'san kaya ako maguumpisa?' isip ni Kiyo habang nakatingin sa mga papel na nakakalat sa mesa..
He check every papers and read it again.
'Ilan beses ko na binasa but I didn't find any clue maliban sa lalaki ang targer niya.'
He read every info na nasa papers and at the end wala pa rin nahanap si Kiyo. Nag decide siyang magtake ng break.
Binuhos ni Kiyo ang laman ng termos sa baso. Kumalat ang amoy ng kape sa buong kwarto, tinitigan niya ang kalendaryo habang nagkakape. He realized something.
"What if?...
6:30 am, naglalakad ang tatlo sa hallway.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Kurosaki sa dalawa.
"Yep, sinundo ko sa hotel si Aza. Pinakain ako ng papa niya." Sagot ni Ingrid.
"Kakain muna ako sa canteen." Sabi ni Kurosaki at humiwalay siya ng lakad kala Ingrid.
Binuksan nila ang room ng student council.
"Bat naka lock?" Tanong ni Aza.
"Wait?! May susi ka?!" Biglang nagpanic si Ingrid. Parang may narealize siya.
"Baket?" Nagulat si Aza sa reaction ni Ingrid.
"Si President naiwan kahapon diba?" Tanong ni Ingrid.
"Oo." Sabi ni Aza habang nakatingin kay Ingrid. Tas narealize din ni Aza ang iniisip ni Ingrid.
"Umuwi na yon ano kaba. May susi ako wait lang." Medyo kumalma si Ingrid sa sinabi ni Aza. Hinugot ni Aza ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto.
"Bat naka lock yon pinto? Di naman natin ito nila lock." Wika ni Ingrid.
Bumugad agad sa paa nila ang pantaas na uniform ng lalaki. Pag tingin nila sa loob ay nakita nila si Kiyo ng nakapants at walang pantaas. Biglang dumugo ang ilong ni Aza nung nakita niya ang six pack abs ni Kiyo. Nanlaki ang mata ng dalawa. Nagpupunas ng mukha si Kiyo at nang binato ang twalya sa sofa. Napansin niya ang dalawang babaeng nakatitig sa katawan niya.
Nandilim ang paningin ni Kiyo at napansin nila Ingrid ang pagbago ng facial expressions niya. Agad-agad nilang sinara ang pinto.
"Patay tayo!" Natatakot na sabi ni Aza. Pinunasan niya ang ilong niya bigla.
"Di ko alam na nagovernight siya dito eh!" Nagpapanic na sabi ni Ingrid. Naiimagine nila ang mangyayari mamaya.
Biglang nagbukas ang pinto at nakita nila si Kiyo na nakangiti sakanila. Kinilabutan agad sila kasi alam nila na hindi ngumingiti si Kiyo.
'hindi pa ngumingiti si Kiyo, kung ngi-ngiti siya pwedeng galit na galit siya o sobrang saya niya pero sa ginawa namin mukhang galit na galit siya.' isip ni Ingrid.
"Pwede kayo umupo sa Sofa at pagusapan ang pangyayari." Wika ni Kiyo na para siyang isang waiter na nag ga guide sa costumer papuntang table nila.
Umupo silang dalawa at umupo si Kiyo sa harap nila.
"May discount dahil Student Council kayo, 200 each." Wika ni Kiyo habang nakatingin sakanila.
"Teka lang po, Pres." Sabi ni Ingrid.
"May angal ka?" Ngumiti si Kiyo kay Ingrid.
"Wala naman kaming nasirang gamit." Paliwanag ni Ingrid.
"Di kayo marunong kumatok? Nakita niyo kong nakatopless, may bayad yon." Sabi ni Kiyo. Biglang pumasok si Kurosaki.
"Sige, palalagpasin ko yun ginawa niyo." Sabi ni Kiyo.
'buti nalang dumating si Kurosaki.' wika sa isip isip ni Ingrid. Tumayo si Kiyo at kinuha ang mga papel sa cabinet ng lamesa.
"May nakuha akong clue, isang malaking clue." Wika ni Kiyo. Nagulat silang lahat.
"Papaliwanag ko, kagabi may narealized ako habang nakatingin sa calendar." Sabi ni Kiyo.
"Tapos?" Tanong ni Kurosaki.
"What if... malaman natin ang next day ng target niya? So, I look at the date of when the students went missing." Sagot nito.
"At may nakuha akong clue." Kinuha ni Kiyo ang Kalendaryo na nakasabit sa pader. Nilapag niya ito sa lamesa kasama ang papel na kinuha niya sa cabinet.
"Ang first case ng missing ay naganap noong April 2, 2018, monday." Wika ni Kiyo. Kinalikot nila ang papel at nakita ng tatlo ang first case information.
"Sabi dito, siya si Jeron Santos. Isang first year college, pumunta daw siya sa banyo ayon sa cctv at hindi na muling lumabas."
"Uniform at pants nalang daw nakuha sakanya sabi ng studyanteng nagreport. Wala siyang parens. Kinamatay ng nanay niya ay sakit sa puso at ang tatay niya naman ay cancer."
"Only child lang siya kaya nag working students siya nung una sa mcdo at naawa ang principal ng Jungken University. Ginawa siyang scholar at pinagtrabaho dito sa Jungken bilang Library Keeper."
"Nawala siya noong April 2, 2018 (Monday) at di na muling nakita." Wika ni Ingrid.
"Check niyo yon date nung next victim." Utos ni Kiyo.
"May 14, 2018 (Monday)"
"Yon next victim check niyo." Wika ulet ni Kiyo.
"June 18, 2018 (Monday)." Wika ni Kurosaki.
"Next victim."
"July 23, 2018 (Monday). Bat puro monday? Ibig sabihin ba monday lang siya nangyayari?" Tanong ni Kurosaki.
"Next victims."
"Aug 7, 2018 (Tuesday)"
"Wait, nagiba yon araw ng pangyayari. Aug 7, 2018 (Tuesday)" Tugon ni Ingrid. Kumuha ng papel si Kiyo at ballpen. Nagsulat siya ng isang column na pa vertical line.
"Isusulat ko sa taas ng column na ito ang monday. Ang April 2, 2018 ay 1st Monday ng April. Ilalagay natin sa baba ng monday." Wika ni Kiyo.
"Ang May 14, 2018 ay 2nd Monday ng May." Isinulat ni Kiyo sa baba ng April 2, 2018 ang May 7, 2018.
"Ang June 18 naman ay 3rd monday ng June at July 23 naman ay 4th." Isinulat niya ito sa baba ng May. Biglang bumungad sa tatlo ang arangement ng missing. Napatingin sila kay Kiyo.
"Nagovernight ka for this thing?" Tanong ni Ingrid. Kiyo nod at her.
"Buti hindi ka tinarget?" Wika ni Kurosaki.
"I arrange niyo malalaman natin kung anong date ang sunod na pagmissing." Wika ni Kiyo.
"Bakit naging Aug 7, 2018 (Tuesday) ang next victim?" Tanong ni Ingrid kay Kiyo habang nakatingin siya kay Kiyo. Biglang may narealized si Aza.
"Don't tell me every 4 month magiiba na siya ng araw?" Tanong ni Aza kay Kiyo.
"You figure it out. Half of what you say is true." Sagot ni Kiyo.
"The next day to Monday is Tuesday. Every four month, next day naman ang hunt niya. And natuklasan ko na Sunday ang Hunt niya ngayon buwan." Dagdag ni Kiyo sa sinabi niya.
"Pang ilang week?" Tanong ni Kurosaki.
"3rd week and this is our last chance. If we fail, Jungken University will face danger." Tugon ni Kiyo.
"3rd week? June 21, 2020?" Napatingin si Kurosaki sa Calendar.
"Yes, prepare for this item." Inabot ni Kiyo ang paper kay Aza.
"Ano to?" Tanong niya kay Kiyo.
"List of materials." Sagot ni Kiyo.
"May plano na akong ginawa kahit isang buwan pa bago mag June 21." Nagdikit silang apat at ibinulong ni Kiyo ang plano.
BINABASA MO ANG
The Mystery of Jungken University
Misterio / SuspensoThe Jungken University is one of the most Mysterious campus around the Philippines. The cases of dying is small but it's never been solve by anyone. However, A Student Council decided to investigate and find the clue of this phemonena. The team lead...