Poetry#1: Hindi Na

68 34 3
                                    

"HINDI NA"
By: _Eyren_


Heto na naman ako

Umiiyak sa sulok ng aking kwarto

Iniisip kung ano ba talaga tayo

Kasi pakiramdam ko

Napipilitan ka lang sa isang tulad ko

Mali ba ang magselos?

Mali ba ang magtampo?

Ehh sa ito yung nararamdaman ko

Kasi natatakot ako na iwanan mo

Nakakatawa lang isipin

Na sa halip na iyong suyuin

Pinabayaan mo akong may kirot sa damdamin

Sinubukan kong balewalain

Ang panlalamig mo saakin

Pero natiis mo ako

Kasi hindi naman talaga ako ang mahal mo

Ako naman 'tong si Tanga

Umaasa na nagsisinungaling ka

Umaasa na ako pa

Kahit alam kong hindi na.. wala na ..

At tapos na ang namamagitan sating dal'wa

Compilation of My Love Poems (#F&S Competition)Where stories live. Discover now