Chapter 7: Akiya

3 0 0
                                    

Nasa labas ng cr ng boy ang apat na estudtante. Tanghaling tapat at walang estudyante na makikita sa university na ito.

"Sure kabang walang ibang students maliban satin?" Tanong ni Kurosaki.

"Tatlong beses mo ng tinanong yan, di ka ba nagsasawa kahit sawang-sawa na sayo yung tao?!" Naiinis na sabi ni Ingrid.

"Magaway pa kayo, ikukulong ko kayong dalawa sa banyo." Wika ni Kiyo habang nakatitig sakanilang dalawa.

Napatahimik yung dalawa, tas nagkatitigan ng masama.

"Akin na yung ink at papel." Sabi ni Kiyo at inabot sakanya ni Azalea ang mga gamit.

Nagsulat si Kiyo sa isang ¼ na papel, tinitignan ng tatlo ang sulat pero hindi nila alam ang lenggwahe.

"Anong lenggwahe yan?" Tanong ni Kurosaki kay Kiyo. Pero hindi sinagot ni Kiyo at patuloy siya sa pag gawa. Nagsulat si Kiyo ng pare-parehong sulat sa anim na papel.

"Tara na papasok tayo." Kiyo said. He put the paper in front of a door. He closed the door.

Nagtataka yung apat kung anong ginagawa ni Kiyo. Nilagay ni Kiyo ang papel sa 4 sided ng cr at biglang nag dilim ang paligid.

"Anong nangyayari?!" Nagulat silang tatlo at nag dikit-dikit habang nasa harap nila si Kiyo hawak ang isang papel.

"AAAARGH!!" May biglang babaeng lumabas sa pinakadulo na toilet room. Ang mga pinto ay sara at bukas. Nag turn off and on ang mga ilaw. Ang tubig ay umaagos sa lababo at patuloy sa pag flush ang toilet bowl.

"Patay, dagdag gastos nanaman school natin nito." Sabi ni Ingrid.

"Bat mo inaalala yun?! Tignan mo nasa harapan mo!" Sabi ni Kurosaki at merong babaeng teenager na itim lang ang mata. Nakatitig sakanila at nakangiti.

"Ang boring ng araw ko every walang pasok ang students. Buti nalang andito kayo." Sabi niya habang pinagmamasdan yung tao sa harap niya. Nakita niya ang takot ng tatlo pero nung nakita niya si Kiyo. Umangat bigla yung kilay niya.

"Sino ka?" Wika nitong multo.

"May sakit ka, papagalingin kita." Sabi ni Kiyo at naglakad siya palapit sa multo. Biglang kinabahan ang multo, gusto niyang tumakbo kaso hindi siya makatagos sa dingding.

"Anong ginawa mo?!!" Natakot ang multo at lumipad palapit kay Kiyo. Susuntukin niya sana si Kiyo nang biglang hinampas ni Kiyo ang dibdib nito. May papel na dumikit sa dibdib ng babae.

"Ano it- WAAAAAAAAAHH!" Hinawakan niya ang dibdib niya habang sumisigaw sa sakit. Yung tatlo nakatitig lang at hindi alam gagawin.

"Akin na yung tabo." Wika ni Kiyo. Binigay ni Azalea at biglang takbo si Azalea pabalik kala Kurosaki.

'Para silang tanga, nung nakaraan lang ang lakas ng loob nila labanan yun witch' wika ni Kiyo sa isip niya. Nilagyan niya ng tubig ang tabo. Nilagay niya sa harap ng babaeng sumisigaw.

Kiyo chant in his lips and his word feels like a strong wind. Hindi makagalaw yung multong lumilipad pati ang tatlo sa likod habang naririnig nila ang chant.

"The east is to the west, the north is to the south. Behold, the Power of God will descend!" Biglang kumidlat ang bawat paper and then kinidlatan yung multo. Nangisay at biglang sumuka yung multo.

