Chapter 1: Scream

8 1 1
                                    

"Mahigit dalawang buwan na at nagkaroon nanaman ng aksidente sa Jungken University. Madaming soco at iba pang police ang nandito." Wika ng reporter sa tv. May isang binata nanonood nito at umiinom ng kape.

Buhok niya ay naka bagsak na pang Korean style, saktong katawan (but if you look closely, you can say that it is a perfect body.) at 5'9 ang height. Kung tititigan mabuti medyo nakakaattract siya. Bigla siyang binato ng isa pa na binata sa gilid nakaupo ng papel na binilog.

"Ano nang gagawin naten, President?" Makikita palang sa mukha niya ang pagka pasyonista niya. Same size sila ng katawan ng president, 5'8 ang height. Maputi siya at maporma.

"Wait for other members. wag ka mag kalat dito sa meeting room natin, Butete." Sagot nito na nagpipigil ng inis dahil binato siya ng papel.

"Butete? Kurosaki ang name ko." Sabi nito na may pagkakairita.

"Di kapa ba maka move on dahil nilagyan ko ng ketchup yon sinigang na ulam mo?" Sabi ng president ng mahinahon habang nakaupo at nagbabasa ng papel.

"Wag mo na paalala yon!!!" Sigaw ni Kurosaki. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang iba pang members.

"Oooh, aga aga nagaaway kayo ah." Sabi ng babaeng mahaba ang buhok, may 5'4 na height, if you look closely napakacute niya at may saktong katawan na masasabing sexy. Sakto ang kulay ng balat niya, hindi siya morena.

"Bat late kayo, Ingrid?" Tanong ni Kurosaki.

"Kinuha lang yon papel. Napanood mo yon balita, Kiyo?" Sabi nito habang nakatingin sa President.

"Oo, magkatulad nga ng pangyayari last case." Sabi nito at patuloy nagbasa si Kiyo.

"Aza, nakuha mo ba yon need nating materials para mamaya?" Tanong nito sa babaeng nakatayo sa likod ni Ingrid.

Azalea, galing sa Ellington Family. All of the Ellington Family called her princess because she is the child of the president of Ellington Hotel Corporation. Ang height ni Azalea ay around 5'2 with a chubby faces, if you look closely may tinatagong cute side. Short hair siya at nakasalamin.

"Kanina pa naka prepare. Kaylan tayo kikilos?" Sagot nito. Si aza and Ingrid ay umupo sa tapat ni president. Ang mga papel at gamit na dala dala ni Aza ay inilapag niya sa mesa.

"Wag tayo magmadali, may naisip nakong plano." Sagot ni Kiyo at kinuha niya ang papel na inilapag ni Aza.

"President, tawagin ko ba member ng gang ko?" Sabi ni Kurosaki.

"Wag muna, pagisipan ko muna." Sagot ni Kiyo.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" May sumigaw ng malakas. Na alarma sila Kiyo at sabay-sabay silang napatayo. Lumabas sila agad ng kwarto at hinanap ang pinaggalingan.

"Banda sa Clinic room!" Sabi ni Kurosaki habang tumatakbo papunta doon. Sumunod silang tumakbo at iniwan lahat ng kagamitan. Pag dating nila, nakita nila ang babae at hawak hawak niya ang uniform ng boys.

"Bakit merong pangalawang beses ngayong buwan? Kaylan lang ang last accident ah." Sabi ni Kurosaki.

"Mukhang active sila ngayon, it means kaylangan natin mag careful this month." Sabi Ingrid.

"Kurosaki, ikaw muna bahala dito. Aza, sumama ka sakanya. Samahan mo ko sa Announcement room, Ingrid." Wika ni kiyo. Nagmadaling maglakad ang dalawa paalis.

"Hi, ate. Anong name mo?" Tanong ni Kurosaki sa babaeng nakaupo habang umiiyak.

"Lara, 2nd year nurse student." Sagot nito at patuloy parin siya sa pagiyak.

"Okay kalang?" Nahihirapan si Kurosaki kasi di siya marunong mag comfort. Napatingin ang babae sakanya at napatulala.

"Kurosaki." Napabulong ito.

"Paano mo ako nakilala?" Tanong ni Kurosaki.

"Tanga kaba? Alam mo namang heartthrob ka sa Jungken University." Wika ni Aza na nanonood sakanila.

"Ano ba nangyari? Pwede mo bang i kwento saken?" Tugon ni Kurosaki sa babae.

"Kanina dumating itong si James, bandang 5:30am kasi nananakit yon paa niya. Sakto maaga ko kasi naka sched ako ngayong araw." Wika nito.

"Tapos, ano nangyari?" Tanong ni Kurosaki.

"Pinahiga ko muna siya sa bed and hinilot ko yon paa niya. Tapos sabi ko sakanya "mag c-cr muna ako." And then pag balik ko uniform nalang ang nakita ko dito." Wika nito habang nanginginig sa takot.

"Awts!" Napabigla si Kurosaki at napansin niya na kinagat siya ng langgam. Nakita niya ang mga langgam sa uniform ng studyante.

Biglang may tumapik sa likod ni Aza. Biglang napaatras si Aza at tumaas lahat ng balahibo niya. Sisigaw sana siya nang biglang...

"Ano pong problema?" Nagsalita yon tumapik sa likod ni Aza. Nakita ni Aza ang lalaki na nakasando at short lang.

"Bakit ka nakasando at short lang?!" Tanong ni Aza. We all know that in every schools, may rules na dapat naka complete uniform ang students.

Napatingin si Kurosaki at nagulat ang nurse.

"Siya po yon lalaki." Bigkas ng nurse. Sa gulat niya ay napatigil ang luha niya.

'natakot ako, akala ko may mawawala nanamang student sa school na ito.' isip ng nurse.

"Bakit ka naghubad?" Matinig na tanong ni Kurosaki.

"Vice pres, wag ka naman ganyan makatitig. Nakita mo po na puro langgam yon uniform ko kaya hinubad ko." Sagot nito.

"May tanong pako, san ka nagpunta?"

"Sa cr po. Pinunasan ko katawan ko ng towel na basa. Eto yon towel oh." Pinakita ng studyante ang towel na basa. Then may biglang naalala si Kurosaki.

"Aza, tumakbo ka ngayon sa Announcement room! Pigilan mo si pre- Napahinto si Kurosaki.

"ANNOUNCEMENT! MAY ISANG LALAKING MISSING NGAYON-NGAYON LANG. MAGSAMA SAMA ANG BAWAT ESTUDYANTE!"

"INUULIT KO! "ANNOUNCEMENT! MAY ISANG LALAKING MISSING NGAYON-NGAYON LANG. MAGSAMA SAMA ANG BAWAT ESTUDYANTE!"

Ang boses ni Kiyo ay rinig sa buong University. Nagpanic ang mga estudyanteng maagang pumasok at pumunta sa Covered Court ang iba sakanila.

"Patay!" Wika ni kurosaki at napakamot ng ulo. Tumingin siya sa lalaki.

"James name mo diba?" Tanong ni Kurosaki.

"Opo." Sagot ng kinakabahan na James.

"Lagot ka kay President. Magingat ka sa kamay niya" Sabi ni Kurosaki na parang alam niya na ang mangyayari. Maya-maya ay nagsidatingan na sila Aza at kasama niya ang dalawa.

Habang naglalakad sila ay pinaliwanag na ni Aza kay Kiyo ang mga nangyari.

Dahan-dahan naglakad si Kiyo papunta kay James at nakita ni James ang kamay ni Kiyo na humawak sa balikat niya.

"Magandang Umaga, mabuting magaaral. May punishment ka na 250 pesos. Pag di mo to nabayaran ay di ka pwedeng gumamit ng cr at ban ka sa canteen in a month." Sabi ni Kiyo ng mahinahon pero deep inside alam nila na galit siya.

'so ito pala yon sinasabi niyang magingat sa kamay.' napaisip si James habang humuhugot ng pera sa wallet niyang umiiyak.

'Ayos lang yan, kapatid. 250 lang yan, aken mahigit 5k ang nasingil saken ng kupal na yan.' naalala ni Kurosaki na winasak niya dati ang pinto ng isang classroom at pinagbayad siya ni Kiyo ng 5k.

"Okay, problem solve. Let's go to our room again!" Sabi ni Kiyo habang excited na naglalakad.

'mukha talaga siyang pera.' sabi ni Kurosaki sa isip isip niya.

The Mystery of Jungken UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon