Poetry#3: Pagsuko

54 30 5
                                    

''PAGSUKO''
By:_Eyren_

Sa sobrang pagmamahal ko sayo kinalimutan ko na yung sarili ko..
Akala ko kasi mas sasaya ako kung ibabalik natin yung dating tayo..

Pero nagkamali ako.. ilang beses kitang pinatawad
Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon ..
sa kabila ng sakit na talagang bumabaon..

Gusto kong tuparin ang kaisa isahang pangako ko sayo..
Yun ay ang di ako bibitaw sa salitang tayo

Na kahit gaano pa kasakit ang pinapadama mo..
Andidito lng ako magpapakatanga sayo

Tama na nakaksakit kna..
Di mo ba alam na akoy durog na durog na?

Pero pilit ko paring nilalabanan lahat
Kasi di ako tulad mo na bumibitaw agad

Mahal na mahal kita pero tama na
Masakit man saakin ay papalayain na kita

Kasi para saan pa ang ating pagsasama?
Kung parati mo akong iniiwan at pinapaluha ng mag isa..

Ipaglalaban kita hanggat sa kaya ko.. pero hanggang dito na lang ata ang hangganan ng sakit na kaya ko

Hanggang dito na lang ata ang pagtitiis ko
Pasensya pero sumusuko na ako...


Compilation of My Love Poems (#F&S Competition)Where stories live. Discover now