Chapter 2 - Christian at Kristoff

57 5 0
                                    

Nandito kami sa Grade School Clinic ngayon kung nasaan si Ate. Hindi pa rin namin alam kung bakit siya napunta rito, tinatanong pa rin nila Kuya Onyx ang mga nurse na nag-asikaso kay Ate nung dinala siya rito.

"Nurse can you, at least, try to remember his face or kahit 'yung damit niya man lang, kung anong kulay or anong style." Pagpipilit ko sa nurse dito sa clinic. Sabi kasi nila na may lalaking nagdala sa kaniya rito pero hindi naman niya maalala. "Hindi ko po talaga alam kasi bigla nalang siyang umalis pagtapos niyang ilapag ang Ate ninyo sa kama, ni hindi nga po niya sinabi kung saan niya nakita ang Ate ninyo or kung alam niya ba kung anong nangayri sa kaniya at kung 'yung suot ni naman po ay sigurado po akong naka puti siya. Pasensiya na po talaga 'yun lang po ang impormasyong..." Hindi ko na pinatapos si Ate Nurse kasi parang mahaba pa ang sasabihin. "Okay na po Ate Nurse. Thank you po."

Haba naman nang sinabi ni Ate Nurse. Nagkatinginan nalang kami ni Kuya Onyx at Ali. Eh halos din naman ng mga tao rito naka puti, eh malamang kasi nga uniform namin.

"Hey guys, ano na?" Tanong ni Kuya Jasper na kababalik lang para bumili ng tubig. Hindi namin siya nasagot at kinuha nalang ni Kuya Onyx ang tubig na pinabili niya at umupo sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Ate.

Naghintay kaming magising si Ate at hanggang sa dumating na rin si Kuya Greg pero hindi pa rin siya nagigising. Nakatulog nalang din si Ali at Kuya Jasper sa kakahintay kaya lumabas nalang muna ako ng clinic para magpahangin, besides sabi ng nurse na wala raw dapat masyadong tao sa clinic, though Ate's the only patient they have in there. Hinayaan nalang namin 'yung taong naghatid kay Ate rito, ang mahalaga okay si Ate.

Sa paglilibot ko ng tingin ay nakita ko 'yung lalaki na humila sakin kanina, 'yung kamukha ni Christian na sinasabi ko. Anong ginagawa niya rito? Hindi naman siya naka uniform bilang student or bilang teacher, ibig sabihin hindi siya nagtatrabaho or nag-aaral dito, pero nakaputi rin siya gaya nang sabi ni Ate Nurse. Sino ba siya? Baka may kinalaman siya sa nangyari kay Ate. Kasi naman kahit na saan si Ate eh nandoon din siya. Tinitingnan ko lang siya galing dito sa kinatatayuan ko. May katawag siya ngayon.

"Theresa." May humawak sa balikat ko at paglingon ko ay si Ali pala.

"Bakit?"

"Tinatawag kita, tatlong beses na eh ayaw mong lumingon."

"Eh bakit ba?"

"Halika na, gising na kasi si Ate. Pwede na raw tayong umalis."

Nauna nang pumasok si Ali at bago ako sumunod ay tumingin muna ulit ako sa direksyon nung lalaki pero hindi ko na siya nakita. Hay makapasok na nga, paranoid lang siguro ako sa lalaking 'yun dahil sa nangyari kay Ate.

Kinuha na ni Kuya Onyx ang mga gamit ni Ate at umalis na, nagpasalamat na rin kami sa nurse na nag-entertain sa amin.

Habang dinadala ni Kuya Onyx ang mga gamit ni Ate ay inaalalayan naman namin ni Kuya Jasper si Ate papuntang van.

"Ate what are you doing here anyway at bakit hindi ka sumipot kaninang lunch?" I ask her while walking. "I'm sorry hindi na ako nakapag-text or nakatawag sa inyo nakalimutan ko eh may inaasikaso kasi ako kanina." Sagot naman niya sakin.

Pagdating namin sa van ay binigyan nalang namin siya ng kunting makakain para magkalaman naman ang tyan niya kahit kunti at para makapagpahinga sandali sa byahe, baka madala na namin 'tong si Ate sa hospital, mahirap na.

Naghihintay kami ngayon sa Instructor namin sa PE dito sa gym. Another day na naman ng klase tapos first subject namin PE, 8am pa sa umaga.

Dalawang araw na rin ang lumipas matapos ang mga nangyari sa Ate. Sinabi at ipinaliwanag niya na rin sa amin ang mga nangyari sa kaniya, inamin niyang nagbreak na sila nung Steve na 'yon. Buti nga, hindi rin naman kasi kami boto dun. Sinabi niya rin sa amin kung bakit siya napunta sa grade school, kasi nga daw may titingnan daw siyang libro dun sa library nila pero bago daw siya makarating sa library ay nahilo nalang siya bigla at hinimatay. Hay ito si Ate talaga oh minsan kung ano-anong nangyayari sa kaniya, nag-aalala tuloy kami sa kaniya nang sobra.

La Guerra (The War)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon