Kapitulo 27

514 30 0
                                    

Charles POV

" Congrats Charles!"

" Congrats!"

Sari saring mga papuri ang narinig ko sa mga kaklase ko dati.

At walang humpay naman akong nag papasalamat sa kanila.

" I enjoy nyo lang ang pag kain"

Sabi ko naman sa kanila at ngumiti naman sila sa akin. Ko

" Hays...Hindi ko alam na magiging ganito kaganda ang resort mo Charles pag kalipas lang ng isang taon...Ikaw na talaga Charles...Sana ikaw na lang pala ang pinili ko noon."

Sabi ni Donny at tumawa naman ako sa sinabi mo.

" So ngayon nag sisi ka na? Sorry Donny pero may mahal na akong iba eh"

Sabi ko naman sa kanya at sya naman ang tumawa .

" Sus parang kanina hindi mo ako hinalikan sa pisngi ah hahahah"

Sabi nya sa akin at umiling naman ako...mas naging masiyahin si Donny ng naging sila ni sir Cooper...Hays siguro kasi nga talaga silang dalawa ang naka tadhana na dalawa...masaya na ako dahil sila ang nag katuluyan lalo na alam kong may tao rin palang nag mamahal sa akin kahit na minsan talaga mainit ang ulo ko at suplado ako.

" Anong hinalikan sa pisngi? "

Nagulat ako dahil biglang may humablot sa kwelyo ko at pag tingin ko ay nakita ko si Cooper na sobrang sama ng tingin sa akin....siguro kasi narinig nya ang sinabi ni Donny kanina.

" Ah...Eh...Kuya Cooper naman bitawan mo nga si Charles"

Sabi ni Donny sa akin.

" Sabihin mo nga sa akin Charles... hinalikan mo ba ang asawa ko?"

Sabi nya sa akin at napa ngiti naman ako... Hays bakit ba parati na lang na pinag iisipan nilang inaagaw ko ang mga boyfriend at asawa nila?.

" Easy Cooper..yes I kiss him on his cheek...pero ginawa ko lang iyon dahil may gusto lang akong patunayan"

Sabi ko sa kanya at nakita ko na halos maningkit ang mata nya dahil sa sinabi ko.

Akmang susuntukin nya ako pero inawat sya ni Donny.

" Kuya Cooper naman wala namang masamamg intensyon si Charles kaya nya lang naman ginawa yun dahil-"

" Dahil ano!?...Dahil sa gusto ka pa nya? Hindi ba nya alam na kasal na tayo?"

Sabi ni Cooper at sobrang nang gigigil na sya sa akin.

" Hays...ginawa ko yun...dahil gusto kong patunayan na wala na talaga akong nararamdaman kay Donny...gusto kong maka sigurado na hindi ko na sya mahal...at para rin masigurado ko na yung taong mahal ko ngayon ay talagang mahal ko nga sya"

Sabi ko sa kanya at natigilan naman si Cooper sa sinabi ko.

" Ibig sabihin wala ka ng nararamdaman kay Donny?"

Sabi nya s aakin at tumango naman ako kaya binitawan nya na rin ako sa wakas. Buti na lang talaga at nasa labas kami  g hotel ngayon kundi baka nag kagulo na kanina pa.

" Sabi lasi sa iyo Kuya Cooper eh...hindi mo kasi ako pinatapos na mag salita hmp!"

Sabi ni Donny at  napa kamot naman si Cooper sa batok nya.
.tsk pareho talaga sila ng kapatid nya.

" Pasensya na mahal ko...akala ko kasi-"

" Bahala ka dyan akala mo lang yun"

Bara naman ni Donny sa kanya at napa iling naman ako at dahan dahan akong umalis dahil sa ayaw ko silang maistorbo sa pag aaway nila saka kailangan ko pag asikasuhin ang mga bisita ko.

Perfect Not Perfect ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon