Chapter 4 - Pagbisita

15 2 0
                                    

Nandito kami sa dining area kumakain ng breakfast kasama si Darren at Christian. Si Mama ang nag-imbita sa kanila na sabayan kami kasi hindi pa rin pala sila nakakapagbreakfast na dalawa.

"What brings both of you here?" Tanong ni Mama kila Darren. "Inaya lang po namin nila Ali si Christian Tita kasi bagong dating eh." Sagot naman ni Darren. "Oh my! Nakalimutan ko hijo, welcome back." Baling naman ni Mama kay Christian at nginitian niya si Mama. "Thank you Tita." Sagot niya naman at nagpatuloy sa pagkain.

Buti pa 'tong mga 'to, nakakakain nang maayos eh ako parang hindi pa rin mapakali, ikaw ba naman makita ng crush mong parang dinumog ng isang libong pusa sa kanto at napakalaki ng bunganga ewan ko lang kung hindi kayo mamatay sa hiya.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko kasi magkaharap pa naman kami nila Darren at Christian, hindi nga ako nakipag-eye contact o kahit na nakaw na sulyap sa kanila kasi sobra na talaga akong nahihiya. Hindi ako makapag-concentrate sa pagkain. Tatayo na sana ako pagkatapos kong kumain nang mabilis nang biglang dumating si Ate Tina kasama si Kuya Onyx at nagsalita.

"Ma didiretso na kami sa sementeryo after namin maglaro para maaga kami makauwi." Sabi ni Kuya Onyx at uminom ng tubig. "Okay. Take care and I'm sorry, I can't go. Ikamusta niyo nalang ako sa Lola ninyo ha. If ever maaga matapos ang meetings ko susunod ako." Tumayo na si Mommy at nagsigalaw na ang mga tao sa paligid, si Ate dinaanan ako at sinabihang magbihis na saka kumuha ng tubig sa kusina.

"Wait, Ate sasabay tayo sa kanila? Hindi ba tayo mauuna sa sementeryo?" Gulat na tanong ko. "Yes, kaya dali na, magbihis ka na." What! Universe, ano ba!? Hindi ka na nakuntento na sabay kami kumain ni Darren at pagsasamahin mo na naman kami ulit. Hiyang-hiya na ako kanina oh.

Mayamaya ay umalis na kami ng bahay at ngayon nagbabyahe kami, papuntang school? Teka anong gagawin namin sa school? Wala naman kaming mga pasok ah.

"Kuya Onyx, bakit tayo pupuntang school? May malapit naman na court sa atin ah." I ask while leaning to the front seat. Hindi kasi kami nag-van at 'yung kotse lang ni Kuya Jasper ang gamit namin, ayaw din naman kasi naming distorbohin si Kuya Greg. Si Ali lang din ang wala rito kasi doon siya kila Darwin na sasakyan sumabay. "Well, magta-tryout sila." Pagpapaliwanag niya. "Akala ko ba maglalaro lang kayo ng basketball ha?" Tanong ko ulit. Itong mga 'to mga sinungaling. "Maglalaro nga, sabay tryout." Malokong sagot ni Kuya Jasper at nag-fist bump silang dalawa ni Kuya Onyx. Mga loko talaga ang mga 'to.

Nandito kami ngayon sa court ng school. Kunti lang tao dito at puro lalaki pa at kami lang ni Ate ang dalawang babae.

"Good morning Coach." Bati ni Kuya Onyx. "Good morning. Okay we're here to evaluate you kids if you still have maintained your status of performance, specially you Theodore. Pinapanood ko ang bawat laro mo noong highschool ka pa. Maganda ang mga ipinakita mo bilang Captain and I wanna see more and better of it." Sabi ng coach sa kanila at bumaling kay Christian. "And as of you Mister Montefalcon, ang tagal mong nawala, welcome back." Sabi niya sabay tapik sa balikat ni Christian. "Okay! Let's go team!" Sigaw ng Captain nila at nag-ayos at naghanda na sila para sa laro.

Lumapit kami ni Ate kila Ali bago magsimula ang laro nila. "Goodluck Doraemon. Galingan mo ha, don't disappoint me." Pinagsingkitan ko siya ng mata at tinuro ko siya dahil palagi naman niyang pinagmamalaki sakin na ang galing niya magbasketball. Nag fist bump kami at kinindatan niya ako. "Sus, ako pa? Ang galing ko kaya." See, his bragging it again. Inabot niya ang relo niya sakin at nagpalit na siya ng sapatos.

Habang nag-aayos si Ali ay nabaling ang atensyon ko kay Darren at Christian, nag-aayos na rin silang dalawa. Bago pa magsimula ang laro ay nilapitan ko na rin sila.

La Guerra (The War)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon