Deprived 10

4 0 0
                                    

Understands and sees

"Hindi kasi dapat ganyan. You shouldn't over beat it." Gael took the wire whisk from my hand. Siya na ang naghalo ng mga ingredients.

I raised both my hands in the air, admitting defeat.

"Fine, fine. Sorry naman."

"Tsk..." he muttered bago naghalo ulit. When he was done inutusan niya akong ayusin ang baking tray. Pinalagyan niya rin saakin ito ng butter at parchment paper. Para daw hindi dumikit ang brownies sa tray.

"Tapos ano susunod?" I asked a bit excited. First time ko lang kasi magbabake. I mean first time ko lang makakakita ng nagbabake. Nasanay kasi ako na binibili lang ang mga ganyan. Dahil hindi naman mahilig sa matatamis si Dad.

"Isasalin ko na sa tray. Dapat pantay ang taas nila. Iabot mo nga saakin yung spatula." I followed his command.

Inaayos ni Gael ang taas ng brownies. When he was satisfied hinarap niya kami ni Ethalian na kanina pa natatakam.

"Now for the fun part. You can add any toppings you want. It can be wall nuts, cashew nuts, chocolate chi-" Hindi pa siya natatapos ay agad na kaming lumapit ni Ethalian. May kanya kanyang plastic ng toppings.

Narinig ko ang side comments ni Gael pero hindi na namin siya napagtuonan ng pansin.

Ethalian and I divided na side kung saan kami maglalagay. Nilagyan ko ng white chocolate chips ang side ko. While Ethalian's side was full of chocolate bits and cashew nuts.

"Then, we need to bake them for 25 minutes." Kinuha niya ang tray at pinasok sa oven. Kanina pa iyon naka preheat.

Ayon kay Gael pag nagbabake ka daw dapat nakapreheat na ang oven mo sa specific temperature na kailangan.

Pinaalis kami ni Gael sa kusina at sinabing umupo muna sa isang lugar habang naghihintay. Kaya ngayon ay nakaupo kami ni Ethalian sa highchair ng bar. Inikot ikot ko pa iyon to ease my eagerness.

Ngumuso ako ng makita ang dami ng wine na nakadisplay dito. Mukhang luma na ang iba. Pero diba mas masarap daw ang wine kapag mas matagal?

Naistorbo ang pananahimik namin ng may naramdaman akong presyensya. Ngayon pa lang ay napairap na ako.

"Baka naman mahilo ka diyan." Someone said from behind me. Sa paraan pa lamang ng pagsasalita ay kilala ko na agad.

"Huwag kang magsimula Adamian." Pagbabanta ko sa kanya.

Nginisian niya ako at umupo sa isa pang high chair katabi ng akin. Umayos ako ng upo at hinarap ang gunggong na papansin.

"Chill..." natatawang bigkas niya na lalong nag painit sa ulo ko. I don't know why but a little movement from Adamian really triggers my irritation.

Ah ha! Maybe because he almost choked me yesterday!

"Hi little girl!" Bati niya kay Ethalian.

Ethalian pouted at him. "I'm not a little girl anymore, Kuya Adamian!"

Umalis siya sa pagkakaupo. Tumayo siya sa harap namin at nilagay ang kamay sa taas ng kanyang ulo. Trying to measure her height.

"See?" She said as-a-matter-of-fact. Gusto kong makipag high five kay Ethalian ng nakita ko kung paano niya inirapan si Adamian.

Ngunit talaga yatang pinaglihi sa bwisit si Adamian dahil hindi niya pa rin kami nilubayan. Buti sana kung maganda ang lumalabas sa bibig niya. Eh ang kaso, puro nakakabanas lang. Tulad na lang ng mga ganito:

"Masarap ba yang brownies niyo? Baka naman diretsyo ospital ang kakain niyan?"

"Ethalian lumaklak ka ba ng pink? Nagsusumigaw ng barbie iyang outfit mo."

Deprived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon