Ito na ang update HAHAHA
---All of us stared at this only house that stands in the middle of nowhere. As in, mag-isa lang siya. Napapaligiran lamang ito ng mga puno at palayan. I don't even know if someone really lives here.
"Sigurado kayong dito? Baka mali ah. Patingin nga!" inagaw ni Axel ang papel na naglalaman ng address ng taong hinahanap namin. Sinuri ito ng maigi ni Axel at binali-baliktad. Itinaktak niya pa ito na para bang may mahuhulog sa kapirasong papel na iyon.
Namumutla siyang humarap sa amin. "Dito nga."
Sabay-sabay kaming napalunok dahil sa sinabi niya. I look at the house in front of me. It's really creepy! The walls are covered with moss and it look so damn old like it had been decades since someone lives here.
"I think we should go---"
"AHHH!"
Napasigaw kaming lahat---I mean kaming tatlo at pinakamatinis ang kay Axel---nang biglang bumukas ang pintuan at may lumabas na lalaki. He has this very deep and dark eye bags, a not-so-skinny body, a beard and mustache, a shoulder length hair, and a red eyes.
"Tara na!" Bulong sakin ni Veronica habang hinihila-hila ang damit ko.
"Anong kailangan niyo?"
I instantly want to laugh but I prevent myself in doing it. I also heard some snort on my behind and it looks like they are also suppressing their laughters.
Yes, this man's physical appearance is quite scary but the voice, It is so tiny! It is indeed, ' don't judge the book by its cover'
"If you let that out..." napalunok kami nang itinapat niya ang kanyang daliri sa kanyang leeg at tila ginigilitan ito habang seryoso at walang halong kasiyahan ang mukha.
Napatikhim si Gunner at inayos ang tindig.
"We came here with Gust Silvester's consent. He told me to give you this when we already found you," inabot ni Gunner ang nakasobreng letter sa lalaki. Tinanggap naman ito ng huli at napailing-iling.
"That man never change. Pasok."
Pagkatalikod na pagkatalikod niya ay sabay-sabay kaming nagkatinginang apat. Parang nagkaroon ng munting pag-uusap sa pagitan namin at sabay-sabay kaming napahalakhak. Halos mapagulong sa sahig si Axel at Veronica sa sobrang tawa habang ako ay tumatawa lang ng normal at si Gunner naman ay tumatawa ng mahina habang nakalagay ang likod ng palad sa bibig.
"Kung ayaw niyong pumasok magsilayas kayo dito!" Agad kaming napatigil sa pagtawa at nagkanya-kanyang ayos ng sarili.
Pagpasok namin ay agad kong sinuri ang loob ng kanyang bahay. It looks haunted on the outside but the inside is the total opposite of it. The wall is painted with white and the furniture's arrangement is very organized and it makes the place looks spacious. Well, this man seems to have a lot of surprises.
Nakita namin siyang naka-upo sa pang-isahang sofa habang nasa gitna ang isang parihabang mesa at katapat nito ang sofa na pangmaramihan.
"Speak." Nagkatinginan naman kami at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Hi?" Tila otomatiko ang kamay ni Veronica at agad na binatukan ng malakas si Axel dahil sa pagsasalita nito. Napa-irap naman ako at tinignan ng masama ni Gunner si Axel.
"Kapag hindi niyo sinabi kung ano ang kailangan niyo ay maaari na kayong umalis. Madami pa akong gagawin at sinasayang niyo ang oras ko." Akma siyang tatayo ngunit agad siyang nahawakan ni Gunner sa braso.
"I'm sorry, Sir. But we don't know exactly why my father sent us off here. He just mention something like training and being an extraordinary detectives."
BINABASA MO ANG
Extraordinary Detectives
Mystery / ThrillerDo you enjoy reading mysteries, chapters with crimes, solving codes and ciphers and capturing the culprit? Or let us say you want to be a DETECTIVE? Then this story of mine will suit you well. This is not your ordinary detective story. Enjoy!