Chapter 6: Multo?

2 0 0
                                    

May dalawang magkaibigang babae na naglalakad sa hallway ng Jungken University.

"Narinig mo yon chismis?" Sabi ng isang babaeng may hawak na libro.

"Yon multong nagpapakita sa toilet ng boys?" tanong ng kaibigan niya sakanya.

"Oo, balita ko nananapak daw ng ulo yon." Sagot nung babaeng may libro.

"Kaya pala sa Jollibee umiihi yon ibang boys." Sabi nung isang babae habang tumatawa. Biglang nabunggo yon isang babae at nahulog ang libro niya. Dinampot nung lalaki at binigay sakanya.

"Ayos kalang?" Tugon nito habang nakangiti.

"K-kurosaki!" Nagulat yon babae at nagblush. Agad niyang kinuha ang libro sa kamay ni Kurosaki.

"Oo, ayos lang ako." Sagot nito habang nahihiya.

"Kung ganon mauna na kami." Wika ni Kurosaki at naglakad sila papaalis.

"Ang swerte mo, nabunggo mo si Kurosaki." Wika nung kaibigan niya sakanya habang naglalakad sila palayo kala kurosaki...

"Napakababaero mo, Kurosaki." Wika ni Ingrid.

"Manahimik ka diyan, wala lang nagkakagusto sayo." Sagot ni Kurosaki.

"Anong sabi mo?! kapal naman ng mukha mo, baka ipakita ko sayo mga lalaking nanliligaw saken." Napipikon na sabi nito.

"Wag na, baka wala akong makita."

"Sana masapak ka ng multo sa banyo." sumpa ni Ingrid kay Kurosaki.

"Btw, Kaylan natin aasikasuhin yon?" Tanong ni Kurosaki kay Kiyo.

"yon sa banyo ng boys?" Tanong ni Kiyo.

"Oo." Sagot ni Kurosaki.

"Pagusapan natin yan sa kwarto." Sabi ni Kurosaki.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Biglang may sumigaw. Nagulat sila Kurosaki.

"Ano yon?" Tanong ni Aza.

"Sa banyo banda yon sigaw." Sagot ni kurosaki, siya na ang naunang tumakbo. Naglabas siya ng baril at pinasok ang banyo.

Isa-isang binuksan ni Kurosaki ang bawat toilet room, nakita niya ang isang tulog na lalaki.

"May tao dito." Sabi ni Kurosaki kala kiyo na bagong dating lang. Inobserbaban nila ang katawan ng laaking nakaupo sa bowl.

"Ang weird." Sabi ni Azalea.

"Bakit?" Tanong naman ni Kurosaki.

"Nakahawak siya sa bayag niya." Sabay tinuro ni Azalea yun tinutukoy niya.

"Maraming haka-haka akong naririnig, totoo nga atang 'nananapak siya ng ulo'. Kaso yun sa baba." Tugon ni Ingrid habang nakangiti kay Kurosaki. Napansin niya ito at nakaramdam si kurosaki ng kaba.

"Anong binabalak mo, Malditang demonyita?" Tinanong agad siya ni Kurosaki.

"Wala naman, hehe" biglang umangat pa ngiti ni Ingrid.

"Subukan mo lang ako gawing labrat sa testing mo. Isasako kita tas papayakap kita sa 100 lalaki na may abs pero mabantot." Pagbanta ni Kurosaki.

"Tama na away, totoo ngang nananapak ng 'ulo' ang multo. Dalhin muna natin siya sa clinic and then tsaka natin siya kausapin." Biglang sumingit Kiyo sa pagtatalo nilang dalawa. Binuhat nila ang victim at hinintay nilang magising.

Napadilat ang mata niya at medyo blurred ang paningin pero napapansin niya ang mga taong nakatingin sakanya.

"O-ouch." Sabi nung victim at napahawak siya sa ulo.

"Nananakit ulo mo?" Tanong ni Kiyo.

"Yes, di ko maalala kung bakit ako andito." Tugon nito.

"Di mo alam habang natutulog ka, nakahawak ka sa bayag mo." Sabi ni Kurosaki.

"Pft" Napigilan tumawa ni Ingrid, kinurot niya sa likod si Kurosaki at tinitgnan ng masama.

'umayos ka!' parang alam ni kurosaki ang titig na yon. Napatahimik siya at biglang nagsalita si kiyo.

"Alam mo ba ang multong nasa toilet ng boys?" Tanong ni Kiyo. Biglang nanlaki yung mata ng lalaki, nanginig yung kamay niya.

"O-Oo, a-alam ko yon!"

"Naalala ko na, yung time na sumigaw ako. May babaeng bata ako nakita, mga 13-15 yrs old siya. Transparent yung katawan, nung time na yon naisip ko na totoo nga ang haka-haka. Sumigaw ako para malaman ng iba na totoo 'to." Tugon ng lalaki.

"Bigla akong sinapak sa bayag, tapos nauntog ng malakas ulo ko sa pintuan. Nawalan ako ng malay at napaupo sa toilet habang nakahawak sa bayag." Wika ng lalaki.

"Sige, salamat sa pakikipag cooperate." Sabi ni kiyo at iniwan nila ang lalaki para makapagpahinga.

"Paano natin mahuhuli yan?" Tanong ni Ingrid.

"Meron akong paraan, kaso kaylangan tayo lang makakaalam. Tsaka dapat walang studyante, baka kasi pumasok sa ibang katawan yung suspect at di natin mahuli." Sagot ni Kiyo.

"Anong plano?" Tanong ni kurosaki.

"Sabado, kaylangan ko ng ink. Isang tabo na may laman na tubig, papel at posporo o lighter." Sabi ni Kiyo at nagpunta na sila sakani-kanilang classroom.

The Mystery of Jungken UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon