Chapter 3: Tres the saviour

5 0 0
                                    

Hiraya's POV (continuation of flashbacks)

Patuloy ako sa pagtakbo, malapit ko ng marating ang gate, malapit na akong makalaya ngunit hindi ko kasama si Dos sa aking matagumpay na paglaya.

Isang putok ng baril ang umaligawngaw sa buong paligid. Nagmula iyon kay Dr. Alejandro, hindi ko alam kung paano sya nakaligtas sa pagguho ng gusali. Matinding suliranin nanaman ito, ang buong akala ko ay makakatakas na aKo, akala ko magiging malaya na ko.

"Isang hakbang palayo saakin Uno at makikita mo na si kamatayan" pananakot nya saakin

"Parang awa mo na Dr. Alejandro hayaan mo na akong mabuhay ng malaya"

"Hayaan, hindi ko sasayangin lahat ng pera at pagod ko dahil lang sa wala Uno, kinulang kaba sa serum at tila mapurol ang pag iisip mo"

Buo na ang aking desisyon hahakbang na ako papalayo sa kaniya kahit pa ikamatay ko iyon. Siguro sa susunod kong buhay hindi ko na mararanasan ule ito.

Isang hakbang palang ang nagagawa ko ngunit nakarinig na ako muli ng pagputok ng baril. Inaantay kong dumampi sa aking balat ang metal na bala ngunit nakaraan na ang bente segundo ay wala rin.

Nilingon ko ang aking likuran dahil sa kuryosidad.

"Treeeeeeeeessssssssss bakit? Wag mo kong iiwan, lumaban ka" nagkamali ako na ako ang tataman ng metal na bala mula sa baril ni Dr. Alejandro.

Naalala kong teleportation pala ang abilidad ni tres, ito rin siguro ang dahilan kung paano nakatakas sa gumuhong gusali si Dr. Alejandro

"Uno, tumakas kana ako na ang bahala kay Dr. Alejandro"
"Hindi tres sabay tayong aalis dito, hindi kita iiwan" patuloy sa pag agos ang aking luha habang sinasambit ko iyon
"Uno ano ba? Sa Kalagayan ko ngayon hindi ko na kaya pang iligtas ang aking sarili, malaigaya ako na sa ating tatlo ikaw ang makararanas ng masayang buhay" pagkatapos ng kaniyang pagtungon ay ang pag teleport nya sa likod ni Dr. Alejandro at sabay tarak ng punyal na kaniyang dala dala palagi.

Nakaalis ako ng laboratoryo ng mag isa, nasa gubat ako ngayon at pinaghahanap ng mga natirang tauhan ni Dr. Alejandro. Takbo iyak takbo iyak. Tila hindi ko na ,aramdaman ang pagod ko ngayon. Nawala si Dos at Tres dahil sakin.

Kasalukuyan akong nagtatago ngayon sa isang malaking puno. Hindi ko namalayan na natagpuan ako ng isa sa mga tauhan ng doctor.

"Sasama ako sayo ng maayos wag mo akong sasaktan" pag mamakaawa ko
"Manuti kung gayon halika kana Uno" hinawakan ko kaniyang kamay sabay bura sa kaniyang memorya.

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ng lalaki sakin
"Narito ka upang tulungan ako makarating sa kabilang isla" pagsisinungaling ko. Alam kong magiging malaking tulong saakin ang lalaking ito at sasamantalahin ko ang pagkawala ng kaniyang memorya upang tuluyan na akong makalis dito

"Maari mo na akong iwan kuya"pag papa alam ko  sa kaniya, nakasakay ako ngayon sa bangkang inihanda ni nurse Maureen para sana sa pagtakas namin. Ngunit sa kasamaang palad ako lamang ang nakaligtas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiraya: Touch of Nostalgia Book 1 (On Going)Where stories live. Discover now