Prologue

14 3 0
                                    

Once in a while right in a middle of an ordinary life, love gives us a fairytale. Blood alones moves the wheels of history.

“Tttttaaaaaakkbbboooooooooooooo” ito ang hudyat na inaantay naming marinig, ang hudyat ng kalayaan.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalayo ako sa laboratoryong pinanggalingan ko. Tagaktak na aking pawis at tila mauubusan narin ako ng hininga. Nagtago ako sa isang malaking puno at umaasang walang makakakita saakin.

“Uno lumabas ka riyan, wag ka mag alala hindi ka nanamin sasaktan pang muli” sigaw iyon na nanggagaling sa taong naka uniporme galing laboratory.

Nanatili ako sa aking kinalalagyan, iniisip ko kung nasaan na si Dos at Tres, sa halos benteng mga bata kaming tatlo lang ang natira sa eksperimento. Hindi ko rin alam ang tunay nilang pangalan dahil name code ang maari kong itawag sa kanila.

Si Dr. Alejandro Stasio ang pinuno ng eksperimento, exceptional ang kaniyang katalinuhan pag dating sa siyensya.

Masakit ang pinag daanan ko sa loob ng laboratoryo, hindi ko na mabilang pa kung ilang beses pa ba ako sumalang sa mga test, kung ilang serum na ba ang naiturok saakin. Ang huling sabi sakin ni Nurse Maureen ay tagumpay ang eksperimento sakin ni Dr. Alejandro.

Sa loob ng dalawang taon ko sa laboratoryo nasanay ko na ang pag gamit ko sa aking espesyal na abilidad.

I was an ordinary child not until I discover myself extra-ordinary. I can read and erase peoples mind. Nadiskubre ko rin na kaya kong Makita ang nakaraan ng bagay at tao sa pamamagitan lamang ng physical contact.

I’m “Uno” Hiraya De Villa, the first human living experiment.

Hiraya: Touch of Nostalgia Book 1 (On Going)Where stories live. Discover now