*A T H E N A ' S P O V*
"Hello kids."
Lolo smiled at us as he stands besides Lola's tomb. Nag bow rin sa amin si Secretary Louis. "Since you're here, come in and join my visit sa Lola ninyo." Sabi niya sa amin habang nakangiti.
Mabilis na lumapit at yumakap sa kaniya nang mahigpit ang mga kapatid ko, lalo na si Ali. "Welcome back Lolo." Sabi ni Ali. Hamigpit siyang nakayakap kay Lolo at parang ayaw nang bumitaw.
"We've done it, just like what you said." Maikli at mahina kong sabi kay Lolo pagkatabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mga kapatid kong nasa tabi na ng libingan ng Lola namin. "Good." Walang gana niyang sagot at umalis agad sa tabi ko para lapitan ang mga kapatid ko nang hindi man lang ako tiningnan.
All this time I thought that I have proved myself to him just like my older brother. Silly me for thinking of that. I will never, ever, be on the same level with him to my Grandfather.
Pagkatapos nang pagbisita namin kay Lola ay umuwi na kami. Si Ali at Tea ay doon sumakay sa sasakyan ni Lolo kaya kaming tatlo na lang ni Onyx at Jasper ang nandito. Magkatabi ang kambal sa harap at akong lang dito sa likod.
Habang nasa byahe kami ay hindi pa rin maalis sa isip at damdamin ko ang nangyari kanina. Kahit palagi kong sanasabi sa sarili kong sanay na ako na mahina at maliit lang ang tingin ng sarili kong Lolo sa akin.
"What's going on?" Out of nowhere ay nilingon ako ni Jasper mula sa harap kaya napaharap ako sa kaniya na nagtataka galing sa pagtanaw ko sa mga nadadaanan namin. "Bakit?" Tanong naman ni Onyx na siyang nagda-drive na ngayon. "She's crying bro." Pagtukoy ni Jasper sakin. Hinawakan ko ang mga pisngi ko at naramdaman kong malamig at basa ito. I wiped it with my hands and look down out of embarrassment.
"Ate, anong problema?" Tanong ni Jasper habang nagpatuloy pa rin sa pagmamaneho si Onyx. "Wala," Sagot ko. "May naalala lang ako, si Lola." Pagsisinungaling ko sa kaniya at binigyan siya nang malungkot na ngiti. "I know na nami-miss mo siya Ate at kami rin kaya okay lang 'yan, nandito naman kami para sayo." Onyx and Jasper comforted me along the way and it made me feel calm and at ease.
Kung si Ali ang pinakamalapit sa Lolo namin, ako naman kay Lola. She's the only one that can see all my efforts and sacrifices between her and Lolo. Siya lang ang kakampi ko noon laban kay Lolo kung nahihirapan na ako.
Oo, may nakakatanda pa kaming kapatid at kasalukuyan siyang nasa Spain. Hindi ko alam kung anong eksaktong pinapagawa ni Lolo sa kaniya pero isa lang ang sigurado ako, hindi alam 'yun ng mga magulang namin. Ganun naman talaga palagi mula pa noon, hindi alam ng Mama at Papa ang mga bagay na ginagawa namin para kay Lolo. Isang araw ay namulat nalang kaming dalawa ni Kuya sa mga bagay na maaring mangyari sa pamilya namin kaya ginagawa namin 'to. Ginagawa para protektahan ang pamilyang 'to.
Nung makarating kami sa amin, pagkapasok palang namin sa gate ay mapapansin mo na mas pinarami at pinahigpit pa ang security na nakapalibot sa mansion.
Ang sinasakyan naming magkakapatid ang nauna sa harap ng mansion at paglabas namin ay sinalubong kami ng Mama at Papa. We didn't know na uuwi rin pala si Papa galing Hawai'i kaya excited kaming lumapit at yumakap sa kaniya.
"Pa, I thought next week pa kayo uuwi." Onyx ask as soon as nakalapit na kami sa kaniya. "I have to come home sooner because your Grandfather's here." He smile and messes Onyx's hair.
As soon as our car got out of the way sumunod naman ang kotse na sinasakyan nila Lolo. Even he's still in his car, his presence makes everyone around alert and steady. He sure is the Master of this house.
BINABASA MO ANG
La Guerra (The War)
BeletrieLabanan ng pamilya. Labanan para sa katotohanan. Gagawin ang lahat para manalo. Gagamitin lahat ng armas para sa laban. Mula noon hanggang ngayon, mga sugat galing sa nakaraan ay hindi pa rin naghihilom. Sino ang pipiliin kung ang dalawang panig ay...