Simula

21 3 0
                                    

***
PRESENT TIME

"I am certain on disclosing the case," wala sa sarili kong binalingan si Atty. Carvajal at tipid na tumango. Nasa van kami ngayon at hinihintay na paalisin ang media reporters sa labas.

Halos manginig ako sa kaba, nagkakaguluhan na ang mga tao at iilan pang ka anak ni Reign. Alam kong kinamumuhian ako ng mga fans ni Reign, lalo't ako ang idinidiin nilang pumatay sa kanya.

I never imagined this day would come. I am Nikkola Eliza Montenegro, the goddess of Asia. The Queen of Philippine Drama, the well-known actress. Not a killer but a victim of frame-up and humiliation.

"I'm innocent. Kailangan nilang malaman iyon, even Reign knows that I'm innocent and also a victim here." sabi ko habang pilit na pinapalakas ang aking loob.

Ngayon ang isinagawang hearing namin sa korte para sa kaso ng pagkamatay ni Reign Rivera-- who's known to be my rival in the industry.

"Miss Nikole... Lalabas ang katotohanan," sabi ni Lily, ang personal assistant ko. Nasa front seat naman si Andres, ang isa ko pang tapat na assistant at nagtama ang aming mga mata.

"Alam naming lahat na wala kang kasalanan."

Tipid ko silang nginitian. "Salamat,"

Sila lamang ang kasa kasama ko sa loob ng ilang taon. Mas naging pamilya ko pa sila kaysa kay Mama, na walang ibang ginawa kung hindi ang ubusin ang laman ng bank account ko.

"Lily... Natawagan mo na ba si mama?" tanong ko rito. High tinted ang van pero nakikita ko parin ang pag-dumog ng mga tao malapit dito at  iilang mga ingay at protesta sa labas.

Sinubukan kong idikit ang aking mga mata sa glass window ngunit nabigla ako sa itlog na nabasag, napaatras kaagad ako sa aking kinauupuan. Lahat kami ay nabigla dahil dalawa pang magkasunod ang nabasag sa salamin ng sasakyan.

"Ang sasama talaga nila! Can we sue them attorney?" gigil na tanong ni Andres. Tumango si Attorney at magpapaliwanag na sana pero agad pinigilan ko siya.

"H'wag na natin silang pansinin. Lily tawagan mo nga Danver
Itanong mo kung naka-usap naba ang opisyal sa loob. Hindi tayo makakapasok, I need an emcee..." sabi ko sa seryosong tinig.

Inayos ko ang aking make up dahil ayaw kong mag mukhang kaawa-awa sa harap nila. Well... I'm good at this, besides I am an actress.

Napalingon ako sa kanila ng sabay-sabay silang humagikgik. Nangunot ang noo ko.

"What the hell is funny?" I asked.

Napailing si Attorney at napasinghap naman sina Lily at Andres.

"Miss Nikole, escort yun hindi emcee." loading pa ako ng ilang segundo. Agad napatakip ako ng bibig at napalunok sa hiya, umayos ako ng upo at ipinagsawalang bahala na lamang ito.

Tatlong katok mula sa window ay hudyat na iyon na pwede na kaming lumabas. Bumuntong-hinga ako at saka tumango sa kanila.

"Susunod na lang daw po si Madam Heart, miss Nikole." mahinang bulong ni Lily. Napatango na lamang ako. At the time like this, she wasn't beside me. Holding my hands and cheer me up. I dismissed the thoughts right away.

Unti-unti nang binuksan ni Andres ang sasakyan at halos mabingi ako sa ingay na nasa labas. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay halos dumugin na ako.

Inabot ni Lily ang aking aviators. "Thank you, Lily." tumango siya at inalalayan ako pababa ng sasakyan.

"Mamamatay tao ka! Dapat sayo mabulok na sa kulungan!"

PENUMBRA: The Sun Embracing the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon