Hiraya's POV (continuation to flashbacks)
Nagising ako sa impit na tunog ng pintuan sa aming silid. Tuluyan ding nagising sa aking tabi si Tres. Sinusundo na ako ni nurse Maureen upang dalhin sa testing room kung saan gaganapin ang huli kong serum injection at ability evaluation.
Hawak ko sa aking kanang kamay si nurse Maureen. Nanginginig ako, kinakabahan ako at malamig na ang pag tulo ng aking pawis. Pinagsawalang bahala ko ito para palakasin ang aking kalooban
Andito ako ngayon sa testing room, isang transparent na salamin ang naghihiwalay samin ni Dr. Alejandro. Hawak nya ang mga dokumento at resluta ng aking mga nakaraang test.
Pilit nila akong pinaupo sa di makinang upuan, itinali nila ako upang masiguradong hindi ako makakatakas. Isang turok ng serum ang natanggap ko mula sa tauhan ni Dr. Alejandro. Ramdam ko ang sakit ng pagbaon sakin ng napaka habang karayom kasabay ng pag tagas ng serum sa aking katawan ay sya ring kasabay ng pakawalan ko ang aking sigaw at luha dulot ng sakit sa aking katawan.
"Aggghhhhhhhhhhhhh tamaaaaaaaa naaaaaaaaa" hingi ko ng tulong sa kanila ngunit tila wala silang naririnig
Nagwawala ako at umiiyak sa na nakahiga sa espesyal na upuan, hindi ako makawala. Hindi ako makawala mula sa sakit na aking nararamdaman. Parang hindi matatapos ang sakit na nararamdamn ko ng panahong iyon.
Subalit nag iba ang lahat, dumilim ang aking paningin at tuluyan akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang buhos ng malamig na tubig mula sa taong naka uniporme, tauhan ito ni Dr. Alejandro
" The experiment was successful Uno. You really are special that's why tinawag ka naming Uno. Because you are above everyone"
"Nasan si Dos at Tres?" pagiiba ko sa usapan
"Ipakita mo sakin ang iyong abilidad Uno at ipapakita ko sayo kung nasaan si Dos at Tres" hamon sakin ni Dr. Alejandro
Pumasok sa testing room ang isang babae naka uniporme din ito tulad ng mga tauhan ni dr. Alejandro.
"Subukan mo sa kanya ang iyong abilidad Uno"
Hinawakan ko ang balikat ng babae. Nakita ko ang kaniyang nakaraan.
"Dr. Alejandro nakita ko ang kaniyang nakaraan isa syang dating top assassin sa buong asia" pag papakitang gilas ko
"Ano pa ang kaya mong gawin Uno, alam kong may higit ka pang kayang gawin" hamon muli ng doctor saakin
"Nababasa ko ang iniisip nya, at kaya ko ring burahin lahat mg memorya nya o anumang memorya ang nais kong burahin mula sa kanya" tugon ko kay Dr. Alejandro
"Magaling Uno, ngayon nais kong ilipat mo saakin ang iyong abilidad ng sa ganon ay wala ng makatatalo pa sa akin at ako na ang magiging pinaka makapangyarihang tao sa mundo" utos sakin ni Dr. Alejandro
"Nasaan si Dos at Tres" naiiyak kong sambit
"Wala na sila Uno! Hindi nila nakayanan ang serum, mahina sila hindi kagaya mo" tila wala na akong sunod pang narinig matapos nyang sambitim ang mga salitang iyon.
"Hindi yan totoo, aghhhhhhhhh" sigaw kong pabalik sa kaniya. Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagkawala ng kuryente sa buong laboratoryo. Alam kong kagagawan ito ni Dos at Tres dahil dito lumakas ang loob ko.
"Taaaaaakkkkkkboooooooo" rinig kong hiyaw ni nurse Maureen, hudyat iyon na tuloy ang plano ng aming pagtakas, ngunit asan si Dos at Tres.
Lumabas ako ng silid at patuloy na tumakbo. Nasa pinaka mataas na silid ang testing room, kaya dapat bumaba ako ng building upang makaalis ako rito.
Nakita ko sa ikalawang palapag si Dos walang malay, mukahang dahil ito sa lubos na paggamit nya ng kanyang abilidad. Pilit ko syang binubuhat ngunit hindi na kaya ng aking katawan na bunatin pa sya. Marami na ring parating na tauhan ni Dr. Alejandro sigurado akong mahuhuli nila kami sa gantong sitwasyon.
Patuloy ako sa pagbunat kay Dos ngunit nadatnan na kami ng mga tauhan ni dr. Alejandro. Nagising si Dos, may kakayahan si Dos na pagalawin ang anumang bagay at alam kong gagamitin nya iyon.
"Dos wag mong gawin ito"
"Ito lang ang tanging paraan para makaligtas ka Uno"
"Hindi, hindi ako papayag, lahat tayo makakaalis ng buhay dito" umiiyak kong tugon kay Dos
"Wag ka ng makulit Uno! Mahal ka kita mahal ka ni Dos tandaan mo iyan" pagkatapos nyang bitawan ang mga salitang iyon ay ang pagtulak nya saakin upang hindi ako madaganan ng gumuguhong gusali, ginamit nya ang kanyang abilidad upang mapaguho ang gusali sa kasabay ng paglibing ng buhay tauhan ni dr. Alejandro ay ang pagkawala ni Dos."
YOU ARE READING
Hiraya: Touch of Nostalgia Book 1 (On Going)
Science FictionLook back form PAST, Fight the PRESENT, and Predict the FUTURE. Time travel with Hiraya the Journey to the Perfect Time.