Poetry#6: Kung maibabalik ko lang

33 23 1
                                    

By:_Eyren_

Kung maibabalik ko lang yung panahong

Ikaw at ako malayo sa mapanghusgang mundo

Kung maibabalik ko lang yung panahong mahal mo pa ako

Kung maibabalik ko lang yung panahong masaya ako sa piling mo

Hihilingin kong huwag ng matapos ang lahat ng ito

Nagsimula tayo kilig at saya

Meron ring tampuhan at bangayan diba?

Ngunit pinangako natin sa isa't isa

Na hanggang dulo tayo pa ring dalawa.

Ngunit nasaan na ang iyong pangako?

Nasaan ka nung ako'y humikbi at nalulungkot?

Nasaan ka nung panahong kaylangan kita?

Hayun nasa kaibigan kita diba?

Kaibigang pinagkatiwalaan ko

Kaibigang akala ko'y totoo

Kaibigang tinuring kong kapatid ko

Pero sa huli kaibigang tatraydurin ako

Ano ba ang wala saakin?

Na nasa kanya at nais mong hanap hanapin

Kung ganda lang paguusapan talo ako

Pasensya na kung minahal ka ng isang panget na gaya ko

Inintindi kita kasi pareho tayong babae

Pero hindi naman at iyong rason para ako'y lumuha ng balde

Sana naman ako'y iyong pahalagahan

Bago ako sayo'y tuluyang mawalan ng pakialam

Kung maibabalik ko lang lahat

Pipilitin kong saati'y wag magkaroon ng lamat

Dahil sa bawat segundong ika'y malayo saakin

Puso ko'y puno ng hapdi at pasanin.





Compilation of My Love Poems (#F&S Competition)Where stories live. Discover now