Naglalakad ang apat papunta sa Gym...
Ang mga teacher ay nakaupo, nag arrange sila ng upuan para hindi halata ang pinaplano nila.
Naglakad ang principal papunta sa harapan nila.
"Sir Delarosa, ano po bang paguusapan natin?" Tanong ng isang teacher.
"Actually, we need to improve our teaching." Wika ng principal sa harap.
'Mema ko lang, sana mauto ko sila.' sa isip-isip ng principal.
"Huuh?! Improve our teaching? May pagkukulang ba ang turo namin?" Tumayo ang isang teacher at tumugon.
"Dapat alam po namin na nagkulang kami dahil ire-report samin ng guidance if may nagreport sakanilang parents." May sumingit ulit na isang teacher.
"Actually, tama naman si Sir Delarosa. We should improve kahit na wala tayong nakikitang mali." Wika ng head ng Jungken University.
'buti nalang kasama ko si Sir Rex kung hindi mahihirapan ako dito.'
"Salamat, Sir Rex. Tama, paano kung nagtuturo tayo at hindi naiintindihan ng mga students?" Wika ng principal...
"Nasa pwesto naba kayo ayon sa plano?" Nagsalita si Kiyo sa mic ng earphone.
"Yes, nasa edge na ko ng Gym. Nanonood sakanila." Sagot ni Azalea.
"Same."
"Nakalimutan ko kung ano gagawin pagtapos pumwesto." Wika ni Kurosaki na nagpabago ng mood.
'May itsura nga, punggok naman.' napatakip ng mata si Ingrid sa hiya.
"Scout lang ang gagawin natin and report pag may nakitang kakaiba." Sagot ni Kiyo...
''Bakit walang estudyante?" Wika ng babae habang lumilipad paikot ng Jungken University. Nakaputi siyang dress at may isang sungay sa kanang noo. Pag nakita mo siya, napakagandang babae. Bumagay ang puting dress sa maputi niyang balat.
"Baka may pinaplano nanaman ang apat na yon." Bigla siyang may narinig sa Gym.
"May tao sa Gym?" Pinuntahan niya at nakita niya sa bintana ang mga teacher na naguusap-usap.
"May meeting pala, pero di bale. Hihintayin ko nalang sila at hahanap ng chance." Napangiti siya habang nakatingin sa teacher.
'para next month ay makamit ko ang true form ko.' tugon niya sa sarili niya.
"Mukhang di mo magagawa pinaplano mo." Biglang may nagsalita sa likod niya. Napalingon siya at nakita niya si Kiyo na nakatali.
"Sumayaw ka muna." Nilabas bigla ni Kiyo ang taser sa bulsa niya at ipinutok sa babae. Nang dumikit ay biglang nangisay ang babae at bumagsak habang umuusok.
"Nasa akin ang targer, pumunta na kayo dito." Wika ni Kiyo sa Mic at pagtingin niya sa katawan ng babae ay nanlaki ang mata niya.
'Asan na yon katawan niya?!' lumingon siya at pinagmasdan ang paligid.
"Nasa likod mo ko, kekekeke!" Paglingon ni Kiyo ay sinakal siya kaagad nito.
"Napakamisteryoso mong tao, kaylangan kang mamatay." Wika ng babae.
"Di mo kukunin katawan ko?" Tanong ni Kiyo at nagulat ang babae sa tanong niya.
"Matalino ka nga, sige kukunin ko katawan mo." Sagot naman nito. Sinugatan niya si Kiyo gamit ang kuko niya at lumayo sakanya. Pinabayaan lang siya ni Kiyo at pinanood.
"So, may ritual ka palang gagawin. Kakainin mo yon dugo and then pwede mo ma-control ang katawan ko. Ganon ba yon?" Tugon ni Kiyo habang nakatingin sa babae.
"Nakakamangha ka, hanggang dito alam mo. Tama ka!" Dinilaan ng babae ang dugo sa kuko niya.
"Akin na katawan mo! Kekekeke!" Inisip niyang pagalawin si Kiyo papunta sakanya kaso nabigo siya.
"Bat di kita ma control?! Anong ginawa mo?!" Biglang kinabahan ang babae sa nangyayari.
'retreat, madami pang time para makakain ako.' bigla siyang tumalikod at lumipad. Nangpaglipad niya ay may sumulpot na bola sa harap niya at may lumabas na usok.
'ambilis nila makarating.' Nagpatuloy siya sa paglipad kaso may sumulpot na net sa harap niya na bumalot sa katawan niya.
"Electrocute!" Wika ni Aza at pinindot niya ang red button na nakaconnect sa Net.
Biglang umusok ang babae at bumagsak. Nilapitan agad ito ni Kiyo, pinutol niya agad ang pakpak nito.
"Ba- bakit di niyo pa a- ako patayin?!" Wika ng babae at may tumulo na dugo sa bibig niya.
"Sagutin mo tanong namin, sino ang leader niyo?" Biglang nagtanong si Kiyo.
"Bago ko sagutin yan, sagutin mo muna tanong ko. Sino ka at ano ka?" Tanong nito pabalik at nagulat sila Kurosaki. Napatingin sila kay Kiyo.
Tinutukan ni Kiyo ng baril ang babae, "Ang dami mong arte, hahanapin ko nalang kung sino leader niyo." Kinalabit ni Kiyo ang gatilyo at nabutas ang glabella ng babae.
"Wala tayong nakuhang information about sa leader." Sabi ni Aza habang nanghihinayang sa mga materials na ginamit nila.
'That smoke bomb Trap is $500, naging mahal kasi may electrocute. Yon taser mura lang naman kaya ayos lang, kaso tinakas ko lang sila sa storage room. Pag nahuli ako ni papa siguradong lagot ako.' sa isip-isip ni aza habang nakatingin kay Kiyo.
"Ano na gagawin natin, pres?" Tugon ni Kurosaki.
"Umuwi na tayo pagtapos maglinis dito, baka makita ng ibang teacher at baka magpanic sila." Sagot ni Kiyo at kinuha nila ang bangkay ng babae.
"Saan natin ito lalagay?" Tanong ni Ingrid.
"Sunugin yan." Sagot ni Kiyo at sinunog nila ang katawan ng babae sa likod ng University.
(Kinabukasan)
"Pre si Jeron pumasok na!" Naguusap ang dalawang estudyante habang naglalakad sa hallway.
"Weh? Seryoso tol?" Di agad naniwala yon isang lalaki.
"Oo pre, pati yon iba pang nawala." Wika niya ulet...
"Ganon pala ang nangyari. Maraming salamat sa inyo, kung hindi dahil sa inyo hindi makakabalik ang mga nawala 2 yrs ago." Wika ng principal habang nakangiti sa apat.
"Sir Delarosa, may mga klase pa po kami. Please, Excuse us." Wika ni Kiyo.
"Ah ganon ba, sige pumunta na kayo sa classroom niyo." Lumabas ang apat sa principal room.
"Mission Success pero di tayo naka-gathet ng information." Wika ni Kurosaki habang nanghihinayang.
"Ayos lang yan, makakahanap din tayo ng chance." Sabi ni Ingrid at sila ay nagpatuloy sa paglalakad sa hallwa
BINABASA MO ANG
The Mystery of Jungken University
Mystery / ThrillerThe Jungken University is one of the most Mysterious campus around the Philippines. The cases of dying is small but it's never been solve by anyone. However, A Student Council decided to investigate and find the clue of this phemonena. The team lead...