ANG KASALUKUYAN
NG INANG BAYANSUMIPOL SI Boy Kano kasama ang ilan sa mga kasamahan niya nang dumaan si Rona— ang tinaguriang bayarang babae sa lugar nila. Nakasuot si Rona ng pulang sando na pinaresan niya ng maikling short na halos makita na ang singit niya. Ngumisi naman si Rona nang makitang nakatuon sa kan’ya ang atensyon ni Boy Kano.
May itsura kasi si Boy Kano kaya kung sino man ang magustuhan nito ay paniguradong bibigay dahil may lahi tong amerikano. Rumampa naman si Rona papunta sa talipapa habang nakatuwad para magpakitang-gilas kay Boy Kano.
“Sexy talaga ni Rona, pre,” saad ni Joel. Isa siya sa mga kasamahan ni Boy Kano o Froilan sa kalakalan nila ng droga dito sa munting syudad ng Pelaez. Ngumisi naman si Froilan saka niya binasa ang labi gamit ang dila habang nakatingin pa rin kay Rona, “Sinabi mo pa. Kung ‘di lang ‘yan nakikipag-siping sa iba’t-ibang lalaki gabi-gabi, malamang may anak na kami n’yan.” sagot ni Froilan kay Joel.
Bumuntong-hininga si Froilan saka siya tumalikod mula sa mga bata niya saka siya naglakad, “Halika na. Hinihintay na tayo nila Boss Kenneth.” saad ni Froilan. Sumunod ang mga bata niya sa kanila.
Dumiretso sila sa eskinita kung saan nakatago ang nasabing hideout nila. ‘Di masyadong dinadaanan ang parte ng kalsada na ‘to kaya madali lang para sa kanila na magtago. Isa pa, may kapit sila sa itaas tulad ni Bise Presidente Roi Ogbinar. Isa siya sa kilala sa larangan ng politika dahil nga bise presidente siya ng buong bansa. Madumi siya gumalaw kaya kahit malabo ang tsansa niya para manalo, inutusan niya si Kenneth at inutusan naman ni Kenneth sila Froilan para dayain ang eleksyon at nagawa naman nila.
Sinalubong sila ng iilang gwardya saka sila ininspeksyon ng mga gwardya kung may dala silang mga kahit ano na labag sa batas ng samahan nila.
Nang masigurong wala siyang dala na kahit anong ikapapahamak nila, tumango ang gwardya saka sila pinapasok. Mabaho at abandonado ang lugar. Sira-sira ang dingding, puno ng mga sulat sa bawat bahagi ng gusali at kung iisipin, parang nanggaling sa ikalawang digmaan ang gusali.
Tumingin-tingin sila Froilan at ang mga bata niya sa paligid para makita si Kenneth at nang makita nila ‘to, ngumisi si Froilan, “Bagong trabaho, boss?” tanong ni Froilan habang abot sa magkabilaang pisngi ang ngiti niya.
Ngumisi rin si Kenneth saka niya inabot ang litrato ng isang lalaking nakasuot ng sleeveless shirt habang buhat ang isang kumpol ng mga bakal sa balikat nito.
“Kilala niyo ba ‘yan?” tanong ni Kenneth sa mga alagad niya. Napakunot ang noo ni Froilan habang tinitingnan ang litrato, “Hindi, boss. Sino ba ‘tong kumag na ‘to?” natatawang tanong ni Froilan na ikinatawa rin ng mga alagad niya.
Lumapit si Kenneth kay Froilan habang nakapasok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay hawak ang sigarilyong hinihithit niya bago dumating sila Froilan.
Nang makarating si Kenneth sa pwesto nila Froilan, ngumisi si Kenneth saka niya itinapon ang upos ng sigarilyo sa gilid, “‘Yan si Agosto Jemison Yadani. Sa totoo lang, ‘di naman natin dapat papakialaman ‘yan pero sabi ni Bise Presidente Ogbinar, dapat,” panimula ni Kenneth na may halong pagiging sarkastiko.
“Nitong nakaraan kasi, pumunta si VP Ogbinar sa kabilang bayan kasama ang nga alipores niya. Nagkataon naman na nandoon rin ‘yang Agosto na ‘yan kasama ang asawa niyang si Rose. Nang makita nila si VP Ogbinar, agad na nag-amok na parang bata ‘tong si Agosto saka niya sinabihan ng kung anu-ano si VP Ogbinar,” dagdag ni Kenneth. Huminga siya nang malalim bago muling nagpatuloy, “E sa duwag ‘tong Ogbinar na ‘to kasi baka mailabas mga baho niya kaya naisipan niya na sa lalong madaling panahon, dapat wala na siya.” pagtatapos ni Kenneth. Ngumisi naman siya muli saka niya pinasok ang kamay sa bulsa saka kinuha ang isang litrato.
Inabot niya ‘to kay Froilan at nang makita naman ‘to ni Froilan, napangiti siya nang abot sa kabilaang tainga. Litrato ‘yon ng isang babaeng nakabestida nang mahaba ngunit labas na labas pa rin ang ganda at kaputian sa suot nito.
“Sino ‘to, boss? Chicks ah.” komento ni Froilan kay Kenneth. Ngumiti si Kenneth, “‘Yan naman si Rose. Ang plano sana ni VP ay ‘di na sana idamay ‘yan pero dahil nga sa dakilang duwag si Ogbinar, ipapatumba na rin niya. Mahirap, oo pero kaya niyo ba?”
Napangiwi naman si Froilan pati na rin ang ilan niyang mga kasamahan nang malaman kung anong gagawin. Dati puro pagnanakaw lang ang mga pinapagawa sa kanila ni VP Ogbinar pero ngayon, iba na. Pumapatay na rin sila para sa pera.
“Sige, call.”
×
PINUNASAN NI Agosto ang pawis na umaagos mula sa noo niya saka siya napangiti nang makita ang asawang papalapit dala ang mga pagkaing ihahain nila ngayon. Pagkatapos ng nangyari kanina, kailangan nilang mapuno muli.
“Si Bise Presidente Ogbinar!” saad ng mga tao na nasa bayan nang makitang paparating si VP Ogbinar sakay ang puting van nito. Nang marinig ‘to ni Agosto, napangiwi siya lalo na nang makitang kumakaway pa si VP Ogbinar sa mga tao. Isa kasi si VP Ogbinar sa mga pumayag na maisabatas ang Death Penalty bilang kaparusahan sa mga nagkakasala. Naalala pa niya ang mga sinabi nito nang hingin siya ng opinyon tungkol sa nasabing batas, “Walang hahatulan ng kamatayan kung walang gagawa ng kasalanan.” sagot noon ni VP Ogbinar sa press.
Lumabas mula sa puting van si VP Ogbinar kasunod nito ang mga bodyguard niya na nasa likod niya lagi. Sa totoo lang, kung walang dalang bodyguard si VP Ogbinar ngayon, malamang kanina pa 'to nasugod ni Agosto.
“Kamusta naman kayo mga kaibigan?” bati ni VP Ogbinar sa taong-bayan. Naghiyawan at nagsigawan naman ang mga tao na nakakakita kay VP Ogbinar ngayon habang si Agosto pati na rin ang asawa niyang si Rose ay napipilitan na makihalo sa madla dahil pinilit sila ng anak nilang si Blindo.
Bata pa lamang si Blindo, gusto na niya maging bahagi ng politika at iniidolo nito si VP Ogbinar pero sa tingin ni Agosto ay kawawa si Blindo dahil sa murang edad, mali na ang hinahangaan niyang personalidad.
“Nandito ka ba para lasunin mga utak namin?” tanong ni Agosto na ikinatigil ng lahat. Napatahimik ang lahat pati na rin ang Bise Presidente mismo. Napanganga si VP Ogbinar sa narinig, “Pardon?” tugon ni VP Ogbinar kay Agosto.
Nanatiling kalmado si VP Ogbinar pero sa loob-loob niya'y kabadong-kabado siya dahil baka may alam si Agosto sa mga kalakalan niya habang si Agosto at ang pamilya niya at tumalikod na at umuwi.
“Huwag mo na uulitin ‘yon ha? Mapapahamak ka pa eh.” bungad ni Rose kay Agosto nang makaupo ito sa harap ng hapagkainan.
Gabi na at pikit na ang araw habang dilat na dilat naman ang buwan para sa panibagong dilim, “Totoo naman ‘yung sinabi ko ah? Alam naman ng karamihan na may bahid ng dumi ‘yung kumag na ‘yon pero nagbubulag-bulagan pa rin sil—“
Bumuntong-hininga si Rose saka niya hinimas ang likod ni Agosto, “Hindi lahat ng laban, nilalabanan.”
×

BINABASA MO ANG
The Penalty | Hiatus
Ficção GeralImagine a new Philippines- a new Philippines where death penalty is legal and a punishment for your sin.