Hiraya’s POV
Sampong taon na ang nakalilipas mula ng nakalaya ako mala impyernong laboratoryong iyon, ngunit sariwa parin saakin ang sakit at pag hihirap na dinanas ko doon
Flashback
“sigurado kaba Dos sa plano nating ito?” Paglilinaw ko kay Dos at TresPlano naming tumakas mula sa laboratoryog ito. Mabilis kami nakabuo ng plano, matatalino kami at may sapat kaming pisikal na lakas, epekto ito ng serum na itinuturok samin kada araw.
"Matagal na natin itong plano at alam kong magtatagumpay tayo" tugon ni Dos na nagpalakas ng loob namin.
Kasama namin sa plano si nurse Maureen, naging mabuti sya sa amin habang andito kami sa laboratoryo. Siya ang magsisilbing hudyat sa nalalapit naming pagtakas.
"Buo na ang loob namin ni Dos, Uno, sumama kana samin" pangungumbinsi ni Tres
"Saan naman tayo pupunta, ni hindi ko nga maalala kung saan ako nag mula o kung sino ang aking mga magulang" paliwanag ko kay tres
"Hindi ka ba natatakot sa maari nilang gawin sayo dito Uno? Maari mong ikamatay ang ekspiremento pag nagkataon" natakot ako sa sinambit ni Dos, pero may punto siya.
"Ohh sige sasama ako magkita kita tayo sa tabing dagat, may nakahandang bangka doon para sa ating pagtakas, gagawin natin ito pagkatapos ng test mo Uno kaya husayan mo sa pag arte upang makumbinsi mo si Dr. Alejandro na wala tayong masamang binabalak." Mahabang saad ni Dos
"D-dos t-tres, natatakot ako sa maaring mangyari" naluluha kong tugon sa kanila ni Tres
"Wag kang matakot Uno, makakaligtas tayong tatlo kasama si nurse Maureen" pag papakalma sakin ni Tres.Lumapit saakin si Dos at hinawakan ang aking mga kamay, hinalikan nya ako sa noo. Ganto nya ako pakalmahin.. Si Dos ang tumayong leader namin sa aming plano sya rin ang tinuturing naming nakatatanda saamin. Sa katunayan edad at codename lang ang alam naming impormasyon tungkol sa aming sarili. Sabi ni nurse Maureen epekto daw iyon ng serum ang mabura ang aming mga nakaraan.
"Pitong taong gulang palang kami hindi ba nurse Maureen?" Paglilinaw ko
"Oo Uno, limang taong gulang kayo ng dinala kayo dito ni Dr. Alejandro, dalawang taon narin niya kayong pinag e-eksperimentuhan" tama si nurse Maureen, masakit pero totoo, tao kami pero para kaming mga hayop kung ituring at gawing eksperimento.
Bukas na ang Last test ko, siguradong mataas na dosage na ang ituturok saakin na serum. Maari hindi kayanin ng katawan ko ang gagawing examination bukas.
Napukaw ng atensyon ko si Tres na seryosong nakatitig sa kawalan.
"Tres may problema ba?" Tanong ko kay tres na tila narinig nya ang mga sinambit kong salita
"Bukas na ang huli mong test Uno, napaka delikado ng maaring mangyari sayo, nag aalala ako para sayo Uno" nangingilid na ang mga luha ni Tres ng sambitin nya ang laman ng kanyang isipan
"Kung sakali na hindi ko makayanan ang test bukas nais kong ituloy nyo parin ang plano, gusto kong mabuhay kayo ng payapa malayo dito sa mala impyernong laboratoryo na ito" tugon ko
"P-pero Uno dapat kayanin mo, alam mong kapatid na ang turing ko sa inyo ni Dos, hindi ko kayang may mangyayaring hindi maganda sa inyo" umiiyak na si Tres habang binibitawan ang kaniyang mga salita
" Mahal ko kayo ni Dos, Tres. Masaya akong lumigaya kayo kahit wala ako sa tabi nyo" naiiyak kong sambit"
Sa kakaiyak namin ni Tres ay hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami. Magkatabi kaming natulog na parang bukas ay hindi na namin makikita ang isat-isa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello its me your cutie author, if may suggestions kayo feel free to drop your comments! Thank you😘
YOU ARE READING
Hiraya: Touch of Nostalgia Book 1 (On Going)
Science FictionLook back form PAST, Fight the PRESENT, and Predict the FUTURE. Time travel with Hiraya the Journey to the Perfect Time.