Sumuka ng itim na something sa tabo at umuusok nung nahulog sa tubig. Na dissolve siya na parang asukal na nahulog sa tubig.

Nahulog ang multo sa sahig at walang malay. Nakatitig yung tatlong tao sa mga nangyari, hindi sila kumikibo.

"A-ayos naba?" Biglang nagtanong si Azalea.

"Yes, may curse kasi sakanya. I don't know kung sino naglagay." Sagot ni Kiyo at naglakad siya papalapit sa batang babae na nakahiga sa sahig.

"Curse? Ano yun?" Tanong ni Ingrid.

"Galing yun sa mga mangkukulam, black magician or pwedeng sa demonyo." Umupo si Kiyo sa harap ng multo.

"Pero mukhang mangkukulam lang ata or black magician. Kasi pag demonyo, mahihirapan ako mag erase ng curse sa dibdib niya." Sagot ni Kiyo at binuhat ni Kiyo ang multo. Nagulat yung tatlo, what Kiyo did is against to what the logic say.

"Paano mo nahahawakan yun multo?" Lumapit si Kurosaki at hinawakan niya yun kamay ng babaeng multo. Naramdaman niya yung kamay, namangha siya kaya kinurot niya yun pisngi.

"O-ouch." Dumilat ang mata ng multo at napansin niya sila Kiyo. Nakita niya na buhat buhat siya ni Kiyo.

"Ha!" Nagulat siya at tinulak niya palayo si Kiyo. Lumipad siya sa harap.

"Bakit ako andito?!" Tanong nito.

"Palagi kang andito, di mo alam?" Tugon ni Kurosaki habang nakatingin sa tangang bata.

"Nasa madilim akong lugar, hindi ko alam nangyayari. Nandun ako ng napakatagal at di ko na mabilang yun oras doon." Wika ng babae. Biglang lumipad ang multo palabas ng cr at lumipad sa pinaka taas. Hinabol nila kurosaki kaso napansin nila na hindi gumalaw si Kiyo.

"Pabayaan niyo muna siya, babalik din yan. Pumunta na tayo sa room." Wika ni Kiyo.

Lumipad siya pataas at nakatitig siya sa araw. Kahit na lumuluha dahil sa araw hindi niya pinipikit. Tumulo ang luha niya at pinunasan niya. Lumipad paikot ng university at pinagmasdan niya ang tanawin.

"Hindi ko aakalain na makakakita ulit ako ng araw." Sabi nito...

"Bakit mo pinakawalan, Pres?" Tanong ni Kurosaki.

"Basta, hahanapin tayo niya maya-maya." Sabi ni Kiyo.

"Sigurad-"

"Hoy!" Sabi ng multo.

"Mukhang napaaga ata yung pagrealize niya." Sabi ni Kiyo.

"Hindi ka makaalis?" Tanong ni Kiyo.

"Oo, para akong aso na nakakulong. Hindi ako pwede lumabas ng lugar na'to." Sabi ng multo.

"Anong pangalan mo?" Tanong ulit ni Kiyo.

"Ano naman gagawin mo sa pangalan ko?" Mataray na sabi ng multo.

"Gusto mo makulong sa isang kwarto?" Sabi ni Kiyo habang nakangiti sakanya.

"Syempre joke lang. Akiya, pangalan ko Akiya. Kayo?" Sabi ng multo.

"Kiyo"

"Ingrid"

"Azalea"

"Kurosaki"

"Okay, iikot ulit ako sa university. Balikan ko kayo pag may kaylangan ako." Sabi nito at tumagos sa pader. Namangha nalang sila Kurosaki.

"Ibig sabihin, may kampi tayong multo?" Sabi ni Ingrid.

"Ganun na nga, mas madami tayo. Mas maganda, hindi pa natin alam ang kalagayan ng leader and baka makahanap tayo ng info kay Akiya. I hope may alaala pa siya." Tugon ni Kiyo habang umiinom ng kape.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mystery of Jungken UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon