Kapitulo 19

355 31 2
                                    

Charles POV

Gulat na gulat si Mike sa ginawa ko ako nga rin nagulat kung bakit ko ginawa iyon.

Inakbayan ko sya saka ako bumulong sa kanya.

" Mike hindi ko alam ko anong meron sa inyo ni Lucas pero alam kong may something sa inyo at alam kong nag seselos ka...Dahil sa pinapaselos ka nya... ngayon ngumiti ka lang at sumakay sa lahat ng sasabihin ko saka ko na ipapaliwanag ang lahat pag naka alis na tayo dito sa ngayon ngumiti ka lang muna"

Sabi ko sa kanya at tumango naman sya kahit na naguguluhan sya sa sitwasyon.

Inakbayan ko sya sabay sabing.

" Oy Mike ikaw talaga nahihiya ka pa, hayaan mong malaman nila na nag da-date tayo, di naman na bago ang ganito hindi ba?"

Sabi ko sa kanya at saka ako ngumiti kay Mike at ngumiti naman sya.

" Pasensya na alam mo naman mahiyain ako sa mga ganitong bagay...uhm..saan pala tayo ngayon? I mean saan mo gustong pumunta ngayon?"

Sabi nya sa akin at napa ngisi naman ako dahil sa magaling din palang umarte ang gago na ito.

" Ikaw ang bahala...saan ba maganda?"

Sabi ko naman sa kanya at hindi ko parin tinanggal ang pag kakaakbay ko sa kanya.

" Uhmmm may alam akong maganda na view dun na lang tayo daan na lang tayo sa restaurant take out na lang tayo ng food para doon na tayo kumain mg sabay"

Sabi nya naman at tumango tango ako sa sinabi.

" So tara na?"

Sabi ko sa kanya at tumango naman sya sa akin at nang mag lalakad na kami ay na kita ko na naka tingin sa amin sina Lucas at Mike natigil din sila sa pag hahabulan huh.

Kumaway naman ako kay Lucas saka ako ngumiti. At ngumiti lang sya ng tipid.

" Nandyan pala kayo? Kanina pa kayo dyan?"

Sabi ko sa kanila at tumango naman si Lucas pero si Mik ay seryoso lang na naka tingin sa amin, tsk problema mg nito?  Sapakin ko ito ng wala sa oras eh.

" Mukhang nag e-enjoy kayong dalawa dyan ah...sige lang mauna na kami ni Mike my date pa kasi kami"

Sabi ko kay lucas at nakita kong medyo sumimangot sya...Ang unang mag sasabi ng totoo ay ang matatalo sa laro na ito.

" Tsk he said that he don't talk and date with the stranger"

Rinig kong dabi ni Mik kaya napa tingin ako sa kanya.

" May sinasabi ata yang kasama mo Lucas?"

Sabi ko sa kanya at tumingin naman sya kay Mik at tumingin naman sa akin si Mik at nag sukatan kami ng tingin pero sya ang unang umiwas.

" I said enjoy your date"

Sabi nya sa akin at nagulat naman ako ng marinig ko na pabalang ang pag kakasabi nya, naiinis ba sya?.

" Uhm...yah tama si Kuya Mik enjoy your datte na lang mga K-Kuya mauna na rin. Kami"

Sabi parin ni Lucas sa amin at hinila nya na lang si Mik papalayo sa amin nag paalam naman ako ng maayos sa kanya.

Pero habang papalayo sila ay napa tingin pa sa akin si Mik at sinamaan nya ako ng tingin bago sila tuluyang naka alis.

At napa iling naman ako sa ginawa nya ang hirap maman basahin ng utak ng taong iyon.

Tinanggal ko naman ang pag kakaakbay ko kay Mike saka ako tumingin sa kanya.

" Pasensya na kanina Mike...nakita kasi kitang naka tingin lang sa kanila...kahit di mo naman sabihin sa akin halata naman na may something sa inyo ni Lucas kaya ginawa ko iyon para malaman ang reaction ni Lucas at confirm may something nga kayo"

Perfect Not Perfect ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon