*Jennie's POV*
Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita, unti-unti na akong nakakamove on.
Nasa kotse kami ngayon ni Lisa, papasok na kami ng school. Same school kase kami nila V at Jungkook.
Wish namin ni Lisa, na sana magkita kaagad kami ngayong araw. Magkaklase kami ni Lisa, parehas kase kami ng course na kinuha.
Hindi ko alam kung bakit, pero feeling ko may masamang mangyayari ngayong araw.
Naiisip ko na baka magkita kami nung ex ko tapos bigla akong mataranta tapos mamalasin na ng sobra.
Pero wag naman sana, hindi pa ako handang makita siya. Hindi pa ako nakakarecover sa ginawa niya.
Kahit na siya ang may kasalanan, hindi ko pa rin matanggap dahil siguro sobra ko siyang minahal.
"Ouch!!, dahan-dahan naman po sa pagmamaneho!!" sabi ni Lisa.
Napadungaw ako sa bintana, at nandito na pala kami sa school. Sobra akong kinakahaban.
Siguro dahil bago lang ako dito sa Seoul, hindi pa kami masyado sanay ditong dalawa.
Naunang bumaba si Lisa, at sumunod na din ako. Naglalakad na kami papunta sa classroom namin.
Kitang-kita ko na napakaraming estudyante dito. Hindi ko alam pero sobrang nakakapanibago.
Naglibot muna kami bago kami pumunta sa classroom namin. Sobrang laki at sobrang ganda ng bago naming school.
Nakita na namin ang room namin at pumasok na kami ni Lisa sa classroom namin. Marami ng tao ang nauna sa amin. Magkatabi kami ni Lisa ng upuan.
"Hi, Im Jisoo, Kim Jisoo!! What's your name??" tanong saken ng katabi naming babae.
"Hii, my name is Jennie, Kim Jennie, and this is my best friend Lisa, Lalisa Monoban!!" sagot ko naman sa kanya.
"Hii, I'm Lisa!!" sabi ni Lisa.
"Hii, uhm I'm Park Chaeyoung, but just call me Rośe!! I'm Jisoo's best friend!!" sabi naman ng katabi ni Jisoo.
Nakipaghandshake kami sa kanila at ramdam ko na parehas silang mayaman dahil sa lambot ng kamay nilang dalawa.
Sitting arrangement:
Lisa, Jennie, Jisoo, RośeNabaitan kaagad ako sa kanila, sobrang ganda pa nilang dalawa. Wala pa yung teacher namin nun.
Nagkwentuhan kaagad kaming apat para makilala kaagad namin ang isat isa.
Parehas silang anak mayaman, magkakilala na silang dalawa simula mga bata pa sila, parang kami lang ni Lisa.
15 minutes na ang nakalilipas, bigla akong inuhaw. Wala pa rin ang teacher namin at maaga pa rin kaya tinanong ko sila kung saan yung canteen.
Mag-isa akong nagpunta sa canteen, hindi na muna ako nagpasama kase ayaw ko namang maabala si Lisa sa pakikipagkwentuhan niya kay Jisoo at Rośe.
Naglalakad na ako papunta sa canteen, napansin ko na talagang napakaraming mga students dito.
At muka talagang mayayaman, napakaganda ng mga damit nila kaya nakakahiya kung hindi maganda ang damit mo.
Nakarating na ako sa canteen, at nakabili na ako ng tubig, bigla ko lang naalala kung saan kaya ang room ni V at Jk.
Palabas na ako ng canteen at pabalik na ako sa room namin. Nang may biglang akong nakita na lalaking nakahoodie na nadapa.
Hindi ko talaga dapat siya tutulungan kaya lang ehh napansin ko na walang nagbabalak na tumulong sa kaniya.
Kaya naman nilapitan ko siya at tinulungan, tinulungan ko siyang makatayo.
BINABASA MO ANG
TAENNIE: THE LOVE STORY
Hayran KurguMatagal nang fan girl si Jennie. At matagal na niyang idol si Taehyung. Simula high school fan girl na siya dahil sa impluwensiya ni Lisa. Tulad ng isang fan girl, ginawa ni Jennie ang lahat para makita si Taehyung sa mga concerts, guestings. Sinun...