Kabanata 2

21 1 10
                                    

ANG TINATAKASANG
NAKARAAN

“HINDI KA na gagaling d’yan! Gayahin mo si Kuya Quent mo! Bata pa lang, may pangarap na! Bobo!”

Napaupo si VP Ogbinar mula sa pagkakahimbing nang magising siya mula sa bangungot. Isa ‘yon sa mga ayaw na niyang marinig— isa sa mga tinatakasan niya na hanggang ngayon ay tinatakasan pa rin niya. Bumuntong-hininga siya saka niya pinagmasdan ang oras. Alas dos y media palang ng madaling-araw. Wala pang araw o kahit sinong gising.

Tumayo si VP Ogbinar para bumaba sa kusina nila para kumuha ng isang baso ng tubig na maiinom. Malakas ang hangin na ibinubuga ng aircon pero pawis na pawis siya mula sa bangungot kanina.

Nang makarating siya sa refrigerator, ngumisi siya nang makita ang papel na nakadikit sa ref. Doon nakadikit sa papel ang isa sa mga gagawin niya mamayang tanghali kapag dilat na ang araw pero sa tingin niya’y ‘di pa oras para doon kaya tinanggal niya ang papel mula sa pagkakadikit sa ref saka ‘to tinapon sa basurahan.

Kumuha siya ng tubig at baso saka siya uminom. Nang matapos siyang uminom, napahinga siya nang malalim. Para siyang galing sa nakakapagod na triathlon at hingal na hingal siya.

“Bakit ba ‘di ko makalimutan ‘yon?”

×

RINIG SA buong bayan ang ingay ng sirena ng ambulansya. Nababahala’t puno ng takot ang mga tao nang marinig ang umuugong na ingay nito. Sa gitna ng mapayapang gabi, umingay ang buong bayan. Nagising ang mag-asawang sila Agosto’t Rose pati na rin ang anak nilang si Blindo nang makarinig ng ilang mga katok sa bahay nila.

Agad na tumayo mula sa pagkakahiga si Rose at binuksan ang pintuan ng bahay nila. Bumungad sa kan’ya ang nag-aalalang itsura ni Lucas— kaibigan ni Agosto. Nagulat si Rose sa itsura ng kumpare saka tumingin sa likod si Lucas para hanapin si Agosto, “Pre!” bungad ni Lucas kay Agosto.

Kinusot-kusot ni Agosto ang mapupungay niyang mata na kagagaling lang sa mahimbing na sanang tulog. Napakunot ang noo niya nang makita ang kaibigan na pawis na pawis, “Anong problema?” tanong ni Agosto kay Lucas saka siya tumayo mula sa pagkakahiga. Nang tumayo si Agosto, lumapit naman si Rose sa anak niyang si Blindo na napagdesisyunang ipagpatuloy ang pagtulog.

“Si Ate Melda, inaatake na naman!” tugon ni Lucas. Nanlaki ang mga mata ni Agosto saka siya nag-ayos ng sarili. Pagkatapos niya mag-ayos, lumapit siya sa asawa saka niya ‘to binigyan ng halik sa noo. Tumango naman si Rose bilang tugon.

Sabay na lumabas ng bahay si Lucas at Agosto habang bitbit ang espesyal na langis na nanggaling pa sa lola ni Agosto ang mga sangkap at paraan ng paggawa.

Agad na dumiretso si Lucas at Agosto sa bahay nila Lucas kung nasaan si Ate Melda— pinsan ni Lucas.

Napapaligiran ng mga tao ang buong bahay nila Lucas kaya nahirapan sila makapasok pero nang makita nila si Agosto, agad silang nagbigay-daan. Alam kasi nilang si Agosto lang ang makakatulong kay Melda na nahihirapan na naman ngayon.

May kakaibang sakit si Melda. Sinubukan siyang dalhin sa doctor pero wala silang makitang kahit ano kaya naisip nila na pinaglalaruan o sinasapian ng kung anong elemento si Melda pero ‘di ‘yon ang tingin ni Agosto at ni Lucas. Magmula nang bata si Melda ay nakakaramdam na siya ng paninikip ng dibdib niya saka biglaang paglabo ng paningin, pagkahilo at pagkawala ng malay at kapag nangyari ‘yon, umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw bago siya magising.

Lumapit si Agosto sa walang malay na si Melda saka niya binuka ang bibig ni Melda at pinatakan niya ng espesyal na langis ang dila niya at wala pang isang minuto, nagising at nagkaroon na ng malay si Melda!

Matagal nang ginagawa ni Agosto 'yung gawain na 'yon para kay Melda at para sa ibang tao na nangangailangan. Minsan gigisingin siya ng madaling araw— tulad ngayon, para tulungan at salubungin 'yung sumpong ni Melda. Mahirap, oo pero tulad nga ng kadalasang sinasabi ni Agosto, Buhay 'yon e, walang kailangang bayaran.

Bakas ang tuwa sa mukha ng lahat lalo na kay Lucas na matalik na kaibigan ni Agosto.  Inakbayan ni Lucas si Agosto saka niya ‘to inayang lumabas saglit para manigarilyo bilang pasasalamat kahit papaano.

Dinukot ni Lucas sa bulsa niya ang dalawang stick ng sigarilyo saka niya iniabot ang isa kay Agosto. Tinanggap naman ‘to ni Agosto saka sila sabay na nanigarilyo habang nakamasid sa madilim na kalangitan.

“Salamat talaga pre, ha?” panimula ni Lucas saka siya tumingin kay Agosto. Ngumisi naman si Agosto saka niya ibinuga ang usok ng sigarilyo na hinihithit niya, “Ano ka ba? Wala ‘yun! Matagal ko na rin namang ginagawa ‘yon. Para ka namang naninibago!” sagot ni Agosto.

Napangiti si Lucas na may halong ngisi, “‘Yun na nga e! Matagal mo nang ginagawa pero wala pa rin kaming nagagawa para sa ‘yo,” tugon ni Lucas.

Pinatong ni Agosto kay Lucas ang kamay niya saka niya itinapon ang upos ng sigarilyo, “Wala ka namang kailangang bayaran. Buhay ‘yon, walang kailangang bayaran.” saad niya.

Tinapon din ni Lucas ang huling upos ng sigarilyo niya saka siya ngumisi, “Hindi pre. Basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami— lalo na ako. Ayos ba?” ani Lucas. Napatawa naman si Agosto sa tinuran ng kaibigan, “Drama mo ngayon ah. Ano nakain mo?” natatawang tanong ni Agosto kay Lucas.

Sinuntok naman ni Lucas nang marahan ang braso ni Agosto, “Loko! Basta kapag kailangan mo ng tulong ha? Sige, uwi ka na. Hinahanap ka na ng misis mo.” pabalik na saad ni Lucas.

Ngumiti si Agosto, “Tropa?” tanong ni Agosto saka niya inilahad ang kamay niya kay Lucas. Gumanti din ng ngiti si Lucas, “Tropa.” sagot ni Lucas saka niya sinalubong ang kamay ni Agosto.



×

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Penalty | HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon