Kapitulo 12

422 39 7
                                    

Charles POV

" Nandito na rin tayo sa wakas"

Sabi ni Emily ng makarating kami sa resort ko.

" Baka naman Charles may pa meryenda ka dyan baka lang naman"

Sabi ni Emily sa akin at natawa naman ako sinabi nya sa akin hindi parin sya nag babago dahil kahit na may pera naman na sya at may sarili na syang trabaho ay mahilig parin syang mag palibre.

" Oo naman para ka paring dati, Tara na nga sa loob  ng makakain na tayo ng agahan"

Sabi ko sa kanya at nang gigil naman sya.

" Kasi nga sabi nila mas masarap pag libre lasap na lasap mo talaga yung sarap"

Sabi nya sa akin ka napa iling na lang ako ng wala sa oras sa sinabi nya.

Pinasok nya ang kotse nya sa loob at saka kami nag parking sa parking area.

Saka kami sabay na lumabas ng kotse.

" Wow naman! Grabe ang ganda ng resort mo Charles..ibang iba na talaga , di na katulad nung isang taon noong unang punta ko dito"

Sabi ni Emily sa akin at ngumiti naman ako sa sinabi nya dahil sa pinasadya ko talaga na ipaayos ang resort ko, medyo lumawak ang lupa na sakop nito dahil sa may bibili akong bagong parte malapit din sa dagat.

Mayroong mga food stall at mga restaurant.

Hindi sa akin ang mga iyon ang rerenta lang sila dito pero ayos rin dahil sa kumikita din naman ako sa kanila kahit na di ako mag pagod.

Saka may roon na ring swimming pool para sa mahilig mag pool party.

Nag patayo na rin ako  g sarili kong hotel..oo hotel talaga, may room paring nga cabin malapit sa dalampasigan dahil yun naman dati ang theme ng resort , nag dagdag lang ako...saka ang hotel ay para sa mga VIP person, mga taong high class ika nga nila.

Dito rin pwedeng idaos ang mga business meeting or di kaya mga high class party.

" Tara na Emily ,nagugutom na ako"

Sabi ko sa kanya at nag lakad kami papunta sa hotel, pumasok naman kami at saka nag order si Emily na ang bahala na pumili ng pag kain tutal libre ko naman ngayon.

Masaya kaming kumain ni Emily hanggang sa matapos kami.

" Grabe ang sarap talaga pag libre...grabe naman Charles babalik uli talaga ako dito"

Sabi ni Emily sa akin. Kaya tumango lang ako sa sinabi.

" Sya nga pala Emily, naka usap ko si Primo at gusto nya na mag karoon tayo ng reunion tayong buong batch, okey lang naman siguro yun pag na ayos ko ang pag papatakbo ng resort ko"

Sabi lo sa kanya at natuwa maman sya sa sinabi ko.

" Talaga!? Isama mo ako sa pag plaplano ah"

" Malayo pa yun Emily saka marami pa akong gagawin dito"

Sabi ko naman sa kanya.

" Okey lang yun basta talaga pag okey na ang lahat tawagan mo ako nandito lang naman ako parati"

Sabi nya sa akin at ngumiti ako ng tipid.

" Ikaw lang maman kasi ang kaibigan ko na nasa tabi ko parati, Saka best friend tayo diba?"

Sabi ko sa kanya at ngumiti at tumango naman sya.

" Pero sya nga pala..okey lang ba talaga na hindi ka nag paalam ng maayos kay Mik?..hindi ba parang napaka selfish naman nun?"

Perfect Not Perfect ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon