UMIIKOT ANG munting elisi mula sa maliit na kwarto na ‘to pero pawis na pawis pa rin si Agosto. Nanginginig ang mga paa niya na nasa ilalim ng lamesa saka niya pinunasan ang pawis na unti-unting tumutulo mula sa noo niya. Iniisip niya kung ano ang hatol ng taong-bayan pati na rin ng mga nakakataas sa kaso niya.
Masakit para sa kan’ya dahil unang-una, wala siyang ginawa. Napagbintangan lamang siya noon dahil siya ‘yung naabutan at may mga nakita ring ebidenya sa katawan niya na labis niyang ipinagtaka pero wala siyang nagawa. Humingi na lamang siya ng tulong sa abogado na binigay sa kan’ya pero sa kasamaang palad, natalo siya dahil sapat na ebidensya ang mga nakuha sa kan’ya noong gabing ‘yon para masabing siya ang may sala.
Nasa visiting area siya ngayon, hinihintay ang kaibigan niya na kasalukuyan ding tumutulong sa kaso niya. Pinagtitinginan siya ng lahat pero wala siyang magawa, kahit anong gawin niya, madumi na ang tingin sa kan’ya ng lahat lalo na ng mga pamilya niya maliban sa anak niyang nangangarap maging abogado sa hinaharap.
Napatingin siya sa pintuan nang pumasok na si Lucas— ang kaibigan niya, dala ang iilang pagkain na nakabalot sa plastic at mga inumin. Ngumiti naman ‘to sa mga pulis na nagbabantay saka siya dumiretso kay Agosto na nakaupo’t naghihintay sa pagdating ni Lucas.
“Kamusta, pre?” bungad ni Lucas nang makarating siya sa pwesto ni Agosto. Ngumiti nang pilit si Agosto kahit na hirap na hirap siya, “Heto, kinakabaha—“
“Hahatulan ka raw ng kamatayan bilang kabayaran sa pagpatay mo.” biglaang saad ni Lucas kay Agosto, hindi man lang pinatapos ang mga gustong sabihin ni Agosto.
Nanlaki naman ang mga mata ni Agosto saka napakunot ang mga noo niya, “Teka? A—Ano? Ganoon na ba kasapat ‘yung mga ebidensyang nakuha mula sa ‘kin? E ni hindi ko nga alam ‘yon. Nadawit l—“
Pinatong ni Lucas ang kamay niya sa balikat ni Agosto, “Pre. Kalma.”
Huminga nang malalim si Agosto, “Anong klaseng batas yan? Kung totoo ngang ako ‘yung pumatay, pwes mas halimaw sila kasi namamanipula nila lahat ng bagay para magmukha lang silang tama.”
×

BINABASA MO ANG
The Penalty | Hiatus
BeletrieImagine a new Philippines- a new Philippines where death penalty is legal and a punishment for your sin.