Kapitulo: 1

1K 52 4
                                    

Charles POV

" You know what? Alam ko na ang problema mo? Is that a woman? Heartbroken? "

Sabi ni Mik sa akin habang umiinom kami ng alak.. Siguro dahil sa marami na kaming na inom kaya medyo wala ng ilangan at hiyaan sa amin parang mag kaibigan kami ng matagal Kung mag usap kami.

" Hehehe buti nga sana kung babae talaga kasi hindi eh"

Sabi ko naman sa kanya sabay tungga ng alak uli.

" Wow Dude hindi babae ang problema mo? Baka naman lalake yan hahahaha"

Tawa nya sa akin at tumawa naman ako at saka umiling.

" Mismo... Tama ka doon... it's a Man... Nakakainis nga kasi minsan na lang ako umibig sa lalake pa tapos... Hindi nya pa ako gusto... Pero alam mo yun? Kahit na lam kong masaya na sya sa iba ayaw parin lumimot ng puso ko kahit na gusto ko? "

Sabi ko sa kanya at alam kong lasing na ako dahil medyo ang init na ng buong mukha ko.

" Wow? Really? Hahahah bakit ka naman nag kakaproblema sa lalake? You know what your handsome dude.. bakit ayaw nya naman sayo? "

Sabi nya sa akin sabay inom din ng alak.

" Nahh alam kong gwapo ako... Pero siguro hindi nya talaga ako gusto dahil sa may mahal syang iba yun ang alam ko hindi kasi sya yung tipong sa mukha nag babase, nag babase sya sa nararamdaman nya at sinisigaw ng puso nya... pero masasabi kong gwapo din yung mahal nya."

Sabi ko sa kanya tumawa naman sya saka umiling.

" Gusto ko yang lalakeng iyan ha, you know what napaka rare na ng mga ganoong taong hindi nag babase sa itsura... Gusto ko syang makilala"

Sabi nya sa akin.

" Well, sad to say wala sya dito nasa america na sya kasama ng boyfriend nya...Mali pala soon to be husband nya."

Sabi ko sa kanya at tumango tango naman sya.

" Dude, matanong ko lang kung nagkakagusto ka sa lalake it means your gay? "

Sabi nya sa akin at natawa naman ako sa sinabi nya.

" Dude I'm not a gay... Let's say na lalake ako na nagkakagusto sa iisang lalake lang"

Sabi ko sa kanya at tumango naman sya.

" Well walang masama doon let's cheers for that!"

Sigaw nya at sumigaw din ako saka sabay kaming uminom.

Halos hating Gabi na pero halos padami na ng padami ang mga tao sa loob ng bar. At nag simula ng mag hiyawan ang mga tao habang sumasabay sila sa indak ng musika.

" Dude C'mon let's dance! It's time to party"

Sabi nya sa akin pero hindi ako pumayag.

" No thanks dude.. ikaw na lang I'm not good at dancing"

Sabi ko sa kanya at tumawa naman sya.

" Same here dude but... Let's just make this night fun C'mon"

Sabi nya sabay hila ng kamay ko umiling na lang ako saka ngumiti.

At pumunta kami sa gitna kung saan maraming tao.

At naki talon at sigaw kami sa mga tao na walang ibang alam kundi ang mag saya dito.

Tama nga sya hindi rin sya marunong sumayaw pero kahit na anong step ang gawin nya bagay nya dahil sabihin nating swabe at ang lambot ng katawan nya sa pag giling nya.

Perfect Not Perfect ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon