XII The Walkout

51 5 1
                                    


Chapter 12

MAAGANG nagising si Leia at pinili na lang na isipin na hindi nangyari ang nangyari kagabi. Papunta na sila sa Azul Del Cielo para simulan na ang magiging trabaho ni Jeon. Kasama rin papunta sa Azul Del Cielo si Migo. Kasama ito para malaman nito ang mga specific details sa gagawin ni Jeon. Hindi sila nag-imikan sa loob ng kotse na minamaneho ni Paul. Ang tanging ingay nilang naririnig ay ang tunog ng Mobile Legend na nilalaro ni Keannu.

Ayaw niyang tingnan si Jeon kahit na magkatabi lang sila. Naisip niyang kunin ang phone at muling mag browse sa facebook niya. Nagulat siya sa nagmensahe sa kanya.

Si Jeon.

Sorry. May nakalagay pang sad face. Sinend iyon 7 hours ago.

Napatingin na siya dito. He is wearing sunglasses.

Nagreply siya dito.

Para saan pa ang mga pulis kung pwede pala magsorry?

Narinig niya ang notification tone at agad na inilabas ni Jeon ang phone. Napatingin siya dito at nagtama ang paningin nila.

Pulis ka. So you deserve my sorry.

Pigil ang tawa niya na napatingin kay Jeon.

Ex-police. Paano kung hindi kita patawarin?

Agad iyong binasa ni Jeon nang ma-recieved ito.

Mahalin mo na lang ako kung hindi mo ako patatawarin.

Mahalin mo lang ako at hindi kita mumurahin.

Kinilabutan siya at natawang napasulyap dito. Nagtama ang kanilang mga mata at naramdaman niya ang kamay nito na dumantay sa kamay niya. Babawiin niya sana ang kamay ngunit mahigpit na nahuli nito ang mga kamay niya.

Nag-finger lock ito.

"Please..." nanghina niyang pakiusap.

"Am I forgiven?"mahinang boses nito sabay ngiti.

"Oo na!"

"Yes." natuwang kinalas ni Jeon ang kamay nito sa kamay niya. Nakita niya na napatingin sa kanila si Migo. Napangiti ito sa kanila.

Nakadama siya nang kagaanan ng loob dahil sa wakas ay naayos na sila ni Jeon at mukhang okay na ito kay Migo.

MATAPOS ang orientation ng Marketing and Advertising Department ng Azul del Cielo kina Jeon at Migo ay sinimulan na nila ang pagshoot ng music video sa paligid ng Airline kasama si Jeon. Kahit nanonood ay focus na nakabantay si Leia. Masusi rin niyang sinuri ang mga equipments na ginamit para malaman niya kung magko-cause ito ng accident. Ayaw na niya maulit ang nangyari sa Cascade Drink Commercial. Nilapitan siya ni Migo habang nanonood siya.

"Kailan pa nasabi sa iyo ni Jeon ang feelings niya sa iyo?"

Gulat siyan napasulyap kay Migo.

"Kailangan ba dito ko sagutin iyan?"

"Dont worry, I am not playing a villain uncle. I just wanna know if you feel the same way."

"Honestly hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman. Hindi pa ako handang magmahal uli. Hindi ko pa kaya."

"If ever ikaw ang unang babaeng minahal ni Jeon bukod sa mama niya. My nephew loves you so much. And I cant blame him na mahalin ka niya. You have qualities na kahit na sinong lalake ay mamahalin ka."

"Pwede po bang huwag natin iyan pag-usapan. As I have said wala pa sa isip ko ang ganyan. All I want is to be focus on my job. I hope you don't mind, sir."

Men Royale 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon