak ang sinabi na iyon ng doktor.
"Hindi! Hindi pa patay ang anak ko!" nahisterical na ang ina ni John na agad nang niyakap ni Melinda. Sabay na naluha ang mag-ina.
Naluha siya sa kanyang mga kamay na may dugo pa ni John. Napatakan na nga iyon ng sunod-sunod ng kanyang luha. Nanginig uli ang kanyang mga daliri at nasabunutan niya ang kanyang sarili lalo na nang ume-echo sa isip niya ang sinabi ng doctor na patay na ito.
John, hindi ka pa patay, hindi ka pa patay!
"Kasalanan mo itong babae ka!" buong lakas siyang sinampal ng mama ni John. Sa sobrang lakas ay nabuwal siya at napahandusay sa sahig. Masakit ang sampal na iyon na halos ikabingi niya pero mas masakit ang katotohanan na tumutusok sa puso at isipan niya na patay na ang lalakeng labis niyang pinakamamahal.
"Ikaw ang nagdala sa kanya sa kamatayan. Sabi ko na nga ba na mangyayari ito. Pinili niyang maging pulis dahil sa iyo!" mariing sisi sa kanya ng ina ni John
"Tama na, Mama! Hindi kasalanan ni Ate Leia ang nangyari!" sabi ni Melinda na nahahati sa pagitan nila
"I am sorry..." kahit pagod na ang mga mata niya sa pag-iyak ay naiyak pa rin siya habang dahan-dahan tumayo.
"Hindi na mababalik ng sorry mo ang nangyari sa anak ko. Umalis ka na dito. Wala kang puwang dito. Huwag na huwag kitang makikita sa burol o libing niya. Dahil sa pagiging pulis nawala ang mag-ama ko. Kung hindi ka nagpulis at inudyukan mo siya na magpulis hindi niya sasapit ito. Salot ka. Umalis ka na!" kahit naghihinagpis ito at malakas siyang naitutulak nito.
Masakit man ay umalis siya ng ospital.
It's hard to accept that he is gone. At mula noon ay hindi na siya nagpakita sa mga Aragon.
BINABASA MO ANG
Men Royale 3
Roman d'amourIn her bloody traumatic past nakulong ang puso at isipan ni Leia. When she decided to move her life on nakilala niya sa isang life and death situation ang pinakamanining at pinakaguwapong artista ng bansa, si Jeon Hale. Her quiet, lonely and webbed...